SPECIAL POV CHAPTER #1

6.1K 88 4
  • Dedicated to all those na interesado :))
                                    

SPECIAL POV CHAPTER

GREGORIO'S POV

Umalis na agad si Gray sa library kaya ako na lang mag-isa ang naiwan.

Agad naman akong pumunta sa desk at ako lang ang may susi sa mga drawers nun kaya ako lang ang pwedeng magbukas.

Binuksan ko ang top drawer at hinila palabas ang dalawang folders.

Ilang taon na ba ako? Fifty-eight.

Binuklat ko na ang papel at sinulat sa blankong espasyo doon ang pangalan ni Gray.

Ganun din sa isa pang papel. Tapos tinabi ko na ulit sa drawer at ni-lock iyon.

Hindi pa pwedeng si Gray ang humawak ng mga ari-arian namin ngayon.

Dahil pag siya ang humawak nun, manganganib ang buhay niya.

Marami akong naging mga kakumpitensya sa mundo ng negosyo. Marami na ang mga nainggit at gustong pumatay sa akin.

Pero alam ko na hindi nila magawa yun dahil very high profiled ako at madali silang matitiklo pag ako ang pinatay nila.

Pero kung ang papatayin nila ay si Gray, mahihirapan ang batas na mahuli sila.

Dahil sa pag-aartista noon ni Gray at sa naging masama niyang imahe. Maipapalagay na sa rami-rami ng nagalit at nakaaway ni Gray, aabutin ng siyam-siyam bago malaman kung sino ang nakapatay sa kanya.

Kaya mabuti na rin na medyo nakatago ngayon si Gray at malayo sa paningin ng mga kalaban ko sa negosyo.

Buti na rin at nakipag-sabwatan ako sa Tita ni Mariana para hindi matuloy ang kasal ni Luisito.

Hindi ko na rin kasi kayang hawakan lahat ng negosyo at pagmamay-ari ko dahil nga sa nagkaka-edad na rin ako kaya kailangan ko ng katuwang na alam kong hindi magiging target ng mga kalaban ko. At si Luisito nga iyon.

Pero aaminin ko, parang medyo pababa ng pababa ang mga negosyo na pinahahawakan ko kay Luisito.

At mas lalong bumagsak nga iyon nang hindi matuloy ang kasal nila ni Cassandra.

Hindi ko naman siya masisisi.

May kumatok sa pinto.

"Pasok," sabi ko.

Siya naman bukas ng pinto at pumasok na si Luisa.

"O, darling?" sabi ko tsaka siya pinanood na lumakad palapit sa akin.

"Ano naman ang pinag-usapan ninyo ni Gray?" yakap niya sa leeg ko.

"Wala naman," sabi ko saka sumandal sa kanya.

"Don't lie to me, Greg, alam ko na importante iyon. Kaya nga kayo nag-usap dito sa library, di ba?"

"Masyado ka talagang maraming alam, Luisa."

"Come on, tell."

"Can you keep a secret?"

"Kahit nga hitsura mo pag hubo't-hubad ka, hindi ko pinagsasabi, yan pa kaya?"

Natawa ako ng kaunti. Tumanda na at lahat itong si Luisa, pilya pa rin. Kaya lagi akong nahuhumaling sa babeng ito eh.

"Maaaring tama si Gray," panimula ko, "maraming mag-asawa na Gonzaga ang apelyido, pero hawig talaga ni Mariana yung nakita ko na babaeng Gonzaga sa opisina ni Lucas."

"Kelan?"

"Bago ako makauwi dito sa bahay, dumaan muna ako kay Lucas, kasi may inayos lang ako na legal problems sa kumpanya."

"O, tapos?"

"Yun nga. Yung mag-asawang Gonzaga pala yun na nagpa-annul."

"Are you sure na magulang talaga yun ni Mariana?"

"Hawig niya yung babae eh."

"Darling," hinaplos niya ako sa buhok, "ang dami-daming mag-asawang Gonzaga sa buong Pilipinas. How sure are you na sila nga yung parents ni Mariana?"

"Pareho lang kayo ng sinabi ni Gray."

"Eh kasi naman, darling. Eh kung tinanong mo na rin kay Lucas yung first names nila, eh di baka maging mas convincing na parents nga yun ni Mariana."

"Pero iniisip ko na kawawa naman yung bata, Luisa. Wala siyang kaalam-alam na annulled na ang magulang niya."

"Dear, what is it with Mariana that concerns you so much?"

Nagi-guilty ako. Guilty dahil wala siyang kamalay-malay at ginamit namin siya ng Tita niya para maitigil lang ang kasal ni Luisito kay Cassandra.

"What? May atraso ka ba sa kanya at nagi-guilty ka so you want to pay her with some consideration?"

"Luisa!"

"Asawa mo ako, Greg. We have been together for years kaya kahit hindi ko saktong nababasa ang nasa isip mo, I can feel what you feel."

Napailing ako. How could I explain this?

"Luisa."

Tumayo na siya ng deretso at lumayo sa akin.

"Kung hindi mo sasabihin sa akin yan, hindi tayo magkatabing matutulog tonight."

"Luisa naman!"

Tumalikod na siya at nagmartsa papunta sa pinto.

"Luisa naman! Wag kang ganyan!"

Pero hindi siya humarap.

Mga babae talaga. Naku! Pasalamat ka, Luisa at hindi kita matiis.

"Fine! Halika na rito. Sasabihin ko na!"

Mabilis siyang bumalik sa akin. Pero hindi nakangiti. Seryoso lang.

"Now, tell me."

At kinuwento ko na nga sa kanya ang katotohanan.

"Please, Tito, help me."

"Pero wala na akong magagawa, Mia. Mahal talaga ni Luisito si Cassandra."

Umiling siya. "Tulungan niyo ako na mapigil ang kasal nila. Alam ko na ayaw niyo ring mawala si Luisito na taga-handle ng iba niyo pangnegosyo!"

"Mia, why don't you just accept na break na kayo ni Luisito for three years time? Isn't it right for you to move on na, hija?"

"Mahal ko si Luisito~"

"Heto. Let's make a deal. Kung mapipigilan mo man ang kasal ni Luisito, pangako hindi ako magsasalita kahit alam ko na ikaw ang may kagagawan nun. Pero kung wala ka namang magawa para pigilan ang kasal niya,wala rin akong gagawin para pigilin ang kasal ni Luisito."

 

"So..." shocked pa rin si Luisa.

"Si Mariana ang ginamit ni Mia para pigilan ang kasal nina Luisito."

O__O "So, sa bahay na ito, kami lang ni Yaya Matilda ang walang kaalam-alam sa mga nangyayari na ito?"

"S-Sorry, darling. Hindi ko rin naman kasi inaasahan na... magkakakilala pa sila ni Gray at..."

"I can't believe you can encourage a crazy woman to stop Luisito's wedding!"

"I didn't encourage her. Ayaw ko rin naman kasing saktan ang tao kaya yun na lang ang nasabi ko sa kanya para lubayan na niya ako!"

"Pero nakisabwat ka sa kanya. Hindi mo man lang sinabi nung pigilin ni Mariana ang kasal ni Luisito na pakana iyon ng baliw niyang ex-girlfriend!"

Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat. "Luisa, darling, listen to me... "

"Hmph!" tinabig niya ang mga kamay ko. "Pati walang kamalay-malay na teenager dinamay ninyo!"

Walk-out na naman siya.

"Luisa!"

"Hindi ako tatabi sayo na matulog! Hmph!"

Itigil ang Kasal! (COMPLETE)Where stories live. Discover now