Slay the Nerubians Dungeon Part 2

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ayos ka lang?" Rolly

"Sa tingin mo?!"

"Tsk. Whatever." Sabi niya sabay walkout. Ay? Walkout boy ang g*go.

Nagulat nalang kami ng biglang sumigaw si Franchelle kaya napatingin kami sa kanya. Nakanganga siya tapos nanlalaki ang mga mata.

"Anyare sayo kambal?" Tanong ni Zed. May itinuro naman si Franchelle kaya napatingin din kami.

O_O

Holy sh*t!! Bakit ang daming Raph? I mean, masaya ako na buhay siya pero bakit ang dami naman ata niya? Isa, dalawa, tatlo teka mali hmm sampu? Oo sampu sila. Hindi ko kasi masyadong makita dahil sa sobrang bilis niyang gumalaw. At ang nakapagtataka, kapag tinatamaan siya ng boss wala siyang nakukuhang damage. Pero nababawasan ng isang clone.

"Backup please!! Hindi ko na kayang pigilan to!"

"Geh bro wait lang. Shield Dash!!"
Agad naman nakalapit si Zed dahil sa kanyang skill.

"Hoy! P*ta ka, diko alam kung saan galing hayop ka!! Pero eto tandaan mo! Mas malakas ako kesa sayo!! YOLO!!!" sigaw ni Chanu at tumakbo sa boss. Pero papalapit palang si Chanu ay pinitik siya ng boss na parang kulangot at lumilipad. Abnoy. Kala mo malakas hahaha.

"Para kay Chanu!! Ahhhhh!" Sumugod din sina Ando at Rolly. Tumalon ang boss at gumapang sa itaas. Medyo nakapagtataka dahil hindi siya umaatake. Pero ang bilis niyang gumalaw. Umiikot ikot lang sa kweba. Nagulat nalang ako ng mapansin kong.. halla dapat kong sabihin.

"Guys isa itong skill ng boss. Yung Web!" Rolly

Ay. Ganun? Naunahan na naman ako? Tsk. Kabanas ka nang pulang ulo.

"Epal"

"Panget."

Hindi ko nalang siya pinansin. Kabanas din yan eh. Ewan ko ba kung bakit naaasar ako sa kanya. Mukha kasi siyang ewan eh. Naramdaman ko nalang na may papalapit sa akin kaya agad akong nagcast ng fireball. Pinatamaan ko sa likuran ko pero wala akong nakitang kalaban. Pero sure akong meron eh.

"Ahhh!!! T*ng ina mong gagamba ka!! Bakit mo ako fininger!! Pakyuu ka!!" Sigaw ni Chanu. May tumusok sa kanyang pwet. As in sa pwet talaga tapos nakabaon ang isang kamay ng boss pero ang kaibahan kamay lang ang nakalabas. Bumagsak sa 23% yung buhay kaya hineal ko ito at bumalik ulit sa 100%.

"Arrrg! Ayoko na! Sawa na ako kakahabol sayong gagamba ka! Guys please layo muna kayo." Utos ni Zed. Lumayo naman kami agad. Nagsama-sama kami sa isang sulok. Itinapon ni Zed ang shield niya. Tanging sword nalang ang hawak niya. Ibinato niya ito paitaas at tumalon din siya. Kinuha niya ang espada at sabay silang bumulusok pababa.

"Epicenter!!"

Epicenter- throws the sword in the air and jump then drive to the ground to create an Earthquake. Pulses 7 times allowing to damage all nearby allied or enemy.

Nagkaroon ng shockwave ang lupa. 7 beses yun. Nagkaroon ng malawak na butas ang pinaglandingan niya. Tapos ang lupa parang itinulak ng gravity. Parang nagkaroon ng instant crater. Ang lakas naman! Buti nalang nakaalis na kami. Pero, bakit ganyan na siya kalakas? Hindi naman sa naiinggit but, come to think of it, pare-parehas lang kami ng lvl pero kung makilaban sila at gumamit ng skill aakalain mong lvl 100 na sila. Oo pati si Raph. Nakapagtataka naman.

Nawala na ang Web na ginawa ng boss kaya kitang-kita namin siya. Isa't kalahating lifebar nalang ang natitira. See what I mean? May something sa kanilang dalawa. Pero hindi ko alam kung anong mali. Ugh.. whatever.

Tumakbo naman si Raph papunta sa boss. May nagsilabasan na naman na kagaya niya. Kung kanina taga tanggap lang sila ng damage, ngayon naman aatake naman sila.

"Dance of Clones!" Sigaw ni Raph at bumilis silang 7. May sumaksak sa katawan ng boss, tapos sa may ulo, sa mga paa niya. Ang bilis nila. Tapos biglang nawala ang mga clones niya pero biglang umilaw ang daggers ni Raph. Lumapit siya sa boss. Sobrang bilis niya! At inhit niya ito sa ulo at napanganga nalang kami.

Ang lakas ng atake niyang iyon. Bumaon sa lupa ang boss. Tapos nagkagutay-gutay ang katawan niya. Napaka brutal ang pagpatay sa kanya.

GAME ANNOUNCING: BLACK ARACHNIA QUEEN HAS BEEN SLAIN BY PARTY.

NEW: SLAY THE NERUBIANS DUNGEON QUEST IS NOW AVAILABLE

NEW: PATH TO THE 2ND TOWN HAS BEEN UNLOCK.

NEW: LEVEL CAP HAS BEEN UPDATED. 50-100

Wow! Wow lang! Grabe. Kami pala ang nakauna dito?

"Nice naman! Oy Zed! At Raph! Bakit ang lalakas niyo? Mga madaya!" Reklamo ni Chanu kaya nabaling ang tingin nila kay Zed at Raph.

"Wala ka na dun! Hahahaha!" Zed

"Oy share naman! Bakit ang lakas niyo?!" Ando

"Oo nga! Mga madaya!! Booo!!" Nard

"Oy tigil na. Bukas na natin paghatian ang loots." Zed.

Biglang may lumabas sa vs ko kung gusto ko na daw lumabas. Nag yes ako at ganun din sila. Lumabas kami sa may Quest Giver. Si Zed nalang daw ang magrereport kaya pumayag na kami. Alas dos na ng umaga kaya yung iba naglog-out na dahil siguro sa antok. Medyo inaantok narin ako kaya naglog-out nadin ako. Bago ako mawala sa game nakita ko si Zed na kausap ang Npc. Pero may kakaiba sa kanya. Nagkaroon ng maraming numbers sa harap niya. Tapos mga codes. Hindi ko na nakita ang iba dahil nakalabas na ako ng game.

Weird.

New Life Online: Battle Against The Darkness- Book I [Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon