CAPITULO BENTE - Ang Reaksyon ni Tita Mia

6.3K 94 1
                                    

CAPITULO BENTE - ANG REAKSYON NI TITA MIA

MARIANA'S POV

Namamadali akong pumasok ng bahay. 

"Tita Mia!!" sigaw ko.

Pero napatigil ako sa pinto.

Si Tita Mia kasi. Parang iba ang aura niya ngayon.

Mukhang napakaseryoso niya.

Nakaupo siya sa sofa at nagbabasa. Nag-angat siya ng tingin at tinignan ako.

"Late ka yatang umuwi ngayon?"

(^__^0) "Ah... eh... oo, nga po. Pa'no kasi may inasikaso pa ang Student Council sa school," alibi ko.

Tumango lang si Tita tsaka nagpauloy sa pagbabasa. "Sige, magbihis ka na. May brownies sa ref, kuha ka na lang pagkatapos mo magpalit ng damit."

"O----------------kay."

Pumunta na ako sa kwarto.

Bakit kaya ang seryo-seryoso ni Tita Mia? O______O ???

Oo, natalo siya sa car race sa Palawan pero hindi naman siya ganito eh. Lagi siyang cheerful. Masayahin yun eh, tsaka madaldal. I was expecting na pagpasok ko ng bahay titili rin si Tita Mia tapos ie-embrace pa ako. Sasabihin pa niya na na-miss niya ako, tsaka na may pasalubong siya.

Tinawagan kaya siya ng principal at sinabi yung mga sinabi sa akin kanina sa office?

Hindi siguro. Kung ganun kasi, hindi magiging ganito reaksyon ni Tita Mia. Magsusungit-sungitan lang yun tapos wala na.

Hindi ko talaga ma-gets?

Pagkabihis ko bumaba na ako sa salas. Nahuli ko siya na nakatulala, tapos nung napansin niya na papalapit na ako, nagpanggap siya na nagbabasa.

"Tita," tawag ko sa kanya tsaka umupo sa sofa sa tabi niya.

Kahit mukhang wala siyasa mood ngayon kailangan ko na talagang sabihin sa kanya ang problema ko kay Gray.

"Bakit?" tanong niya habang nakatitig sa libro.

"Tita, ginugulo ako ni Gray," sabi ko. "Siya yung pinsan ni Luisito Martinez, yung isa sa mga kinasal na ginulo natin nung bakasyon."

O___________O  ---> Parang natulala si Tita.

"S-Si Luisito?"

Tumango ako. "Opo," sabi ko. "Nakilala ako ni Gray sa mukha at ngayon, classmate ko siya sa school-"

Biglang napatayo si Tita Mia. "Mariana, kaninang umaga pala tinawagan ko ang mga magulang mo. Ipapasama na kita sa kanila sa Manila."

"Hah? Bakit?"

BAKIIIIIIIIIIIT? Bakit niya ako ipapadala sa Manila?

"Pano ang pag-aaral ko, Tita?"

"First weeks pa lang naman eh. Pwede ka pa ma-transfer."

"Tita, bakit biglaan?"

Tumalikod na siya para pumunta sa kwarto niya pero sinundan ko siya.

"Tita? Bakit?"

Humarap siya sa akin, medyo maluha-luha. Tapos agad siyang pumasok sa kwarto niya at nagkulong.

O_O OHNOES. Bakit ganun na lang bigla si Tita? 

Itigil ang Kasal! (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon