∞Chapter twenty nine∞

3.5K 126 0
                                    

  ∞battle with the corrupted Queen∞  

Kaagad nagbago ang anyo ng Reyna pagkatapos nyang saksakin si Haring Baal, she turn into a monster devil. Hindi ko gusto ang itsura nya ngayon at parang hindi na sya ang Queen na kaharap namin kanina, it looks like someone inside her na hindi nya kayang labanan, the Queen of Im Deus Palatinum is now corrupted, corrupted by devil.      

"Papatayin ko kayong lahat at mapapasakin ang lahat ng kaharian" dalawang boses ang naririnig ko hindi lang ako kundi namin sa kanya, isang boses ng lalaki at isa pang boses ng babae. Kasabay ng pagsigaw nya ay ang pagyaning ng lupa at nabalot ng itim na aura ang buong paligid.

Naging alerto naman agad kami at nakita kong gumaw ang black air shield si Jana sa aming lahat para hindi kami maapektuhan ng aura at ng mawala ito isang malawak na field ang nakita namin, nawala ang kweba dahil sa kapangyarihan nya ibig sabihin sobrang lakas nya.

"Ngayon sino ang mauuna? Ikaw na lang kaya" turo nya kay Kenji at nanlaki ang mata namin dahil sa isang iglap nakahiga na si Kenji. "Ngayon sino ang isusunod ko?"

Nakita ko ang aura nya nag uumapaw kapag hindi nya to pinigilan kakainin nito ang buong katawan nya at yun ang ikamamatay nya.  

"Itigil mo na to Queen Anael" sigaw ko at napatingin naman sila sakin. 

"Anong ginagawa mo Ly?" inis na bulong sakin ni Jana "Mapapahamak ka nyan eh"

"Hindi na bago yan Ja" sagot ko naman "Saka isa pa nasa kapahamakan naman talaga tayo ngayon" dagdag ko pa.

"At bakit ko naman ititigil?" nakataas na kilay na sabi ng Reyna at nakikita ko ang inis sa mukha nya 

"Dahil ikamamatay mo yan!"

"nagpapatawa ka" sabi naman nya. 

Sumugod si Gelo at Nathan agad nilang ginamit ang weapon nila at nasalag naman yun ni Queen Anael at pagkatapos ay inihagis sila pero nakatayo naman sila ng maayos, sumugod ulit si Nathan pero nasalag ni Queen at sumunod naman si Gelo kahit na nakatalikod ay nagawa nya pa rin itong salagin at nanlaki ang mata namin ng maging isang itim na usok ang buhok nya at sakalin ang dalawa. 

Nag isip agad ako ng paraan pero nauna na si Liza agad syang gumawa ng isang bumerang at ibinato dahilan para maputol ang buhok nya at sa kanya naman napatingin ang Reyna pero bago yun ay sinaksak nya muna si Nathan at Gelo.

Para akong nabato sa kinatatayuan ko dahil sa nakikita ko, kinakabahan ako at gusto na talagang kumawala ng kapangayarihan ko sa katawan ko pero pinipigilan ko. Nakita kong agad na umabante si Nexi at Masha sa harap ni Liza pero agad din mang bumagsak silang dalawa dahil hindi nila namalayan na nasa harapan na nila si Queen Anael. 

Maging si Dian at Liza ay napabagsak na rin nya, duguan silang lahat at halos naiiyak na ako sa nakikita ko. Kahit sila Naya'il hindi din nagawang lumaban pero si Dumah nakikipag sabayan sya kay Queen gamit ang espada nya pero hindi din nagtagal nasugatan at napuruan ni Queen Anael si Dumah. 

Inilabas ni Jared ang Crimson Sword nya at ganun din si Miko silang dalawa ang magaling at pinaka nakakasabay kay Queen kaya naman nainis si QUeen ng masugatan sya at ginamit nya ang itim na uso para lang sa dalawa, pinahirapan nya ito ng pinahirapan hanggang sa hindi na nila kaya pang lumaban. 

"Anong gagawin natin?" dinig kong sabi ni Jana. 

Parang nagdilim ang paningin ko at wala akong ibang makita kundi ang mga duguan kong kaibigan, wala din naman akong ibang marinig kundi ang hiyawan at sakit na nararamdaman ng kaibigan ko. 

12 Academy 3: The Next GenerationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon