Chapter Two

188 21 14
                                    


#CHAPTERTWO

"Bawal nga talaga"

"Arg! Isa! Pag di ka talaga umalis dyan malilintikan ka talaga sa akin!"

Bakit ba ayaw niya akong papasukin sa loob? Gusto kong makita si Kleo, kaso itong singkit na lalaking to may kung anong esperitong sumapi sa kanya at bigla nalang haharang-harang sa pinto.

Spell bwisit.

V-I-N-C-E-N-T!

Konting-konti nalang talaga at matatadyakan ko na siya.

"Chloe naman, don't make it hard on me"

"Gusto mo sapak na may kasamang flying kick?"

"Ayaw" he said pouting his lips.
Urg! How childish of him. Iumpog ko kaya siya sa pader ng malaman niya ang pangbwibwisit na ginagawa niya sakin.

"Pwes. Umalis ka dyan! Inuubos mo talaga pasensya ko"

"Pe-pero ano kasi-"

Napakunot ako ng noo, ano ba talaga ang meron? May itinatago ba sila sa akin? I looked at him suspiciously, don't tell me may itinatago sila sa loob na hindi ko dapat makita?"

"May itinatago ba kayo sa loob?"

"Huh? Wala ah"

Talaga lang ah? Yung mata nanaman kasi niya nawawala.

"Sigurado ka?"

"Oo naman" sabi niya na hindi man lang makatingin sa akin ng maayos, proving that he's only lying.

"Vincent ah! Umayos kang lalaki ka, napupuno na talaga ako sayo!" I tried to push him pero masyado kasi siyang malakas, nakasandal na talaga siya sa pintuan kaya hindi ako makadaan-daan.

"Urg! Ano ba talagang meron?!!"

Tinignan ko siya ng masama.

"May babae ba si Kleo? Sabihin mo at para makapagready ako kung paano ko kakalbuhin ang babaeng yun!!" sigaw ko sa kanya, hindi ko mapigiling hindi mairita pag iniisip kong may ibang babaeng kasama si Kleo. At talagang sa loob pa talaga ng condo niya dinala ang babae niya, tinawag pa niya si Vincent para may magbantay sa labas. Huh! They can't fool me.

"Aalis ka o ikaw ang kakalbuhin ko?!" bakas sa tono ko ang pagkainis, pinagpawisan naman siya bigla. Alam kong natataranta na siya, kilala niya ako at alam niya ang pwedi kong gawin.

"Damn! wag mo akong sagarin!"

Dahan-dahan siyang gumilid at umalis sa tapat ng pinto. Aalis rin pala siya, hinintay pa talaga niya akong mainis.

"Patay" I heard him muttered. Umirap pa ako sa kanya bago ako pumasok sa loob.

Pagkapasok ko sa loob tahimik sa sala, wala rin siya sa kitchen. Where the hell is he? Isa lang ang hindi ko napupuntuhan, his room. Don't tell me nandun sila ng babae niya? Arg! Kumukulo na talaga ang dugo ko, humanda talaga sila sa akin.

Ipipihit ko na sana yung doorknob ng kwarto ni Kleo nung may maramdaman akong kamay sa ibabaw ng balikat ko.

"What?!"

"Hindi mo gugustuhing pumasok diyan, baka-" I cut him off.

"Hindi mo rin gugustuhing makalbo diba? Manahimik ka" tinanggal ko ang kamay niya sa balikat ko at tuluyan ko ng binuksan ang pinto.

Itatali ko talaga ng patiwarik ang leeg ng babae niya! Ilulublob ka pa sa mainit na tubig ang pagmumukha nun bago ko siya ibitin. Babalatan ko siya ng buhay at ipapagulong sa asin.

Under his Spell (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon