Chapter Six

108 18 1
                                    


#CHAPTERSIX

Pumunta ako sa building nila pero ang sabi sa akin nung tatlo hindi raw siya pumasok, tinatawagan ko siya pero hindi naman niya sinasagot. Ano nanaman ang nangyayari sa lalaking yun? Hindi naman siya madalas mag-absent maliban nalang kung may valid reason siya.

"Hindi ko pa siya nakikita simula pa nung umalis siya sa music room nung nakaraang araw"

"Hindi ba siya nagtext o di kaya tumawag man lang sayo Neil?"

"Hindi e"

Inilipat ko naman ang tingin ko kay Dean, sigurado namang may alam siya, diba nga bestfriend siya? Impossibleng wala siyang alam.

"Nasaan ang bestfriend mo?" tanong ko sa kanya, inilapag naman niya ang libro sa table at tumingin siya sa akin.

"I don't know"

"Seriously? Duhh bestfriend mo siya Dean. Bestfriend mo!"

"Yes, but it doesn't mean na lagi ko ng alam kung nasaan siya at kung anong ginagawa niya. Im just his bestfriend"

Arg! Nasaan ka ba ngayon Kleo? At pati tong bestfriend mo hindi alam kung nasaan ka.

Napako naman ang tingin ko kay Vincent na busy sa paglamon ng pagkain, napairap ako ang takaw niya pero hindi naman siya tumataba.

"Tatanungin mo ba ako kung nasaan siya?" tanong ni Vin habang iniinom yung juice na inorder niya.

"Hindi!" tumingin siya sa akin na parang hindi niya naintindihan yung sinabi ko kaya ngumiti ako ng mapang-asar sa kanya. "Alam ko namang palagi kang walang alam, why bother right?" saka ako umirap sa kanya.

"Grabi ka sakin Chloe" nakangusong sagot niya. Urg! para talaga siyang bata that's why I hate him, hindi naman sa hate na hindi ko siya gustong makasama, siya lang talaga yung kinaiinisan ko ng madalas sa kanilang apat. Ang hilig niyang inisin ako e.

"Tigilan mo ko dyan sa pagpapacute mo Vicente! Hindi effective"

Natawa naman si Neil sa sinabi ko at inasar niya ng inasar si Vin.

"Vicente pala ah haha"

"Ang cute kaya ng palayaw ko kasing cute ko!" He defended.

"Cute? Ikaw? San banda?" pang-aasar sa kanya ni Neil, wala silang ibang ginawa kundi mag-asaran.

Napansin ko si Dean na kanina pa tahimik, mukhang ang lalim ng iniisip niya.

"What's bothering you?"

"It's nothing"

"Really huh? You're not good at lying, Dean. Tell me, what's bothering you?"

Kilala ko siya, alam ko kung nagsisinungaling ba siya o hindi at sa sitwasyong to alam kung may mali.

"Hindi niyo ba alam kung anong araw ngayon?”

Napatingin ako sa kanya pati na rin yung dalawa na kanina pa nag-aasaran.

"Hindi" sabay naming sagot ni Neil, ang seryoso kasi ng mukha ni Dean. Ano nanaman ba kasi ang iniisip niya? Pwes kung tungkol to sa iba at hindi kay Clyde hindi ako interasado.

"Ako alam ko!" napatingin kami kay Vin. "It's 9:30 am. August.14!  Bakit? Wala ba kayong kalendaryo sa bahay dean?"

Napafacepalm nalang ako sa sinabi ni Vin, kahit kelan talaga wala siyang matinong sasabihin. Nag-expect pa naman ako. Hay.

"Sabi ko na nga ba hindi niyo naalala" tumingin siya sa akin. "Gusto mo bang malaman kung nasaan siya?"

Naningkit ang mga mata ko, akala ko ba hindi niya alam?

Under his Spell (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon