CHAPTER 4.

1.9K 111 5
                                    

Jeth's POV

Kasalukuyan akong nandito ngayon sa labas ng campus sa may waiting shed area habang hinihintay 'yung tatlo.

"Hi Jeth."

Napa lingon ako sa tumawag sakin.
Bahagya pa akong nagulat ng makita ko si Claire papalapit sakin.

"Anong ginagawa mo dito?" -Seryuso kong tanong sakanya.

"Wala. Gusto lang kitang makita." -Nakangiti niyang sabi.

"Tss! E lagi naman tayong nagkikita a?!" -Kaswal kong sabi.

"Oo nga. Pero hindi mo naman ako pinapansin."

"Close ba tayo? Hindi naman 'di ba?" -Sarcastic kong sabi.

"May galit ka ba sakin para hindi tayo maging close?" -Parang malungkot niyang sabi. "Jeth. Why do you have to be like this? Ano bang nagawa ko at bakit ang sungit sungit mo naman sakin? Tell me! Aayusin ko! You know how much I like you, Jeth, right?"

"Well let me tell you this." -Seryuso kong sabi na tumingin pa sa mga mata niya. "I-don't-like-you!" -Madiin ko pang dagdag.

"Don't say that, Jeth! I know-"

"Hindi pa ba talaga malinaw sayo na HINDI-KITA-GUSTO?! At kahit kailan hindi ako magkaka gusto sayo!"-Inis na sabi ko.

Napakurap naman siya at nakita ko ang panggigilid ng luha sa mga mata niya. Hindi ko na siya hinintay pang mag salita at inis akong tinalikuran siya

Ano ba kasing tumatakbo sa utak ng babaeng 'yun? Bakit ba hindi niya na lang ako tigilan?! Tss! Masasaktan lang siya kung hindi siya titigil sa kahibangan niya!

Sana naman mataohan na 'yun sa mga sinabi ko sa kanya! Pero parang malabo!? Manhid 'ata 'yun eh!

Pumasok na ako sa room namin.
Dito ko na lang sila hihintayin.

Ilang saglit pa dumating na rin 'yung tatlo.

Na upo na sila sa kanikanilang upuan. Katabi ko si Xander. Nasa unahan naman namin sila Cha at Sam.

"Bro, Ba't ganyan mukha mo?" -Tanong ni Xander nang lingunin niya ako.

"Nakakainis kasi si Claire! Parang aso habol ng habol!" -Inis kong sabi.

"Haha! Hindi ka pa ba naman nasanay? E ultimate crush ka nun, e!" -Pang aasar niyang sabi.

"Tss!"

"Alam mo, Jeth? Kung gusto mong tigilan ka na nung babaeng 'yun sapakin mo! Haha!" -Komento naman ni Sam.

Nag tawanan nga sila!

"Thanks sa advice, a?" -Sarcastic kong sabi.

"Wait! Parang may point naman don si Sam 'di ba?" -Natatawang sabi naman ni Cha.

"Isa ka pa! Ewan ko nga sa inyo!"

Hindi ko na lang sila pinansin.

Kahit kailan talaga walang kwenta kausap ang mga 'to. Puro kalokohan!

"Sam. Alam mo bang may nakuha na naman si Manang na red rose sa labas ng bahay?" -Rinig kong sabi ni Cha kay Sam.

"Nabigla ka pa? E matagal na kayang laging may nag bibigay sayo non." -Sam.

"Hindi naman, 'no! Pero kasi super na ku-curious na talaga ako sa taong 'yun! Sino ba talaga siya?! At bakit niya naman ako binibigyan ng flowers?! Magkakilala ba kami?! Tss! Maypa mysterious effect pa kasi siyang nalalaman! Hindi na lang magpakita." -Cha.

"Baka naman natatakot sayo?" -Xander.

"Sira! Bakit naman 'yun matatakot sakin? Mukha ba 'kong nangangain ng tao?!" -Cha.

I'm Secretly In LOVE With My Bestfriend (Available On Psicom App)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon