Iika-ika akong lumabas ng clinic. Nakadaan ako sa hallway at kung minamalas ka nga naman nakita ko pa talaga sila Marge. Oh please, wag muna ngayon. Nakatingin lang sila saakin ng masama.

"Not now please."

"Oo dahil sinabihan niya kaming wag kang gantihan. Pero sa oras na okay ka na... Magtutuos tayong muli." Sabi ni Marge.

"Sinong niya?"

"Hindi mo dapat malaman. Slowpoke." Tapos naglakad na sila palayo saakin.

Tss. I can't wait na maghilom lahat ng sugat at pasa ko sa katawan. Once na maging okay ako sisiguraduhin ko ng aayon lahat ng plano ko saakin. Gaganti ako sa tatlong b*tchy Marias na yun.

Bumalik na ako sa dorm at nakita sila Ella at Ponggay na halatang kagigising pa lang. Nakita nila ako at napabalikwas sa kama nila.

"Ano nanamang nangyari sayo besh?!"

"Trouble ulit ate?!"

Umirap ako. "Wag kayong OA."

"Yung maganda mong mukha at balat puro pasa at sugat na. Tapos sasabihan mo kaming wag OA? Wala ka bang pake sa sarili mo?"

"I care about myself. Pero sa inyo wala akong pake, wala akong pake sa opinyon niyo." Seryosong sabi ko at naupo sa kama ko.

Nakita ko silang napatahimik. Malungkot akong tinignan ni Ponggay. Si Ella naman hindi makapaniwala.

"Akala namin kahit paano okay ka na saamin. Pasensya kung OA kami ha? Nag-aalala lang kami sayo Den. Pasensya na rin kung kaibigan ang turing namin sayo. Pasensya kung pinipilit ka namin sa mga bagay na ayaw mo. Pero sana naman matuto kang i-appreciate lahat ng ginagawa namin sayo. Gusto ka lang naman namin maging kaibigan eh. Yun lang, Den."

Nakita ko si Ponggay na nakayuko habang hawak si Ella. Tss. I am not a fan of dramas.

"Pwes ako ayoko. Ayoko kayong maging kaibigan. Ang weird niyo at ang weak niyo. Ano gusto niyong i-appreciate ko? Yung pagbibigay niyo sakin ng gamot at band-aids sa tuwing napapa-trouble ako? Pagsama saakin sa cafeteria? No way. Ang babaw niyo."

Nagulat ako dahil sa sampal na binigay ni Ella saakin. Hindi ako nagalit o nainis sa sampal na yun. Ewan ko.

"Sinampal kita hindi dahil sa galit ako sayo. Sinampal kita para magising naman yung natutulog mong isip. Siguro bukas ka na lang namin ulit sasamahan na kumain sa cafeteria. Masyado kasing masakit yung mga sinabi mo eh." Sabi ni Ella tapos ay hinila palabas ng kwarto si Ponggay.

Napatingin na lang ako sa pinto na nilabasan nila. Hindi ko alam kung bakit iba yung nararamdaman ko ngayon. Ang bigat sa pakiramdam. Ang hirap huminga. Ewan.

Napatingin ako sa orasan at lunch time na pala. Makulimlim ang paligid kaya naman sobrang dilim. Ngayon pa talaga uulan? Hays ang hassle.

Imbis na lumabas ng dorm para kumain pinlano ko na lang na matulog muna. Pagod na pagod ang pakiramdam ko dahil sa nangyari kanina. Isa pa grabe ang kirot ng iba kong sugat. Geez.

Ella.

Grabe talaga yung Dennise na yon. Ang sakit magsalita. Umasa pa naman kami ni Ponggay na kahit papano eh napapaamo na namin siya. Hindi ako galit kay Den pero ang sakit lang talaga nung sinabi niya. Yung feeling na ang sakit na nga ng ulo namin ni Ponggay dahil sa hangover tapos dumagdag pa yung emotional pain. Double kill!

"Uy Ponggay kumain ka na..." Sabi ko dahil kanina pa siya tahimik. Kawawa ang batang to. Sobrang naapektuhan sa sinabi ni Den.

"Kanina gutom ako ate Ella pero ewan ko biglang nawala ngayon."

Trapped (Completed)Where stories live. Discover now