Chapter Thirteen

105 14 5
                                    

#CHAPTERTHIRTEEN

Ibinigay ko lang ang proposal ko kay Sir. Nag-effort pa akong maglakad papunta sa faculties office para lang mahabol ang last submission ng proposal na yan.

“Hindi ko na yan tatanggapin, Ms.Hens” sabi niya na ikinalaglag ng panga ko.

Is he Insane? Pinagpuyatan kong gawin yan tapos hindi niya tatanggapin?! Wala na nga siyang binigay na kagroup ko tapos- Urg!

“Pinagpuyatan ko yan Sir! Nagka eye bags pa nga ako ng dahil dyan”

“One minute ng late ang proposal mo. Sinabi ko sa inyo na hanggang 9:35 am lang diba? 9:37 na. Dalawang minuto na yang late, I can't accept that”

“Mr. Ynzon! Stop fooling around!”

Napasapo ako sa noo ko. Magkakawrinkles talaga ako ng dahil sa prof. kong to! Biruin mong one minute lang nalate ang proposal ko tapos ayaw na niyang tanggapin?

“Cheer up Ms. Hens! Binibiro lang kita. You can leave now”

Tinapunan ko lang siya ng masamang tingin bago ko isarado ang pinto ng faculties office, nagawa niya pa talagang magbiro.

“Ang gwapo!”

“Patingin din ako.. Shit, ang hot niya talaga”

Naglalakad na ako papuntang building ko, di ko maiwasang mapa‘tss’ sa dalawang babaeng nasa sulok at nakasandal sa pader na tila ba kanina pa kinikilig. Tutok na tutok sila sa cellphone, hindi ko sana sila mapapansin kung hindi sila masyadong maingay. Kung kiligin kasi parang kinakatay na baboy. Psh.

Humakbang na ako at nilagpasan sila.

“Omo! Ang gwapo talaga ni Kleo!”

“Kyaaahh. Kaya nga e, ang cute niyang tignan sa eye glasses niya! Super hot”

>,>

I stoped for a moment. What the heck?! May picture sila ni Kleo.... na nakasuot ng eye glasses?!

Fuck. They must be kidding. Ako lang dapat ang makakita nun.

I turned back around, bumalik ako dun sa kinatatayuan nung dalawa.

“*cough*” I faked a cough, pero hindi ako napansin nung dalawa. Naka-focus ang buong atensyon nila sa picture ni Kleo.

“Waaaahhh! Ang gwapo nga talaga. Ikaw ang kumuha ng mga litratong yan?”

“Yes. Kinikilig nga ako kanina e, Buti nalang talaga at hindi siya nagising nung kinukuhanan ko na siya ng litrato”

“Bitches!” napalingon sila sa akin. Lumaki ang mata nung isa kasabay ng pagtago ng cellphone niya sa likod niya. What's the use of hiding, e nakita ko naman na.

“Ms. Chloe”

“Ako nga. Mukha atang nabigla ko kayo?”

Hindi sila nakaimik. Nagtitinginan lang silang dalawa, ano yun eye contact? Psh.

Inilahad ko ang palad ko sa tapat nung babaeng may hawak ng cellphone. Nakita ko kung paano mamula ang pisngi niya, may lahi ba siyang kamatis? Halatang halata siya e, halatang may itinatago.

“Hindi mo ba ibibigay?”

Napaatras siya kaya lalong tumaas ang isang kilay ko. Kung hindi ko siya madadaan sa pakiusapan, then dadaanin ko siya sa paraang alam ko.

Lumapit ako sa kanya habang nakangisi, hindi ko pa siya nahahawakan nung bigla nalang niyang ibinigay ang cellphone niya sa akin sabay karipas ng takbo. Sinamaan ko yung babaeng naiwan, napalunok siya at tumakbo na din papunta sa direksyon kung saan tumakbo yung babaeng kasama niya kanina.

Under his Spell (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon