Chapter 35: The Shadow

9.6K 478 41
                                    

Lakad-takbo ang ginawa ko pabalik sa loob ng mansyon ni Hades. At dahil maayos na nga ang pakiramdam ko, naging mabilis ang pagkilos ko.

Mayamaya lang ay napatigil ako sa pagtakbo noong biglang yumanig ang paligid. Ikinuyom ko ang mga kamao at pinakiramdaman nang mabuti ang nangyayari sa labas ng mansyon ni Hades.

Dark magic. I can feel some strong and dangerous dark magic!

Napailing na lamang ako at napahugot ng isang malalim na hininga. Hindi ko alam kung paano ginawa iyon ni Garnett kanina, iyong pagkausap niya sa akin sa pamamagitan ng isipan lamang. At kung tama ang hinala ko, mukhang magagawa ko lamang iyon kung may koneksiyon ako sa taong nais kausapin. In our case, pareho kaming dark magic user ngayon ng pinsan ko.

I'll try talking to Hades through my mind! Sana lang ay gumana!

"Hades! Can you hear me?" I asked through my mind. Please. Sana ay marinig niya ang boses ko! "Hades! Please answer me. Naririnig mo ba ako?" Napangiwi na lamang ako noong wala akong nakuhang sagot mula sa pinsan. Muli akong napahugot ng isang malalim na hininga at noong akmang ihahakbang ko na sanang muli ang mga paa, agad akong natulos sa puwesto noong marinig ang tinig nito.

"Anastasia?" Napaawang ang mga labi. Gumana ito! He heard me! "Paanong naririnig ko ang boses mo ngayon? Paanong... Wait! Where are you right now? Stay in your room and let me anf my men handle them!" seryosong saad nito na pinagsawalang bahala ko naman.

"No, Hades, you listen to me. Ikaw ang habol ng mga miyembro ng Malverine na narito sa mansyon mo ngayon. They thought that the power they felt earlier was yours. They're here for you and for sure, they'll do everything to have you." Seryosong sambit ko sa pinsan at nagsimulang ihakbang muli ang mga paa. Hindi ako maaaring manatili sa loob ng mansyon nito. I need to do something too. Nandito ang Malverine dahil sa akin. Kung mapapahamak si Hades dahil lang sa maling akala nila, tiyak kong hindi ako patatahimikin ng konsensiya ka! I need to do something for him!

"Those bastards. Hindi talaga sila titigil hangga't hindi nila nakukuha ang lahat ng dark magic user sa Tereshle!"

Napangiwi ako sa tono ng boses ng pinsan ko. He's mad. Ramdam ko ang galit nito. Napahugot na lamang ako ng isang malalim na hininga at pinagpatuloy ang paglalakad. "Now, where are you? I'm going there, Hades," tanong ko sa kanya.

"Please don't, Anastasia! Kailangan mong magpahinga!"

I chuckled upon hearing those words from him. "You know that I can't do that, Hades. Stop being overprotected. Hindi ka si Kuya Anthony para umakto nang ganyan sa akin. Now tell me where the hell you are," seryosong sabi ko sa kanya at lumiko sa isang pasilyo. Natahimik bigla si Hades at hindi nagsalita. Ilang saglit pa'y sinabi niya rin sa akin kung nasaan siya ngayon.

Main entrance of his mansion.

Agad akong tumakbo patungo roon. I don't have enough time now. Nararamdaman ko na rin ang mga presensya ng mga miyembro ng Council sa paligid ng mansyon ni Hades.

War.

This is definitely the war they always wanted to happen. At kapag tuluyan nang magsimula iyon, tiyak kong katapusan na rin ng mundong ito. Paniguradong mga matataas ng opisyal ng Council ang narito ngayon sa lugar na ito. They're going to destroy this place and end the Malverine.

Mayamaya lang ay natigil ako sa pagtakbo at napatingin sa gawing kanan ko. Isang madilim pasilyo ang bumungad sa akin. Napakunot ang noo ko at pilit na inaalala kung may nabanggit ba si Hades tungkol sa pasilyong ito. Sa laki ba naman ng mansyon ng pinsan ko ay hindi ko alam na mayroon pa lang ganito rito!

Segundo lang din ang lumipas ay naging alerto ko noong makaramdaman ng kakaibang presensiya mula sa kabilang bahagi at dulo ng pasilyong kinaroroonan.

Something's there.

Burst Into Flames [ Published Under Pop Fiction #CLOAK ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon