Chapter 15 -- The Menace

Start from the beginning
                                    

"Wow! Thanks for the words. Instead of taking your not-so-precious life, bakit kaya hindi na lang ang buhay ng Pamilya mo? What do you think? Brilliant idea, right?" Pagbabanta ni Brylle.


Helaena gritted her teeth. Bigla din siyang kinabahan sa banta ni Brylle. Nagpantig ang tainga nito sa narinig kaya mabilis na dumapo ang kamay niya sa mga braso ni Brylle. Kulang na lang baliin niya ito. "Jerk! Don't you dare to lay your hands on my Family. Kung hindi magkakamatayan tayo. I swear to God I will kill you." Banta din ni Helaena kay Brylle.


Natawa lang si Brylle sa mga sinabi ni Helaena. "Chill! I'm just screwing up with you."


"That doesn't sound like a joke. At hindi ako nakikipag biruan sa'yo, Samaniego." Galit na sabi ni Helaena. Nagpalitan sila ng masamang tingin.


"Well I am." Bigla na lang naglakbay ang isang kamay ni Brylle sa mga beywang ni Helaena dahilan upang mabitawan ni Helaena ang pagkakahawak sa braso ni Brylle. Napa smirk si Brylle sa ginawa niya. "I won."


Napahawak si Helaena sa dalawang kamay ni Brylle. Na kay Brylle na kasi ang buong bigat niya, kapag hindi siya nakahawak baka matumba siya kapag binitiwan siya ni nito. "Get off me!" Utos ni Helaena.


"As far as I know, you're the one holding me. Caressing me. This is so romantic. You're such a sweet person and I am too. Right?" Pang aasar pa lalo nito.


"Handa na ang---" Napatigil ang Mama ni Helaena nang masaksihan ang posisyon ng dalawa. "hapunan." Pagpapatuloy nito.


Saka lang nag ayos ng tayo sina Brylle at Helaena. Naunang pumunta sa dining table si Brylle habang naiwang nakatulala pa rin si Helaena.


Hindi makapaniwala si Helaena na kasama niya ngayong nag di-dinner ang taong kinaiinisan niya. Ang taong nagtatangka sa buhay niya araw-araw. Sa loob pa ng bahay nila. At mukhang kasundo nito ang Pamilya niya at nakuha na agad ang loob.


Para siyang invisible, dahil si Brylle ang kinakausap ng mga ito. Ang daming katanungan, ang daming kwento. Tumatawa, ngumingiti at sumasagot naman si Brylle kahit papano.


"Hello Ma,Pa,Haven. Nandito ako. Ako ang anak niyo at hindi ang devil na 'yan." Gusto sanang isatinig 'yon ni Helaena, pero baka balewalain lang siya ng mga ito dahil abala ang mga ito kay Brylle.


Nakahinga lang ng maluwang si Healena nang matapos silang mag dinner. Kausap ngayon ni Brylle si Haven. Habang si Helaena ay inatasang maghugas ng pinggan. Sa bagay, siya naman talaga ang dish washer sa kanila.


"Akala mo kung sinong mabait habang kausap ang Pamilya ko. Huh! Kung alam lang nila kung ga'no kasama ang ugali ng Brylle na 'yon baka sila pa ang magpaalis sa kanya palabas ng bahay." Kulang na lang at mabasag ang mga plato na hinuhugasan niya.


"Hay, ano ka bang bata ka? Babasagin mo ba ang mga plato natin?" Alalang tanong ng Nanay ni Helaena. "Ako na nga diyan." Kumuha na siya ng apron at gloves. "Sige na, asikasuhin mo na yung bisita mo sa loob."



"Tss!" Inis na singhal ni Helaena. "Pati Pamilya ko nalason na rin ang utak." Bulong nito sa kanyang sarili.

Inis na nagtungo sa sala si Helaena pero wala do'n sina Brylle. Nang may marinig siyang nagkakantahan sa may veranda nila. Lumapit siya sa may pintuan, pero hindi siya nagtungo sa veranda. Nakita niyang nag ja-jamming ang kapatid niya at si Brylle.



"Talented devil." Sabi ni Helaena sa kanyang sarili. Si Brylle ang nag gi-gitara. Kumakanta naman si Haven. Nabigla na lang si Helaena nang marinig na kumakanta din si Brylle.


My Guardian DevilWhere stories live. Discover now