Chapter Twelve

132 18 5
                                    

#CHAPTERTWELVE

Ilang beses na akong humingi ng sorry kay Kleo dahil sa inasta ko dun sa impaktang Sophie na yun sa loob ng music room. Pero, wala. Binabalewala niya lang ang beauty ko.

“Nadala lang naman ako ng emosyon ko! Kung makayapos kasi ang babaeng yun akala mo pag-aari ka niya” pagmamaktol kong sabi habang nakasimangot.

“Kung makareact ka naman kasi akala mo girlfriend ka ni Kleo”

Narinig ko ang bulong ni Vin. Kahit kelan talaga napaka-pakialamero niya, inabot ko ang nakita kong drum stick sa ibabaw ng couch at ibinato yun sa kanya.

“Ouch naman!” reaksyon niya.

“Manahimik ka kung ayaw mong masaktan!”

Nagtago nalang siya sa likod ni Neil na kasalukuyang tumatawa.

Pinulot ko yung stick na ibinato ko kay Vin kanina.

“Wohhh.. Woohhh! Oh, baka ibato mo nanaman sa akin yan Chloe! Maawa ka naman sa matchong katawan ko”

“Tss. Masyado kang exaggerated”

Pumunta ako sa mini stage at umupo sa tapat ng drum set. Drummer si Dean kaya minsan kapag may free time, tinuturuan niya ako.

Inumpisahan ko ng paluin yung drum, nakikisabay na ako sa indak ng pagdadrum ko. Medyo pang-rock type yung napili ko, hindi ko inaakalang matututo ako ng mabilisan minsan lang talaga kasi akong turuan ni Dean. Piano lang ang alam kong patugtugin, hindi ako katulad ni Cielo na halos alam ang lahat ng instruments kaya siguro sila nagkasundo ni Kleo. Biglang naging smooth yung pagdru-drum ko, nalulungkot talaga ako kapag naaalala ko siya, para na ring nawala ang kalahating pagkatao ko simula nung mamatay siya. Isinusumpa ko talaga ang pagdadrive dati, pero unti-unti din akong nakapag-adjust. Kung ikukulong ko ang sarili ko sa past baka walang mangyayari sa akin sa present.

“Wohhhhhh! Ang galing mo Chloe!” sabi ni Neil na pumalakpak habang ang mukha niya'y amaze na amaze.

“Congrats Chloe! Pwedi mo ng palitan si Dean bilang drummer ng black four. Hahaha” halakhak ni Vin.

“Sira” said Dean at pabiro niyang hinampas si Vin sa balikat. “By the way Chloe, you did great. Ang bilis mong matuto”

“Magaling kasi yung nagturo sa akin” pambobola ko sa kanya. Tumingin ako kay Kleo na tahimik na nakaupo sa couch, tumabi ako sa kanya.

“What can you say?”

“More practice. Mas magaling parin si Dean ng ilang milyong beses”

Psh. Never niya talaga akong sinabihan ng good side. If I know naamaze din siya sa akin, pakipot effect pa siya.

Kinuha niya ang bag niya at kinuha ang isang folder pati na rin ang isang eye glasses. Nawindang naman ako sa kagwapuhan niya nung sinuot niya ang eye glasses na yun.

“Ang gwapo mo!”

“Tss”

Nakangiti akong nakatitig sa kanya, mukha namang siyang distract na distract sa pagbabasa dahil sa kakatitig ko.

“Ano yan?” umusog ako at tinignan kung ano yung binabasa niya.

“Note niya yan para sa semi-finals” sagot ni Neil. Namilog naman ang mata ko.

“Really?! Midterm pa lang ngayon ah! Hindi pa nga tapos ang exam e! Ano yan advanced reading?”

“Alam mo namang advanced kaming mag-exam kesa sa mga normal na studyante” sagot uli niya.

Under his Spell (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon