Napansin ko rin na sobrang laki ng University. Ang daming buildings, hiwa-hiwalay. Hay, sana maka adjust agad ako. Mahirap pag hindi ako maka adjust.

“Wooow! Ang ganda!!! Buti na lang matalino tayo at nakapasa tayo dito! My dream school!” sabi ni Julia habang pinapantasya yung paligid. Tumawa naman ang kanyang asawa.

“Halika na nga, pumunta na tayo sa building mo.” sabi ni Diego sabay hawak sa kamay ni Julia. Wow, sweet.

“Sige Bes, Dj! Una na kami ah!” paalam samin ni Julia. Pati si Diego ay nagpaalam na. At kami na lang ni unggoy ang natira.

“Anong first class mo?” tanong niya sakin.

“Math17.” Sagot ko naman. Hinawakan niya naman yun kamay ko saka kami pumunta sa building ko.

Habang naglalakad, napapansin kong nakatingin samin yung mga tao. Bakit? Dahil ba magkahawak kami ng kamay?

Binitawan ko kamay niya.

“Uy, bakit?” tanong niya sakin.

“Eh kasi… ang daming nakatingin. Baka bawal PDA dito.” Napatawa naman siya ng mahina.

“Di yun.” Tapos hinawakan niya ulit kamay ko. “Gwapo lang kasama mo, tapos ang ganda mo pa. Sino bang hindi titingin sa atin?” kinilig ako dun. Kahit kasi ilang months na kami nitong unggoy na to, bawat sabihin niya kikiligin parin ako. Okay yun no, di nawawala ang spark!

***

Nang makarating na ako sa room ko,  nagpaalam na ako kay unggoy. Tapos umalis na rin siya papunta sa klase niya, which is Music.

Umupo naman ako sa isang bakanteng upuan sa may unahan. Gusto ko lang sa unahan para makapakinig ako ng ayos. Nga pala, kahit hindi na nerd yung itsura ko, pero nerd parin ugali ko. Pero okay lang din, mahal naman ako ni unggoy eh! Bumabanat ako. Hehe.

Tapos biglang may tumabi sakin. Tumingin naman ako, isang lalaki. Medyo gwapo. Pero mas gwapo si unggoy syempre! Mahal ko yun eh!

Ngumiti siya sakin edi ngumiti din ako. Ayaw ko naman maging bastos. First day of classes eh.

“Hello. Ako nga pala si Khalil. Khalil Ramos.” Wow, ang unique naman nung name niya.

“Ako naman si Kathryn Bernardo.” Mukha naman siyang friendly, kaya feeling ko magkakasundo kami! Yey! May bago agad akong kaibigan dito. Nice start!

Still This Crazy Love (PUBLISHED)Where stories live. Discover now