Chapter 24: Fifteen Years Ago

10.4K 478 19
                                    

"Masyado pa akong bata noon ngunit alam at ramdam kong may mali sa misyong ng mga magulang ko." Humugot ako ng isang malalim na hininga at tiningnan ang mga kasama ko sa silid na kinaroroonan. Tahimik pa rin ang mga ito at nakikinig lamang sa pagkukuwento ko. I sighed. "My parents were one of the best Agents. Sila ang gumagawa ng mga mahihirap na misyon. Alam ko iyon dahil halos hindi sila umuuwi sa Aundros. I was just seven years old that time. At dahil malakas akong makiramdam noon, hindi ko napigilan ang sarili kong makialam sa naging misyon ng mga magulang ko."

Napahugot na lamang muli ako ng isang malalim na hininga at pinagpatuloy ang pagkukuwento sa mga kasama ko.

Kinabukasan, nalaman ko na lang na umalis na pala ang mga magulang ko patungo sa Tynera, Iyong lugar kung saan namamalagi ang mga Agents kagaya nila. Medyo malayo ito sa Aundros kaya naman ay tiyak kong maaga pa lang ay umalis na ang mga ito.

"Kuya." Tawag pansin ko sa kanina pang tahimik na kapatid. My birthday celebration was cancelled. Dahil sa pag-alis ng mga magulang ko para sa misyon nila ay naantala ang dapat na pagdiriwang sa aming masyon. Malungkot kong tiningnan ang kapatid at noong mamataan niya ang ekspresyon ko sa mukha, napahugot ito ng isang malalim na hininga.

"They have their reasons, Ana," sambit ng kapatid ko. Lumapit ito sa akin at lumuhod sa harapan ko upang magkapantay kaming dalawa. "What do you want to do, Ana? You want to practice new skills? I'll drop everything to join you today." He smiled weakly to me. I know he's just cheering me up. He just wanted me to forget about this one.

Napatango ako sa kapatid. "Mamasyal tayo, Kuya." I said without hesitation. Nakita ko namang natigilan ito sa sinabi ko.

"You know that I can't do that, little sis," anito na siyang ikinasimangot ko sa harapan niya.

"But you can do something, right, Kuya? Please. Gusto kong lumabas ng mansyon ngayong araw!"

Mahigpit ang mga magulang namin. Tanging sa Tereshle Academy at sa Miller mansion lang ako nagagawi. Ni hindi ko pa nga nalilibot ang buong Aundros! This day might be the day na makakapaglibot ako! It's my birthday anyway! Paniguradong pagbibigyan ako ng kapatid ko!

"Anastasia." It was my brother's warning tone, but I ignored it. Kinulit ko ito hanggang sa pumayag siyang tuluyan sa pamamasyal naming dalawa sa sentro ng Aundros.

Finally!

"Remember this, Anastasia. We only have an hour to roam around the center. At pagkatapos noon, babalik na tayo sa mansyon. Understand?" seryosong paalala sa akin ni kuya. Panay tango lamang ako sa kanya bilang pagsang-ayon sa nais niya.

One hour. I hope it's enough.

"Bakit hindi kayo pinagbawalan ng mga magulang mong lumabas noon?" singit ni Blue na siyang ikinatigil ko sa pagkukuwento.

Napailing ako sa kanya at napatingala na lamang. "Kagaya nga nang sinabi ko kanina, I was so young back then. Hindi ko pa lubusang nauunawaan ang lahat na nangyayari sa paligid ko. Ang buong akala ko noon ay tama lahat nang ginagawa ko. I was careless, a goddamn reckless too. You know, ganoon naman tayong lahat noong mga bata pa."

"So, anong nangyari noong tuluyang kang nakalabas ng mansyon ninyo?" Lester asked me. Napatingin ako sa puwesto nito at namataan ang kuryusidad sa mga mata niya. Napatango na lamang ako at nagpatuloy muli sa pagkukuwento.

Suot ang parehong itim na jacket namin ni Kuya Anthony, lumabas kami ng masyon ng walang paalam. Lumabas kaming dalawa upang i-celebrate ang kaarawan ko ngayon araw!

Manghang-mangha ako sa mga nakikita ko. People of Aundros are everywhere! Kahit saan ako lumingon, I know, lahat sila ay mga fire attributer kagaya namin ng kapatid ko! May nakita pa ngang kakilala si Kuya Anthony kaya naman nawala ang atensyon niya sa akin.

Burst Into Flames [ Published Under Pop Fiction #CLOAK ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon