CAPITULO DIEZ - DATE part 1

8.7K 117 7
                                    

CAPITULO DIEZ - DATE part 1

MARIANA'S POV

English class na namin. Second to the last subject kaya heto katabi ko na naman si Gray.

Dapat may PE class pero dahil first week pa lang ng pasukan, eh wala raw muna kaming PE.

Hindi ko talaga nililingon si Gray. As in never. Kahit nararamdaman ko na nakatitig siya sa akin.

Hmph. Paano ko kaya maiisahan ang black mailer na ito.

>_< Pag-uwi nga ni Tita Mia isusumbong ko ang lalaking ito. Hmph. Para si Tita na ang kumausap sa kanya. Anyway, single ang tita ko. Baka sila pa magkatuluyan pag nag-meet sila at tigilan na ni Gray ang panggugulo sa akin. 

Dream on, Mariana. Haaaay. That seems so impossible.

"Mariana, pssssssst."

Kanina pa itong lalaking ito eh.

"Bakit ba?" bulong ko, nakatingin na sa kanya.

"Bakit ayaw mo mamansin, ha?"

"Ang kulit. May teacher, makikipagdaldalan ako sayo?"

"Ikaw na butihing estudyante," ngisi niya.

"Gumaya ka na lang sa akin, baka sakaling grumadweyt ka pa."

Natahimik siya kaya binalik ko na ang focus ko kay Mam Gutengco.

"Pssssssssst."

Nilingon ko ulit siya nang naka-irap.

"Bakit ba talaga?"

"Ano ba ang ginagawa ng mga mag-syota?"

"Malay ko," nguso ko. "Di pa ako nagkakasyota kaya wala akong idea diyan."

"Really? Ako first boyfriend mo? Swerte-swerte ko naman. So, ako rin first kiss mo?"

Lumapit pa talaga siya. Yung siko niya nasa arm chair ko na. Inilayo ko naman sa kanya ang katawan ko.

"Tigilan mo ako, pwede?"

"Sagutin mo muna yung tanong ko kanina."

"Aba, anong isasagot ko eh hindi ko  nga alam."

"Wala ka ba talagang alam tungkol sa love?"

"Tse."

"Date tayo."

Nilingon ko ulit siya. O_____________O

---____________--- "Bakit pa tayo magde-date. Nagpapanggap lang tayo, 'di ba?"

"Pumayag ka na lang."

"Bakit naman kailangan pa iyon?"

"Para convincing na mag-syota tayo. Hehe."

"Hindi pa ba convincing yung hinalikan mo ko kanina?" T^T Sirang-sira na talaga ang Ms. Role Model image ko. HUHUHU.

Tumawa lang siya ng mahina. "Saan mo gusto mag-date."

"Aba! Bakit pumayag na ba ako at tinatanong mo iyan, hah?"

"Payag ka na. Wala ka rin namang choice eh."

Sumimangot na lang ako. Bakit ba kasi kailangan pa ng date-date na iyan?

"Saan nga tayo magde-date? Dali na?"

Ang kulit? Ang kulit?

"Ikaw ang nagyayaya di ba? Bakit ako ang tinatanong mo kung saan?"

He groaned. "Ang gulo mo rin kausap, Mariana."

Itigil ang Kasal! (COMPLETE)Where stories live. Discover now