CHAPTER 10.

1.6K 106 8
                                    

Ayu POV

Busy ako sa kakapanood ng Kdrama sa loptap ko habang nakadapa sa kama nang marinig kong bumukas ang pinto ng kwarto at biglang pumasok si Jeth.

"Jeth ano ba?! Hindi ka ba marunong kumatok?" gulat kong tanong sa kanya at derederetso naman siyang nag lakad at umopo sa couch katabi ng kama ko.

"Sorry naman." aniya.

Pinag masdan ko lang siya na parang baliw habang ngingiti ngiti sa kawalan. Napakunot tuloy ang noo ko dahil sa inaasta niya. 

"Hoy! Ba't ngingiti ngiti ka diyan?" nag tataka kong tanong.

Nababaliw na ata 'to.

"Namiss lang kita!" nakangiti niya pang sabi habang sabay tinataas baba ang dalawang kilay niya.

Na wewerdohan talaga ko sa kanya, promise!

"Sus! Tatambay ka lang e!"

Tumayo siya at umopo sa sulok ng kama ko habang nanatili pa rin ang ngiti sa labi niya.

"May sasabihin ako."

Napataas ang kilay ko.

"Ano naman?"

"Kami na ni Abe!" agad na sabi niya.

Ang laki ng ngiti niya at bakas sa mukha niya ang saya habang nakatingin sakin.

Natigilan ako at bahagya ko pang naibuka ang bibig ko. Paulit ulit na nag eco sa isip ko ang sinabi niya.

"K-kayo na ni Abe?" wala sa sariling tanong ko.

"Yup!"

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Parang may kung anong kirot sa puso ko habang nakatingin sa mukha niya.

"Well, c-congrats." pilit ang ngiti ko.

Nasasaktan na naman ako. Hayss! Palagi namang ganito. Pero kahit na ganon, masaya pa rin ako para sa kanila. Wala naman kasi akong ibang choice kundi maging masaya na lang para sa kanya, kahit na masakit naman talaga sa part ko.

Lumabas na kami ni Jeth sa kwarto ko at dumeretso sa kusina. Naabotan pa namin si Mommy na nag luluto at nagulat pa siya nang makita si Jeth.

"You're here?" ani Mommy sa kanya.

"Uuwi na din po ako, Tita. Binisita ko lang si Cha."

"Mamaya kana umuwi. Tikman mo muna ang pinag bake kong brownies."

Lumapit si Mommy kay Jeth at inalalayan niya pang maupo si Jeth sa mesa.

"Come on, Princess." tawag niya naman sakin.

Naupo na din ako katabi ni Jeth.

"Ang sarap naman." ani Jeth matapos tikman ang brownies.

"Syempre! Ako nag bake niyan e." tuwang tuwa si Mommy.

"Patikim kami!"

Nagulat ako sa biglaang pag sulpot ni Sam kasama si Xander. Derederetso siyang lumapit kay Mommy at saka dumampot ng isang brownies.

"Ang sarap, Tita. Pwede po ba akong mag uwi sa bahay neto? Hehe!"

"Of course, hija. Ang dami ko ginawa."

"Yieeeh! Thanks po." tuwang tuwang ani Sam. "Uy, Jeth. Andito ka pala?" gulat niyang baling kay Jeth.

"Kanina pa."

"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ko sa kanila.

"Makiki kain. Hahaha!" natatawang tugon ni Xander.

I'm Secretly In LOVE With My Bestfriend (Available On Psicom App)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon