Chapter Three

143 19 4
                                    


#CHAPTERTHREE

“Good Morning Ms. Chloe, Mr.Von is waiting inside his office for you” sabi sa akin ng isa sa mga tauhan ni Dad. So, he's now here? Bigla-bigla nalang talaga siyang sumusulpot sa mansion.

“May pupuntahan ako. Something important”

“Pero Mam-”

“Nagmamadali ako, Yaya” Naglakad na ako palabas ng bahay. Ayoko muna siyang makausap ngayon, Im pretty sure na puro sermon nanaman ang matatanggap ko mula sa kanya. Maybe nagsumbong nanaman ang isa sa mga prof. ko kaya nandito siya para pagalitan ako.

I tried to call Kleo, but I can't contact him. Nakapatay ba ang phone niya o may kausap siya? Aish. That guy! Ni hindi niya man lang sinasagot ang mga calls ko, naka ilang missed call na ako pero wala parin, hindi niya parin sinasagot.

Nagpunta ako sa mall, gusto ko sanang pumunta sa unit ni Jake kaso nasabi sa akin ni Vin na wala daw siya doon. Wala akong ideya kung nasaan ang future husband ko, gusto ko siyang makita. Miss ko na kasi siya. Dumiretso ako sa starbucks, nag-order ng frappe at umupo sa isa sa favorite seat ko, near the main entrance. Transparent ang glass nila dito kaya kitang kita mo ang mga tao na naglilibot sa loob ng mall, yung iba ay napapatingin sa gawi ko, I tried not to have eye contact with them, hindi ko naman kasi sila kilala para pansinin ko at lalo namang hindi ko sila close para ngitian ko.

“Hello Miss. Can I sit here?” napatingin ako sa lalaking nakangiti sa harapan ko. “Wala na kasing vacant table”

Napatingin ako sa kabuuan ng starbucks. I rolled my eyes, bulag ba siya o tanga lang? Walang vacant? What a lame excuse, gusto lang ata niyang maki sit-in sa table ko.

“Do I know you? Are we close? No, right? Then, Get lost!” I said, rolling my eyes.

“Im Mike. Your Chloe Hens, right? So now, Can I have a seat?”

I rolled my eyes again, saan ba niya nakuha ang kakapalan ng mukha niya? “San ka nag-aaral?” I said impatiently.

“Sa ibang University at hindi sa University mo, kaya unluckily hindi mo ko kayang ipasuspense o di kaya ipakick-out tulad ng ginagawa mo sa ibang lalaking lumalapit sayo” he grin.

Bat ang dami niyang alam? Stalker ba siya? Tss. Bastard.

“I'm supposed to meet someone here” I yelled at his face. “My boyfriend will be here!”

“I don't think you have one” he grin.

Damn. Ang sarap niyang isubsob sa semento! Anong akala niya sakin? Psh.

“Fine, what do you want?!”

“Your number and I want to be your boyfriend as well” ngiti niya.

“Dream on!” singhal ko.

Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking to! Hindi ko siya type! Si Kleo lang ang pweding maging boyfriend ko.

“Why? Wala namang problema dun, single ako, single ka din. Pweding pwedi maging tayo”

“Oh. Really? Sa pagkakaalam ko hindi na ako single” I fake a smile, hindi parin naman nagbabago ang expression ng mukha niya, he's still grinning.

Hindi na ako single. Boyfriend ko na si Kleo Sy, kaso hindi niya alam na girlfriend niya ako.

“Then, were is he? Nasaan na yung sinasabi mong boyfriend mo?” he take a glanced of his wristwatch. “Rude. Pinaghintay ka ng so called boyfriend mo ng halos isang oras? Tsk tsk” nakangiti siya ng nakakaloko. Fuck. Kunting-konti nalang talaga ipapasalvage ko na to.

Luminga-linga ako, napatingin ako sa lalaking pumasok sa main entrance ng Starbucks, napangiti ako ng malawak, umaayon talaga sa akin ang tadhana. Naglakad ako papunta sa kanya, ipinulupot ko ang mga kamay ko sa braso niya. Napatingin siya sa akin and he's glaring at me. “What the fuck, let me go” bulong niya.

“I love you too Kleo” I giggled. Hinila ko siya papunta dun sa table ko kanina, ngumiti ako ng mapang-asar dun sa lalaki kanina.

“He's my boyfriend, Kleo Austine Sy” hindi maipinta ang mukha niya, priceless. 

Nararamdaman kong pilit na tinatanggal ni Kleo ang pagkakahawak ko sa kanya, hinigpitan ko lalo ang paghawak sa braso niya at isinandal ko ang ulo ko sa chest niya.

Nakaramdam siguro ng hiya yung lalaki kanina kaya agad siyang naglakad palabas ng starbucks. Marahas namang tinanggal ni Kleo ang pagkakapit ko sa kanya.

“Ang kulit kasi ng lalaking yun” I pout.

“Tss”

Dumiretso siya sa counter, nakita ko kung paano ngumiti at kiligin yung babae dun sa counter. May oras pa talagang lumandi ang babaeng yan, seriously? Oras ng trabaho pero nilalandi niya ang Kleo ko. Ireport ko kaya yan sa manager niya?

Pumwesto si Kleo sa iba isang table, malayo sa table ko, kaya lumapit ako sa kanya at umupo sa tapat niya.

“I've been calling you several times pero hindi mo sinasagot” hindi siya umimik, nakatingin lang siya sa labas ng Starbucks. “Pupunta sana ako ng unit mo kaso ang sabi ni Vin wala ka daw, nandito ka lang pala” ngiti ko.

Kinuha niya ang earphones sa bulsa niya at isinaksak yun sa dalawang tenga niya, nakita ko kung paano niya itodo ang volume ng music niya. Minsan talaga ang bastos nitong si Kleo, para kasing ayaw niyang pakinggan yung boses ko.

Nakatitig lang ako sa mukha niya, hindi talaga akong nagsasawang titigan ang mukha niya. I can't help but to sigh, bakit kasi hindi niya ako magawang magustuhan? Maganda naman ako. Bagay na bagay nga kami e. Tss. Bulag talaga tong lalaking to.

Tumayo siya at naglakad palabas ng starbucks agad ko naman siyang sinundan. Sinabayan ko siya sa paglalakad, tumingin siya sa akin with his blank expression, ngumiti naman ako.

“Saan ka pupunta?” tanong ko. Pero parang hindi niya ako narinig, dire-diretso lang siya sa paglalakad.

“Saan ka pupunta?”

Napafacepalm ako nung makita ko ang earphones sa tenga niya, hinila ko yun kaya napatingin siya sa akin na masama ang tingin.

“Im going with you” I exclaimed. Hindi naman ako nakatanggap ng sagot mula sa kanya, kaya napangiti ulit ako. Pumayag siyang sumama ako sa kanya. Yehey! (≧∇≦)/

Dinadaldal ko siya habang naglalakad kami pero ni wala man lang siyang karea-reaksyon sa mga sinasabi ko. Napahinto siya sa paglalakad kaya napahinto din ako, tumingin ako sa tinitignan niya. Lumaki ang mga mata ko, bumalik ang tingin ko sa kanya, he looked at me yung tingin na ‘sasama ka pa?’ napailing nalang ako at ilang beses na napalunok.

Naglakad siya papunta dun pero napaatras ako. Gusto ko siyang makasama pero nakakainis, bakit sa lahat ng pwedi niyang puntahan bakit sa......

Haunted House pa?!

Under his Spell (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon