Chapter 2

8 3 0
                                    

Wade's POV

Nagising ako sa likot ni Ashley.

"Ash. Wag kang malikot." Sabi ko.

Inaantok pa rin ako.

Naramdaman ko na lang na parang bumangon na siya.

"Ang aga pa." Sabi ko.

Binuksan niya yung kurtina. Nasisilaw ako sa sinag ng araw.

"Ash.." Sabi ko. Pero walang sumagot.

"Ashley?" Sabi ko. Pero wala pa ring sumasagot.

"Wade!!" Bigla akong napabangon sa sigaw niya.

"Bakit? Anong nangyayari?" Sabi ko at hinahanap siya.

"Nasaan ka?" Tanong ko.

"Nasa cr ako." Sigaw niya.

Pumunta ako sa pintuan ng cr.
Kumatok ako.

"Ashley? Buksan mo 'tong pintuan." Sabi ko.

"Hindi pwede." Sabi niya.

"Bakit? Ano bang nangyayari sayo?" Tanong ko.

"Basta. Hindi ko pwedeng buksan yung pinto." Sagot niya.

"Okay ka lang ba diyan?" Tanong ko.

"Hindi. Tawagin mo si Tita. Kailangan ko tulong niya." Sabi niya.

"Anong klaseng tulong ba? Kaya ko naman yata yan eh." Sabi ko.

"Hindi ka pwede." Sabi niya.

"Sige, wait lang. Tatawagin ko lang si Mama." Sabi ko.

Nilibot ko na ang buong bahay pero wala si Mama. Nagtanong na ako sa guard kung nasaan si Mama. Pero ang sabi niya nakaalis na.

Kinakabahan ako. Ano ng gagawin ko? Hindi naman daw ako pwede.

Bumalik na ako sa kwarto.

"Ashley." Sabi ko.

"Ano? Nandiyan na ba si Tita?" Tanong niya.

"Wala na dito si Mama. Nakaalis na daw." Sagot ko.

"Hala. Paano na 'to." Bulong niya.

"Ano ba kasi yung pinoproblema mo?" Tanong ko.

"Kasi Wade kailangan ko ng napkin. Nagkaroon ako ngayong umaga lang. Natagusan ko rin yata yung kama mo. Sorry.." Paliwanag niya.

Wala akong naramdamang galit sa kanya. Nag-aalala lang ako sa kanya ngayong oras na ito.

"Okay lang. Basta maging maayos ka lang. Ano nga ba ulit yung hinihingi mo?" Sabi ko.

"Napkin." Sabi niya.

"Bibili ba ako o meron kana sa bag mo?" Tanong ko.

"Iabot mo na lang yung bag ko. Ako na lang ang kukuha." Sagot niya.

"Buksan mo 'tong pinto." Sabi ko.

"Iwan mo na lang diyan sa may pinto at umalis ka muna. Ako na ang kukuha." Sabi niya.

Umalis muna ako sa kwarto.

"Tapos kana?!" Sigaw ko.

"Oo!" Sagot niya.

"Papasok na ako?" Sabi ko.

"Sige." Sabi niya.

"Okay kana?" Tanong ko.

"Oo. Salamat." Sabi niya.

"Kumain na tayo sa baba. Baka lumamig pa yung pagkain." Sabi ko at umalis.

Fate Played WellWhere stories live. Discover now