"Stop it!" someone held my hand. I lifted up my head, then I saw Dean na hawak hawak ang braso ko. Hinila niya ako paalis dun sa mga babaeng nagkakagulo, sumulyap pa akong muli sa social hall  bago pumuntang back stage. Hindi ko alam na ganun na pala ang nangyayari, halos lahat nagkakagulo.

“What is it by this time, Chloe?”

Ako nanaman ang nakita ni Dean! Bakit kaya hindi niya tanungin ang mukhang paang babaeng yun!

"What? I didn't do anything wrong" I protest, kung makatingin kasi sila sa akin parang ang laki ng kasalanan ko. Nakakainis kasi yung babaeng yun! Sabunutan ba naman ako, sino ba namang tanga ang hindi gaganti dun diba? Kainis! Kailangan ko pa tuloy ipayos tong buhok ko sa hairstylist ko.

Nasa backstage ako ngayon kasama ang Blackfour, sumulyap ako kay Kleo na kasalukuyang nakaupo sa sulok ng kwarto. Lalapitan ko na sana siya ng hinarangan ako ni Vincent at ni Neil.

“Ano bang problema niyong dalawa huh?! Move! I want to talk to him”

“Not now Chloe, he's not in the mood. Wag mo ng sabayan ang init ng ulo niya”

Sumibangot ako sa sinabi ni Neil. Tinignan ko ulit si Kleo, mukha nga siyang galit magkasalubong nanaman kasi ang mga kilay niya.

"Its better kung umuwi ka nalang Chloe" naniningkit na sabi ni Vincent. Ang liit liit talaga ng mata niya. May nakikita pa ba siya sa lagay na yan? Parang wala na ata.

"No! Hindi pa tapos ang performance niyo, manunuod pa ako"

"You think makakapagperform pa kami? For pete's sake you just ruined our performance! Baka madis-qualify kami ng dahil dyan sa katangahan mo!" his voice filled the room, nag-echo ang boses niya sa loob ng dressing room.

Nakatingin lang ako sa kanya, ang sama na ng tingin niya sa akin. What did I do? Nothing! Dapat pa nga siyang magpasalamat kasi pinagsisigawan ko ang pangalan niya. Im just proud to be his girlfriend kaya ko ginawa yun.

"Why can't you stop blaming me?! It's not my fault, kasalanan to nung babaeng yun! Siya ang unang nanabunot sa akin! Im just defensing myself!"

Totoo naman kasi e. Kung hindi ko pinrotektahan ang sarili ko baka ako ang makalbo at hindi ang babaeng hampaslupang yun.

Silence was all over the room, walang nagsasalita mariin lang kaming nagtititigan. Tumayo si Kleo at lumabas ng kwarto. Saan naman siya pupunta? Mag-wawalk out nanaman ba? Aish. As always.

"Wait for me Kleo! Sasama ako!" hindi niya ako pinakinggan at dire-diretso lang siya na para bang walang narinig.

"Ihahatid na kita sa inyo"

"No dean! I have my own car, kaya ko na ang sarili ko"

Nakita ko ang pag-aalala sa mga mata niya. “Kaya mo na ba? Kaya mo ng magdrive?” alanganin niyang tanong sa akin.

It's been a long years simula nung insidenteng yun. Namiss ko na din ang pagdadrive.

“Yeah. Kaya ko na” I assured him.

Si Dean Loui ang drummer sa kanila samantalang si Vincent Villanueva at Neil Tolentino naman ay nasa guitar. Ofcourse si Kleo Austine Sy ang vocalist at siya ang leader. “BLACKFOUR” Yan ang code name ng banda nila, sila ang pinaka sikat na boy group sa University kaya wag na kayong magtaka kung nangyari yung kanina (the war thing).

"Okay" matipid na sagot niya, humiga siya dun sa sofa. For sure na matutulog nanaman ang lalaking yan, ewan ko ba kung bakit nagkaroon pa ko ng pinsan na tulad niya. Halatang halata naman na magkaiba kami ng ugali at interes sa buhay, ang boaring niya at wala pa siyang kwentang kausap. Hindi ko nga alam kung bakit pinagtyatyagaan ng mga babae yan e. Siguro kapag hindi yan gwapo walang magkakainteres na lumapit sa kanya.

Under his Spell (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon