Bumukas ang gate matapos magdoorbell ni Papa ng dalawang beses at bumungad samin ang gwapong mukha ni Jared. Mabilis kong tinago ang hawak hawak kong salamin at polbo.

“Magandang gabi, hijo.” Bati ni Papa sa kaniya na binigyan niya din naman ng tugon. Kapag ba ako bumati sa kaniya, babatiin niya din ba ako pabalik?

“Pasok po kayo,” anyaya niya na pinaunlakan naman ni Papa.

Pinuno ko ng hangin ang aking dibdib at mahigpit na hinawakan ang tangkay ng aking dalang shoulder bag.

“Magandang gabi,” bati ko sa kaniya.

Napakunot-noo siya tsaka ako tiningnan ng maigi. “Walang maganda sa gabi kung mukha mo ang nakikita ko.” Aniya at naglakad na papasok ng bahay nila. Ilang segundo akong napatanga sa kawalan dahil sa sinabi niya. mabilis kong inapuhat ang aking salamin at tiningnan ang aking mukha. Hindi ko pa pala naaayos ang polbo ko! Nakakahiya!

Bumukas iyong pinto ng mansyon at lumabas ang isang nasa mid 40’s na lalaki. Mataba siya at hindi gaanong katangkaran. Mas matangkad pa nga sa kaniya si Papa pero maputi siya at matangos ang kaniyang ilong at alam kong sa kaniya minana ni Jared ang kaniyang kutis at feature ng ilong.

"Angelo! Kanina pa namin kayo hinihintay. Pasok kayo." Masayang anunsiyo nito.

"Magandang gabi. Salamat sa pag-imbita, Matt. May utang ako sa iyo." Nahihiyang sabi ni Papa.

"Ano ka ba naman wala iyon. Wag mo nang isipin." Sabi ni Tito Matt at napatingin siya sakin. "Siya na ba iyong nag-iisa mong anak?" Aniya. Tumango si Papa.

"Hello po. I’m Venice Martinez. Nice to meet you, po. Salamat po sa pagtulong sa amin ni Papa." Nakangiti kong sabi.

Ngumiti din siya. “Walang anuman iyon, Venice. Tama nga si Tina maganda ka ngang bata.” Sabi niya na ikinapula halos ng aking mukha.

"Sabi ko naman sa iyo Papa maganda talaga si Venice," sabi ng maganda at matangkad na babaeng nasa mid 40's din siguro ang edad. Matangkad siya at balingkinitan ang kutis. Ang ganda ng kaniyang mata na bumagay sa hugis puso niyang mukha.

"Nasaan ba si Matthew, Red?" Tanong ni Tito Matt kay Jared. Red? Iyon pala ang palayaw niya? Natawa ako. Bakit ba? Ang weird ng name niya eh, hindi naman kasi siya mapula.

"Oh! Matthew, halika dali may ipapakilala ako sa iyo." Sabi ni Tita Tina sa batang lalaking kababa lang galing sa taas. "Bunso mo po, Ma’am?" Tanong ko.

“Don’t call me Ma’am I prefer Tita o kaya naman Mama.” Kumindat pa siya sakin. Namula ako sa huling sinabi niya. Hindi ko alam na bolera ang mama ni Jared sana pati siya ganoon. Charot!

“Sino po sila?” tanong ni Matthew habang nakatingin samin ni Papa.

"Siya ang Tito Angelo mo at ang iyong Ate Venice." Pakilala samin ni Tita Tina.

"Hi, I’m Matthew. Grade one student." Pakilala niya. Grabe sobrang cute niyang bata. Para siyang miniature ni Jared. Yumuko ako ng kaunti para magkapantay ang aming mukha.

"Hello, Matthew. I’m your Ate Venice Martinez." Nakangiti kong sabi.

Walang naging reaksiyon si Matthew at nakatitig lang sa akin ng maigi. "Ate Venice, ang panget mo po," nakatitig sa mukha kong san a din nina tita Tina.

“Huh?” taka kong tanong. Namumula ako sa hiya. Alam kong hindi ako maganda pero bakit kailangan pang imamukha sa akin, diba? Nagtaas siya ng kilay.

"Hey, Matthew!” Malakas na sambit ni Tita Tina na sinabayan pa ng paglaki ng kaniyang mata sa kaniyang antipatikong anak. “Magsorry ka sa ate Venice mo." Dagdag pa ni Tita.

“Ayoko!” umiling si Matthew tsaka tumingin sakin. “She’s not my Ate! Si Ate Chantal lang ang ate ko at hindi ko gusto ang katulad niya!" tinuro niya ako.

“I hate her,” sabi pa niya tsaka tumakbo pataas.

"Matthew!" Galit na sigaw ni Tito Matt. Dirediretso lang si Matthew sa paglakad paalis.

"Naku, wag mo nang pansinin iyong batang iyon, Venice. May pagkasutil talaga iyon. Hindi ko alam kung saan ba iyon nagmana." Naiiling nalang na sabi ni Tita Tina.

Nahihiya akong napatango sa kaniya tsaka napatingin sa gawi ni Jared na may nakakalokong ngiti sa labi. Maslalo akong napayuko. Feeling ko hindi ata ako magugustuhan ng dalawang magkapatid na iyon.

~×~

Itutuloy....

The Unrequited Love (MayWard Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon