Chapter Four

112 17 5
                                    

#CHAPTERFOUR

In my eighteen years of existence, never pa akong nakapasok sa isang haunted house. Hindi nga ako nanunuod ng mga horror movies.

Bakit dito pa siya nagpunta? Sinadya niya ba to? Nakita ko siyang nakapila para bumili ng ticket. I let out a sigh at nagsimulang maglakad sa kinatatayuan ni Kleo. Gusto kong ipakita sa kanya na kaya kong labanan ang takot ko makasama ko lang siya, ganun ko siya kamahal. Corny.

“Why are you here?” tanong niya ng nakakunot ang noo. Ipinakita ko naman ang binili kong ticket sa ticket booth kanina. “Ano pa ba? Edi pupunta din ako dyan” turo ko sa Haunted house.

“Bahala ka” sagot niya at naglakad na papunta sa entrance ng haunted house. Nakailang buntong hininga ako bago ako pumasok sa loob, halos manginig ang tuhod ko sa takot nung nasa loob na ako. Pinipigilan kong wag mapasigaw, nasa unahan ko lang si Kleo kaya wala siyang ideya kung paano manlamig ang katawan ko. Ayokong tumabi sa kanya, ayokong ipakita na takot ako sa mga pekeng mga multo na to.

Napatakip ako sa bibig ko nung may lumabas na lalaking punong-puno ng dugo sa harapan ko. Halos hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko, pinipigilan kong wag umiyak. Mahina ako pagdating sa mga ganito, nakakainis.

Wala na si Kleo sa paningin ko, tinatagan ko naman ang loob ko para makabuo ng salita.

“Touch me and I'll kill you!” sigaw ko dun sa lalaking may dugo-dugo na humarang sa daan ko. Agad naman siyang tumalikod sa akin at bumalik na dun sa kinatatayuan niya kanina. Nakahinga ako ng maluwag, tumakbo ako para maabutan siya, nakita ko naman siya agad. Nakapamulsa lang siya habang naglalakad, ni hindi ko man lang siya nakitang nagulat para bang naglalakad lang siya sa isang normal na lugar kahit na nagsisilapitan ang mga nakakatakot na babae sa kanya.

Hahakbang na sana ako nung biglang may humawak sa paa ko, isang malamig na kamay ang humawak sa binti ko. Hindi ko nakayang itago ang takot ko at bigla nalang akong napasigaw.

“Aaaahhhhh!! Ahhhhh.. Ayoko na dito! Kleeeeooo! Get me out of here!!! Ayoko na dito! Huhu”

Nanginginig ang mga tuhod ko kaya napaupo nalang ako sa sulok, naramdaman kong basa na rin ang mga pisngi ko. Pathetic! Bakit ba ako umiiyak?

“Tss. such a stubborn. bakit pa kasi sumunod ka pa? Takot ka naman pala. Psycho”

Narinig ko ang malamig na boses niya kaya iniangat ko ang ulo ko, may pumatak nanamang luha sa pisngi ko, agad ko namang pinunasan yun.

“I just want to be with you, Kleo” I said, sobbing.

“Pathetic” he said.

Kasalanan ko bang takot ako sa mga horrible creatures? Sa mga nakakatakot na multo?

“Stand up. Malapit na tayo sa exit” sabi niya at tumalikod na sa akin. Tumayo ako at pumunta sa right side niya, nakahawak lang ako sa laylayan ng long sleeve niya habang nakayuko.

“Para kang bata. Nasa labas na tayo. Tss, bitaw”

Iniangat ko ang ulo ko at nasa exit na nga kami.

“Alam mo namang sasama ako sayo kahit saan kapa magpunta”

Iniwas niya ang tingin niya sa akin.

“Not all the time pwedi kang sumama sa akin, sjejfhdhfb nhvnnlg” bulong niya. Hindi ko narinig yung mga huling sinabi niya ang narinig ko lang na sinabi niya ay yung ‘not all the time pwedi kang sumama sa akin’ kaya medyo naguluhan ako, sinadya niya talagang hinaan yun para di ko marinig. 

“Are you going home?” tanong ko sa kanya, nung nagsimula na siyang maglakad ulit.

He just nodded.

Pumunta na siya ng parking lot, nakasunod naman ako sa kanya naisipan ko na ding umuwi nalang. Masaya ako kasi nakita ko na siya, tadhana na mismo ang gumawa ng paraan para magkita kami. Sana gumawa rin ng paraan ang tadhana para mahalin niya din ako, kagaya ng pagmamahal ko sa kanya. Mahirap kasi kapag ikaw lang ang nagmamahal, yung bang one sided love lang. Such a pain.

Pinanuod kong makaalis ang kotse niya bago ako pumasok sa kotse ko. I felt my phone vibrating, kinuha ko ito sa pouch ko at nakita ko na si dad ang tumatawag.

“Why?”

“Where are you Chloe? Come to my office, or else-”

Pinutol ko na ang sasabihin niya. Tatakutin niya nanaman ako, yun bang hindi ako makakatanggap ng pera niya at hindi ako pweding lumabas ng bahay.

“Im coming” sagot ko nalang at pinatay na ang phone ko. Mabilis kong pinaandar ang kotse ko papunta sa mansion.

-

Umagang-umaga pero nandito na ako sa business meeting na pinapaasikaso ni dad sa akin, mas mabuti daw yung may alam ako sa mga ganitong bagay habang maaga palang para daw someday hindi bumagsak ang inalagaan niyang company kapag ako na ang nag-manage. Like, what the fuck lang diba? Third year college pa lang ako pero ito na ang pinapagawa niya sa akin, kumuha ako ng Business Ad and it's not really my choice, its his. Kung papipiliin ako mas gusto kong maging flight attendant, model, designer or what so ever. Ang ganda ko, ayokong tumanda ako ng nasa office lang. Urg. No way! Pero ano pa nga bang magagawa ko? Wala. Ako nalang ang nag-iisang Hens, ako nalang ang natitirang tagapagmana ng Hens Company.

“Ms.Hens, are you still listening? You're spacing out again” sabi sa akin ng isa sa mga board member ng company ni dad.

“Im sorry, please proceed”

Halos sumakit na ang ulo ko sa gitna ng meeting, how much more kapag ako na ang magiging CEO ng company na to? Isang malaking torture yun para sa akin, hindi ako katulad ni Dean at ni Kleo na sanay na sa mga business meeting katulad nito, tinraining na sila since nung first year college palang kami.

“Pakibigay nalang to kay Dad, sabihin mo kailangan ang pirma niya” sabi ko dun sa secretary ni Dad.

Kinuha ko ang bag ko at nagmadaling pumuntang parking lot.

Under his Spell (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon