CHAPTER 5.

1.8K 108 7
                                    


Sam's POV

Pakatapos ng lunch break namin sabay sabay na ulit kaming apat na pumunta sa room namin.

At ito namang si Abe kanina pa daldal ng daldal hanggang sa makarating kami dito sa room.

"Jeth? Are you listening?" tanong niya pa kay Jeth.

Agad na nataohan si Jeth nang tanongin siya ni Abe.

"H-ha? Ano nga ba yun ulit?" parang napapahiya niyang tanong.

Pansin ko lang rin na parang kanina pa walang imik si Jeth. Para bang ang lalim ng iniisip niya? Kaya nag mumukha tuloy tanga 'tong si Abe kakadada na hindi naman pala nakikinig sa kanya si Jeth.

"Ang sabi ko, My Dad told me that he wanted to meet you."

"Bumalik na pala Dad mo?"

"Yes! Kaya nga gusto ka nga raw niyang makilala e."

"Ofcourse. When?"

"Maybe Tomorrow?" walang kasiguradohang ani Abe.

Kitams?

Parang sila lang yung tao eh nu? OP kaming tatlo eh. (Out of Place.)

Tss!

"Anong nangyari sa inyong tatlo? Ba't parang wala naman kayong imik diyan?" baling samin ni Abe nang mapansin ang pananahimik namin.

"Wala kaming balak mag salita eh. Bakit ba?" sabi ko.

Bahagya naman akong siniko ni Ayu, nang sasaway.

"Sam? May problema ba tayo? I mean, Ikaw?" tanong sakin ni Abe.

"Bakit naman tayo magkaka problema? At saka wala akong problema, 'no! Baka ikaw meron?"

Hindi lang siya ang marunong mag taray nu!

Nakita ko ang pag taas ng kilay niya kaya tuloy tinaasan ko din siya ng kilay. Hindi ko ugaling magpa talo girl. Remember that!

"Sabihin mo nga sakin, Sam. May problema ka ba sakin?" tanong niya pa.

"Bakit naman kita poproblemahin? Ano ba kita?" balik tanong ko ulit sa kanya.

"Wag mo nga akong pilosopohin!"

"Hindi kita pinipilosopo, sumasagot lang ako! E di sana pala hindi ka na lang nag tanong 'di ba?!" sarcastic kong sabi.

"How could you-" naputol ang sasabihin niya nang biglang sumingit si Xander.

"Woah! Easy girls, easy. Calm down, Okay?" ani Xander.

"Ito kasing si Sam e. Pilosopo!"

Aba't ako daw? E siya kaya nag umpisa!

"Why me? Ikaw-" naputol ang sasabihin ko nang si Ayu naman ang nag salita.

"Seriously, girls? Nagsisihan pa kayo nyan ha. Hindi niyo ba napapansin na kanina pa namin kayo pinag titinginan?" bahagya naman akong napatingin sa paligid at lahat nga sila naka tingin samin ni Abe. "Alam mo ikaw Sam kung may problema ka sabihin mo-"

"Ba't ako?" pag puputol ko sa sasabihin niya.

"Patapusin mo muna kasi ako!" bakas sa boses ni Ayu ang pagka inis.

Napatahimik tuloy ako. Kapag ganyan kasi si Ayu for sure galit na yan!

"Kung may problema ka kay Abe sabihin mo, at ikaw naman Abe-" naputol ulit ang sasabihin niya dahil si Abe naman ang nag salita.

"Why me?"

"Bakit hindi muna kasi kayo makinig sakin?!" inis na talagang sabi niya.

Sabay kaming napatahimik ni Abe. Kitang kita ko ang inis sa mukha ni Ayu! At kapag ganyan na ang mukha niya, kailangan mong makinig sa mga sasabihin niya.

"Kung sensitive ka diyan kay Sam, E di umiwas ka! Ang simple non!" dugtong niya pa.

Pakatapos niyang sabihin yun padabog siyang umalis sa harapan namin at lumabas ng room.

"Cha! Ayu!" tawag sa kanya ni Jeth at Xander pero hindi niya ito pinansin.

Inis akong tumingin ulit kay Abe at inirapan ko pa siya bago ako tumayo at lumabas ng room para sundan si Ayu.

Kelangan kong mag sorry agad sa kanya. Ayukong mangyari na naman yung hindi niya ako papansinin ng ilang linggo kapag nagagalit siya sakin. May ganong ugali kasi si Ayu.

Nakita ko siya na pumasok sa comfort room kaya agad akong tumakbo patungo don.

"Ayu, Sorry na. Si Abe kasi e!" agad na sabi ko nang makapasok ako.

"Si Abe? E alam naman nating ikaw nag umpisa 'di ba?"

"Pero kasi-"

"Naiinis ka na naman sa kanya?" pag papatuloy niya sa dapat na sasabihin ko.

Wala sa sariling tumango tango naman ako.

"Wala naman sayo ginagawa yung tao e. So why are you always so annoyed with her?" Hindi agad ako nakapag salita dahil sa sinabi niya. "At isa pa, nililigawan yun ni Jeth. Ano sa tingin mo ang mararamdaman ni Jeth sa pinapakita mo ngayon?"

Mas lalo akong hindi nakapag salita. Napatungo ako at napa isip sa sinabi niya. Hindi ko alam na sa ganitong ugali ko may isang tao na din pala akong hindi na rerespeto.

"Look, Sam." lumapit sakin si Abe at kinuha ang mga kamay ko. Nanatili lang akong naka tungo. "Jeth is our bestfriend. So why we don't just support him kesa makipag away ka pa sa nililigawan niya."

Nakaramdam ako ng pagka pahiya. Parang bigla akong nataohan dahil sa mga sinabi niya. Naisip ko tuloy na ganon na ba ako kasama maging kaibigan?

"I'm sorry." mahina kong sabi. Hindi ko kasi alam kung ano ba dapat kong sabihin sa mga sinabi niya.

"Wag ka sakin mag sorry. Don ka kay Abe mag sorry."

Napaangat ang tingin ko sa kanya.

"Do you think na magagawa ko yun?"

Napangiwi si Ayu dahil sa sinabi ko. For my entire life hindi ko ugaling mag sorry sa mga taong deserve ang kamalditan ko. Tss!

"Come on, Sam. We're not kid anymore."

"Okay, fine. I'll apologize to her." sabi ko na lang para tumigil na siya sa kakasermon sakin.

Napabuntong hininga na lang si Ayu. She knows me. Hindi ko talaga ugaling magbaba ng pride lalo na sa mga taong kinaiinisan ko.

I'm Secretly In LOVE With My Bestfriend (Available On Psicom App)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon