Si Kleo ang kinakausap ko pero siya ang sumasagot. Iba talaga -,-

Madalas kasi silang hindi maka-attend ng klase kaya lagi silang may special projects at advanced din silang mag-exam.

“Hoy Neil! May naghahanap sayo!” sigaw ni Vin habang nakasilip sa pintuan sa labas ng music room.

“Sino nanaman ba?”

“Isa sa mga chix mo gago!”

“Ganun ba?” tumingin siya kay Kleo. “Bro? Paki-tawag nalang ako kapag magpra-practice na tayo! Ii-score muna ako” sabi niya sabay takbo papunta sa labas ng music room.

Kahit kelan talaga napaka playboy ni Neil, kelan kaya magseseryoso ang isang yan?

Bumukas nanaman ang pinto, ang akala ko si Neil ang pumasok pero hindi, isang impokritang malanding babae ang iniluwa ng pinto.

“Ano nanamang ginagawa dito ng babaeng yan? Psh” napaikot ang mga mata ko nung lumapit siya kay Kleo.

“Ah. Excuse me? Pwedi bang dun ka muna sa tabi ni Dean?” ngiti niya sa akin. Tatanggi na sana ako nung napansin kong nakatingin sa akin si Kleo. Aish! Pasalamat talaga siya at nandito si Kleo, mabigat man sa loob ko ay umaalis ako sa tabi niya at lumipat sa kinauupuan ni Dean.

“Sino ba ang babaeng linta na yan?” bulong ko kay Dean.

He just shrugged.

Tiim bagang akong nakatingin sa babaeng nasa harapan ko na kasalukuyang nilalandi ang future husband ko, ni hindi na makapag-concentrate si Kleo sa pagbabasa niya. Ang sarap ingungud sa banyo ang pagmumukha ng babaeng to! Arg! Nanggigigil ako. Puta!

“Hello Dean! How are you?” nakangiting bati niya kay Dean.

“Im fine,”

Oh. Akala ko ba hindi niya kilala ang babaeng yan?

Napatingin siya ulit sa akin. “Girlfriend mo?” tanong ulit niya kay Dean.

Sinungaling ang bwisit na babaeng to! Akala ko ba, kilala niya ako? Naglolokohan lang ata kami dito e. Ang galing niyang umarte. Best actress! Grabi.

“No. She's my cousin”

“Ahh. I see” humarap siya kay Kleo at ibinalik niya sa akin ang tingin niya. “Is she your girlfriend Austine? I thought you're still single. How come? Last time kasi na bumisita ako dito daig niya pa ang asawa. Tell me baby, Is she your girlfriend?”

Bitch! Asawa niya talaga ako! Future girlfriend and soon to be wife! Tinawag niya nanamang baby ang hubby ko! Pigilan niyo ko at kakalbuhin ko ang lintang yan.

“No. She's not my girlfriend” malamig na sagot niya. Nakita ko kung paano ngumisi ang linta sa harap ko.

Tumayo ako at huminga ng malalim, hindi ko na kasi kayang makisama sa Sophie na yan.

“Fuck. May linta atang nakapasok dito, nangati kasi ako bigla. Wait lang magshoshower lang ako” bago ako tuluyang tumalikod humarap muna ako kay Kleo. “Hubby? Wag kang masyadong dumikit kung saan saan huh? Baka kasi mangati ka, alam mo namang maraming linta ang nagkalat ngayon. Bye! See you later hubby ko! Saranghae Nampyeon!”

Ngumiti ako ng mapang-asar sa kanya, napaikot siya ng mata. Ano ka ngayon? Akala mo ikaw lang ang may karapatang mangbwisit huh. Rinig ko ang malakas na pagtawa ni Vin sa loob, napailing nalang ako at dumiretso na building ko.

I straighted at the washroom, hindi pa ako nakakapasok sa loob may naririnig na akong ilang mga sigawan.

“Diba sinabi ko sayong gawin mo ang proposal namin?! Ano wala pa ba?! Ilang araw na yun ah!”

Pumasok ako sa loob. May mga babaeng nakatalikod sa akin, tumingin ako sa pinagkukumpulan nila hindi ko masyadong nakita since natatakpan nila ito.

“Jeanie? Wala ata siyang balak gawin yun e” sabi ng isa sa mga babaeng nakapalibot  dun sa babae sa sulok.

Hinila niya ang ilan sa mga strands ng buhok nung babae dahilan para mapahiyaw ito.

“Gagawin mo o gusto mong ingudngud kita sa isa sa mga cubicle dito?!” galit na sabi nung babaeng maikli ang palda, kunting kunti nalang talaga at kita na ang panty niya.

“Ga-ga-win ko- *aray!*”

Isa. Dalawa. Tatlo. Apat. Lima. Fuck! Lima sila tapos pinagtutulungan nila ang isa? Ang dududuwag naman pala ng mga babaeng to e.

Itinaas nung isang babaeng maikli ang palda ang kanang kamay niya akmang sasampalin sana niya yung babaeng nasa sulok.

“Sige. Ituloy mo kung gusto mong ilublub ko yang pesteng pagmumukha mo sa lahat ng cubicle dito”

Dahan-dahan silang napatingin sa gawi ko. Kanina halos abot na ng noo ang mga kilay nila pero nawala naman agad yun nung makita nila ako.

“Ms. Chloe?” gulat na sabi nung may maikling palda.

“What's the meaning of this?”

Walang kumibo sa kanila kaya lumapit ako. Tinignan ko yung babaeng nasa sulok na ngayon ay nakayuko na. Gulong-gulo ang kanyang buhok, punit ang damit niya at basag ang eye glasses niya.

“Hindi niyo ba ako narinig?!” napalakas ang pagsigaw ko kaya aligagang-aligaga silang lima, muntik na ding mapatalon sa gulat ang nerd na to.

“Its-it's  no-thing. Inaayu-san la-ng na-min siya right girls?” pautal na sagot nung babaeng lantad na ang kaluluwa dahil sa suot niya.

Bago pa man sumagot ang kasama niya, sinampal ko na siya.

Ayaw na ayaw ko sa lahat yung mga taong sinungaling. Well, nagsisinungaling naman ako pero ayaw na ayaw ko yung ginagawa akong tanga. Ayos na si Kleo lang. Ibang usapan yun.

Nakahawak siya sa pisngi niya na gulat na gulat parin. Napaatras yung apat nung tumingin ako sa kanila.

“Go to faculties office now!”

Napansin kong hindi parin sila gumagalaw.

“Ano pang hinihintay niyo?! Gusto niyong kaladkarin ko kayo papunta dun?!”

Inakay nila yung babaeng sinampal ko palabas ng washroom. Napalunok yung nerd nung magtama ang mga tingin namin.

“Ikaw!” I pointed her.

“So-rry po Ms. Ch-loe”

Aish. Bakit ba siya nagso-sorry? Ang weirdo niya ah!

“Para kang ginahasa ng sampung halimaw. Proceed to dean's secretary, bumili ka ng bagong uniform”

Kunting-konti na din kasi at makikita na ang bra niya. Napayuko naman siya at umiling iling lang.

“Oh. Ano pang hinihintay mo? Lakad!”

“Pe-ro ka-si. Wala akong pambayad”

Huh? What did she say? Mabilis ang pagkakasabi niya nung mga huling salita kaya hindi ko masyadong narinig.

Nakakunot noo akong tumingin sa kanya. “What?”

“Wala akong perang pambayad” she answered.

Wala siyamg pera? How come na nakapasok siya dito?

“Are you a scholar?” she just nodded as an answer. Napairap ako. Wala pala siyang perang pambili ng uniform tapos pumayag siyang punit-punitin ng mga hampaslupang yun ang uniform niya. Tss.

WEAK NERD.

“Sabihin mo nalang na ako ang nagpapakuha. Now, Move!”

Nakanganga siyang nakatingin sa akin kung hindi ko pa siya sinamaan ng tingin hindi pa siya gagalaw sa kinatatayuan niya. Yumuko ulit siya muttering, ‘thank you’

Hays. Bigla kong naalala ang proposal ko, nakalimutan ko palang ipass yun kay Sir ngayon. Aish. Kainis!

Under his Spell (On Hold)Where stories live. Discover now