Chapter 2: Ironic_Volvo

Start from the beginning
                                    

“Mukhang may binabalak sila ha. Kabahan ka na Chalstine, mukhang dudurugin tayo ni Ironic_Volvo. Lalo ka na, patay yang character mo sigurado.” Pananakot ni Steven, kaya naman hinampas ko sya sa braso.

“Leche ka! Basta alerto lang tayo, at saka pababayaan nyo ba ako?” may halong kaba kong tanong.

“Oo!” sabay-sabay nilang sagot na apat.

“Aba, magaling.” Sarkastiko kong sagot.

“Eh di character naman namin ang bumaba ang level? Bahala ka na Chalstine, kaya mo yan. HAHAHAHA!” Pangaasar ni Dave.

“Bwisit kayo, nagsolo na lang dapat ako.” malapit na akong mapikon sa kanilang apat, kahit kailan ako ang kinakawawa nila.

“Biro lang nama– Ayan na!!”  nagulat kami sa sigaw ni Aaron, napatingin kami sa kanya-kanya naming screen. Sumusugod na ang UFC.

Nakakaasar, nakampante kaming hindi sila agad magpapakita. Good strategy, surprise ang paglabas nila.

“Sige pa! Boogsh!” with sound effects pa si Pj.

“Langya, weak!” sabi naman ni Steven.

“Wala, bagsak agad!” tumatawang sabi ni Dave.

“Last shot! Bang! Tumba yung isang ulupong!” ang lakas ng boses ni Aaron.

Lahat sila kayang-kaya ang kalaban nila, pero ako hindi. Halos maputol na ang daliri ko sa kakapindot sa keyboard, pero fast hand si Ironic_Volvo. Halos wala pang isang segundo kung magpalit sya ng armas, may kapalit na agad. Hindi din maubus-ubusan ng bala ang mga baril na mayroon sya.

“Tulong! Ang hirap!” napasigaw na ako, ayokong mapatay yung character ko.

“Weak ka na ba Chalstine? Naku! Bilisan mo, si Buwakaw na lang matataasan na natin sila ng points!” mas lalo akong naprepressure sa bawat pagsigaw ni Steven, halos mabingi na ako dahil katabi ko lang sya.

“Palit ka ng baril, machine gun yung kanya oh!” sinunod ko naman ang sinabi ni PJ, pero dahil sa pagpapalit ko ng armas napatumba ni Ironic_Volvo ang character ko.

Napasandal ako ng malakas sa upuan. Nalungkot ako bigla, hindi ko pa rin sya matalo-talo. Nakakahiya na sa mga kaclanmates ko.

“Ano ba yan Chalstine.” Kumamot ng ulo si Dave, halatang nabigo sya sa akin.

“Kala ko ba handa ka ng kalabanin yung Buwakaw na yun?” isa pa itong si Aaron.

“Nasayang na naman yung pagkakataon.” Tumayo na si PJ at lumapit sa nagbabantay sa server, magbabayad na sya.

 

"Chalstine, Log In!" (Completed)Where stories live. Discover now