Chapter XI (Emoji)

268 95 177
                                    

"Bitawan mo nga 'ko!" Ungot ko agad pagkapasok namin ng kotse.

Wala ng camera ngayon. Buti tinted ang salamin ng kotse.

"What's wrong with you?" ngisi niya.

At talagang nagawa niya pang ngumisi ngayon ah? Sinamaan ko siya ng tingin.

"Kadiri ka. Alam mo 'yon?"

"Why? May nagawa na naman ba ako? Ang akala ko ba friends na tayo?"

"Friends? Ha! Never! Baka hawaan mo pa 'ko."

Sandali siyang napaisip at napapitik pa ng daliri nang parang naalalang kung ano.

"Dahil ba sa nakita mo kanina?" taas kilay pa niyang tanong.

Natigilan ako pero hindi ko pinahalata. How did he know?!

"Oh missy. Kabisadong-kabisado na kita. 'wag ka ng mag-selos pwede? Wala namang nangyari. I just entertained them and they're not special unlike you."

Napairap ako. Liar. Wala daw nangyari. Siya pa. "Special my arse."

If I know lahat ng babae special sa kanya. Tsk.

"It's normal. And oh? What's with your arse? Can I see?" nabatukan ko pa siya na ikinatawa niya lang.

"Normal that you fucked two girls?"

Napahagalpak na naman siya ng tawa dahil sa sinabi ko. Nakasimangot lang ako habang tumatawa siya ng parang wala ng katapusan.

Mga ilang minutes din yata 'yon bago siya tumigil. Ang OA niya pala tumawa.

"Wala naman talagang nangyari eh. Loyal kaya ako, sa'yo ko lang gagawin ang bagay na 'yun. Gusto mo ngayon na?"

Medyo na-slow pa 'ko nang sabihin niya 'yon. Anong gawin?

"What the hell?! Pwede bang tumahimik ka na lang?!" sigaw ko ng ma-realize ko kung anong tinutukoy niya.

My God! His mouth! Walang control! Pa'no ba kasi nasabi ng mga taong perfect kami sa isa't-isa?! Kainis!

"So, oo ang ibig sabihin?" hindi matanggal-tanggal ang ngisi niya. Ugh.

"No! Kadiri ka!"

Napakagat siya sa lower lip niya kaya napa-iwas ako ng tingin. Naalala ko kasi 'yong panaginip ko. Shit. Pero hindi ko rin maiwasang mapatingin ulit sa kanya. Masyado siyang maganda sa paningin para balewalain.

Ano ba 'tong mga naiisip ko?!

Napabalik lang ako sa sarili ko nang bigla siyang lumabas ng sasakyan. Akmang lalabas na din ako nang mapansin kong umikot pa pala siya para pag-buksan ako.

Naglahad pa siya ng kamay na walang pag-aalinlangan ko namang tinanggap. May mga camera na naman kasi sa paligid.
Hawak kamay kaming nag-lakad papasok sa restaurant na napili niya. My God. This is awkward. Me holding his hand. Jeez. Pinilit kong hindi ipahalata na sobrang ilang na 'ko. Not minding how his hand perfectly fitted mine.

"Talagang sineryoso mo 'tong dinner na 'to ah?" bulong ko sa kanya.

Ngumiti siya sa akin "Of course, pambawi ko na rin sa nagawa ko—sa nakita mo pala." sabay kindat pa.

Pasikat talaga 'to.

Nakahinga lang ako ng maluwag ng tuluyan na kaming makapasok ng restaurant. 'di na kasi pinayagang makapasok ang mga camera.

Maayos naman kaming nakapag-dinner. Siya na daldal ng daldal at ako naman na tahimik lang na nakikinig habang kumakain. Ang daldal pala talaga ng kumag na 'to. Hindi nauubusan ng kwento.

Almost PerfectWhere stories live. Discover now