CAPITULO CUARENTA'Y CINCO - Panunundo

6.3K 91 0
                                    

CAPITULO CUARENTA'Y CINCO - PANUNUNDO

GRAY'S POV

Matagal-tagal na rin na naririto sa bahay namin si Mariana.

Parang may nalilimutan na nga ako eh, pero hindi ko talaga maalala

Di bale na. Hehe.

Niyakap ko kaagad siya sa likod.

Attack lang ng attack, Gray.

Sabi nga sa Paru-Parong Buking, madidiligan na ng suka ang uhaw na lumpia, hehe.

*mwah*

Dahan-dahan naman niya akong naitulak.

"Sus, kauma-umaga eh," tawa niya.

Pero saglit lang iyon.

Kasi nakatulala na naman siya at nakatingin sa labas ng bintana.

Ipinatong ko sa balikat niya ang baba ko.

"What's wrong, hmm?"

"Sina Mama kasi, parang nakalimutan na nila ako."

Shet. Ito yata ang nakalimutan ko- ang tawagan ang parents ni Mariana.

Ilang buwan na ba akong nakalimot? Oh shit.

Pero hindi.

Ayoko na silang tawagan pa.

Hinigpitan ko pa ang yakap kay Mariana.

Hindi pwedeng dadalhin nila siya sa Manila.

Dito lang siya sa akin.

"Miss mo na ba sila?"

Tumango-tango siya.

"Ikaw kasi eh," nguso niya, "nahulog mo sa toilet bowl yung cellphone ko." TT^TT

Nung mga last last months pa yun. Hindi ko na pinalitan yung cellphone niya ever since.

Magce-cellphone pa siya eh narito na ako. Hehe.

Siyempre, pumapasok pa rin kami ng school.

Pero matiwasay na ang lahat.

Payapa.

Wala nang problema at...

May kumatok sa pinto.

Iniwan ko na muna si Mariana para buksan ang pinto.

"O, Yaya Matilda?" sabi ko nang pagbuksan ko siya. "Bakit?"

"Si Mariana? Pinatatawag siya sa salas ni Mam Lucia eh. May bisita."

Lumapit kaagad si Mariana.

"Ano po iyon?"

"Ah, pinapatawag ka sa salas ni Mam Lucia."

Tumango si Mariana. "Sige, susunod na lang po ako."

Hinawakan ko sa braso si Mariana.

Parang hindi kasi maganda ang kutob ko.

"Bakit?" sabi niya.

"Samahan na kita sa pagbaba sa salas."

Sa hagdan pa lang ay tinatanaw ko na kung sino yung bisita na kausap ni Mama. Babae yun na parang mas bata ng kaunti kay Mama. May pagka-morena nga lang.

"Mama!" narinig kong sigaw ni Mariana.

Napatayo naman ang bisita na nakaupo sa sofa namin at tiningala kami.

"Anak!"

Bago ko pa napansin na tumakbo na si Mariana, nakita ko na siya na nasa paanan na ng hagdan at sinasalubong ng yakap ng kanyang ina.

Diyos ko, babawiin na ba siya sa akin?

Sino na kasabay kong kumain, matulog, gumising, mamasyal, pumasok sa school, gumawa ng assignment, makakakwentuhan at--------- shet.

Agad akong bumaba sa salas.

"Si Gray nga pala, ang anak ko," pakilala sa akin ni Mama sa nanay ni Mariana.

Alam ko, dapat masaya ako dahil kilala na ako ng mama niya.

"Anak, bukas susunduin na kita rito," sabi ng nanay niya. "Doon na muna tayo sa bahay ng Tita Mia mo noon hanggang sa high school graduation mo,  tapos lilipat na tayo sa Manila."

"H-Hah?" ani Mariana na medyo maluha-luha pa ang mata dahil sa madramang reunion nilang magnanay.

"Sinabi ko na sa mama ni Gray ang lahat-lahat at pumayag naman siya."

Tinapunan ko ng masamang tingin ang mama.

Bakit siya pumayag?

Nagdaldalan pa ang mag-ina bago nagpasya ang nanay ni Mariana na umalis na dahil lilinisin pa raw niya ang bahay na tutuluyan muna nila hanggang makatapos ng high school si Mariana

Shet. Next month na iyon ah?

Sinundan ko siya sa kwarto niya nung gabi'ng iyon.

"Mariana, mag-usap tayo," sabi ko tsaka ko sinarado ang pinto sa likuran ko para kaming dalawa lang ang makapag-usap sa loob ng kwartong iyon.

MARIANA'S POV

"Tungkol saan?" tanong ko sa kanya.

Kinabahan ako nung isara niya yung pinto tapos tinitigan niya ako habang papalapit siya sa akin.

Hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi at hinalikan ng mariin.

"Mariana," tawag niya sa akin pagkatapos ng halik kaya napadilat na ako.

"Hindi ka sasama sa Mama mo, di ba?"

"A-Ano?"

"Hindi ka sasama sa kanya sa Manila. Dito ka na sa amin titira di ba? Pwede rin naman sigurong dito na lang din tumira ang mama mo. Bibigyan ko siya ng trabaho rito, o di kaya sa hacienda. Hindi mo ako iiwanan, di ba?"

Naluha ako.

Sobra-sobra na yata kung gagawin pa ni Gray ang mga sinabi niya.

Oo, mahal ko siya.

At gusto ko siyang kasama.

Pero kaninang umaga ko pa ito pinag-iisipan.

"G-Gray," panimula ko. Hindi ako makatingin sa kanya. "Ang dami mo nang naitulong sa akin. Ikaw at ang pamilya mo. Sobra-sobra na nga itong pagkupkop ninyo sa akin nung namatay si Tita Mia... "

Umiling-iling siya. Parang nakukuha na niya ang ibig kong sabihin.

"Pwede pa rin naman tayo magkita, Gray... Mga... M-Mga once a month siguro..."

Nanginginig na ang boses ko. Lord, patatagin ninyo ako. Ayokong isabay sa pag-iyak ang pagsasalita ko. Nagiging parang ngongo ako...

"...t-tapos, pag nakapagtapos na n-naman tayo malaya na tayo p-para..."

"MARIANA!" galit na sigaw niya sa akin tsaka pabalibag na binitiwan ang mga braso ko. "Aalis ka? Sasama ka sa nanay mo, ganun ba? Once a month? Nababaliw ka na ba? Pagkatapos ng lahat, tingin mo ba kaya ko pa na hindi ka nakikita palagi? Hah? Sa Manila ka magkokolehiyo, bata ka pa at kung saan-saan ka mapapatingin! Maraming lalaki pa ang makikilala mo, tapos ano? Malilimutan mo na ako?"

"Gray naman! Wag kang mag-isip nga ng ganyan!"

"Pesteng buhay! Mas gusto mo sa nanay mo? Hala! Sige! Sumama ka na sa kanya! Huwag ka nang babalik dito, Mariana! Huwag ka nang magpapakita sa akin kung mawawala ka rin lang sa susunod na araw..."

Parang nanghina siya at napaluhod. Pero sandali lang iyon. Habang umiiyak ko siyang pinagmamasdan, nagsususuntok muna siya sa sahig.

"Putcha!" mura pa niya tsaka agad na tumayo at umalis. Pabalibag niyang sinara ang pinto kaya parang nabingi ako.

Gray... Bakit hindi mo maintindihan ang sitwasyon natin ngayon? 

Itigil ang Kasal! (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon