Chapter 6

13 2 0
                                    

Wade's POV

Pagabi na at hindi parin siya bumabalik.

"Wade!" Sigaw ng familiar na boses.

"Po?" Sabi ko.

Si Mama lang pala.

"Nasaan si Ashley?" Tanong niya. Halatang galit siya.

"Lumayas siya." Matipid kong sagot.

"Bakit mo hinayaang lumayas!?" Sigaw niya.

"Babalik yun. Wala siyang mapupuntahan." Sabi ko at pumunta sa kwarto.

Nilock ko ang pinto.

Naririnig ko ang boses ni Mama na sumisigaw.

Shit.

Ang dami niya ng binigay na problema sa pamilya ko at sa akin.

Ashley's POV

Hindi ko alam kung saan na ako pupunta.

Hindi ako pwedeng pumunta kina Mika dahil baka magsumbong.

Ano ng gagawin ko?

Biglang may bumusina na kotse.

Nakakasilaw yung ilaw.

May lalaking bumaba sa kotse.

"Ashley!" Sigaw nito.

"Sino ka?" Tanong ko at lumayo ng kaunti.

Baka kasi rapist or holdaper.

"Bakit ka lumalayo?" Tanong niya.

Hindi ko parin makita ng maayos yung mukha niya.

Hinigit niya ang braso ko at nilapit sa akin.

Ngayon, kitang-kita ko na ng malinaw ang mukha niya.

"Ford!" Sigaw ko at niyakap siya.

Natatakot na kasi ako.

Halos gabi na rin at matagal rin akong naglakad.

"Bakit mag-isa ka? Gabi na. Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya.

"Kasi-- Nevermind." Sabi ko.

"Sumama ka na sa akin. Baka kung anong mangyari sayo." Sabi niya.

Tumango naman ako.

Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse.

Ang gentleman naman niya. Hindi katulad ni ano. Kilala niyo na yun.

"Bakit mag-isa ka lang?" Tanong niya.

"Wala lang." Sagot ko.

"Buti na lang nakita kita. Kung hindi baka kung ano na ang nangyari sayo." Sabi niya.

Ang bait niya talaga. Mabait, gentleman at gwapo pa! San kapa!

"Salamat ha." Sabi ko.

"Basta ikaw." Sabi niya at ngumiti.

"Sus." Sabi ko sabay ngiti.

Ford's POV

"Sana tayo na lang." Bulong ko.

"Ha?" Sabi niya.

"Wala..." Sabi ko.

"Saan tayo pupunta?" Tanong niya.

"Dadalhin kita sa inyo." Sagot ko.

"Ha?!" Nagulat ako sa sigaw niya kaya bigla akong napapreno.

"Bakit?" Tanong ko. "Ginulat mo naman ako." Dagdag ko.

"Kay Mika mo na lang ako dalhin." Sabi niya.

Fate Played WellWhere stories live. Discover now