∞Chapter twenty five∞

3.6K 114 1
                                    

∞The sleeping Angels∞

Maaga kaming nagising ni Jana dahil sa hindi din kami nakatulog ng maayos sa sobrang kaba. We're not that confident like the others, I mean like the angels. They look like.. Ah pano ko ba yun maeexplain?

"Ready ka na ba Ly?" tanong sakin ni Ja at napatingin naman ako sa kanya.

"Not really. Hindi ko alam kung ready ba talaga ako o hindi" sabi ko sa kanya at nag nod naman sya.

"Kung sabagay hindi naman talaga madali ang misyon na to" sabi nya saka sya bumuntong hininga "They envy what we had ang hindi nila alam buhay ang tinatay natin para makuha ang meron tayo" at malungkot syang tumingin sakin "Its scare me pag naiisip kong may pwedeng mawala sa atin"

"Wala naman mawawala sa atin eh" sabi ko at tumayo ng maayos ko ang medyas ko.

Nakauniform kaming pupunta doon dahil hindi din naman kami magiging komportable sa ibang suot. This uniform isn't like the other uniform, it boost our energy and power base lang naman sa nararamdaman ko.

Nag iiba ang aura ko kapag suot ko to ganun din naman ang iba, mas lalo pa nga kaming nalakas eh. Napabalik ako sa isip ko ng magsalita si Jana.

"How can you be so sure?"

Tiningnan ko si Jana at nakifa kong nakayuko sya at napansin ko naman na nakayukom ang palad nya may bahid din ng inis at galit ang boses nya kaya naman hinawakan ko ang kamay nya at napatingin naman sya sakin.

"Because we wont let that happen. I know you too well Jana and I will make sure na walang mangyayaring masama sa kahit na sino sa atin. Babalik tayo dito ng buo." nakangiti kong sabi at ngumiti na din naman sya saka tumango.

Parehas naman kaming napatayo ng may kumatok sa pinto ng dorm namin, tumayo ako para buksan at si Jana naman ay nagsuot na ng sapatos.
"Tapos na ba kayo?" tanong ni Miko.
Si Miko lang ang nandito kaya naman nag nod ako at tumingin kay Jana, kinuha nya ang bag nya at pati na rin ang bag ko saka kami lumabas.

Wala pang tao sa paligid siguro dahil sa alas tres pa lang ng madaling araw. Napabuntong hininga naman ako one na ako nakatulog at twelve naman si Jana hindi ko alam kung magiging okay ba ang sarili namin mamaya baka maspace out kami nito mahirap na.

"May problema ba?" napatingin naman ako kay Miko ay nag nod ako.

"Hindi ko alam kung magiging okay kami mamaya. Twelve na nalatulog si Jana at ako naman one baka mamaya makatulog kami habang nasa byahe or di kaya habang nag memeeting."

Sabay naman kaming napabuntong hininga ni Jana at natawa naman si Miko kaya naman sabay na naman kaming dalawa na magbigay ng sama ng tingin kay Miko at tumigil naman sya agad.

"Sorry. Hindi naman kayo aantukin mamaya dahil gigisingin ni ate ang meron sa katawan nyo"

"Huh? Anong ibig mong sabihin Miko"

"Mag hintay ka na lang mamaya Jana"

Nagkatinginan naman kaming dalawa at sabay nag kibitbalikat. Minsan talaga ang hirap alamin ng ugali ng lalaking to. Nang makarating kami sa private room ay agad kaming naupo.

Nandoon na ang lahat si Queen na lang ang wala at si ate Tomo. Nandito din ang ibang Chosens na sa ngayon ay professors na at hindi ko alam kung bakit. Maya maya pa ay naramdaman ko na ang biglang pagkakaroon ng enerhiya sa harap namin.

Ako lang ba ang nakakaramdam? Tiningnan ko ang iba pero ang mga professor lang ang nakatingin kung saan ako nakatingin kanina at tinitigan ko ito, bago pa man lumabas sila Queen nag bow na ako at ang mga professors at ganun din ang iba.

12 Academy 3: The Next GenerationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon