∞Chapter Eighteen∞

3.6K 117 0
                                    

∞Meeting her∞  

Naglalakad kami ni Jana papunta sa canteen dahil sa nagugutom daw sya at wala daw syang paki kung nagstart na ang class ewan ko ba sa babaeng to pag gutom talaga walang paki sa mangyayari sa kanya basta makakain sya. Napatigil naman kami ng makarinig kami ng tawanan, nasa harap pa lang kami ng pinto ng canteen pero naririnig na namin ang tawanan nila yung para bang may pinaglalaruan sila. 

Nagkatinginan kami ni Jana na parang nagsasabing ano yun pero parehas naman kaming napakibit balikat kaya binuksan na lang ni Jana at sumunod naman ako sa kanya nung pumasok sya, nagsitinginan nga samin ang mga student at natahimik eh. Napatingin naman kami doon sa circle at may parang may nangyayaring hindi maganda hanggang sa nakita ko ang babae nakaupo at punong puno ng ketchap. Pupuntahan ko na sana ng pigilan ako ni Jana. 

"What is the meaning of this?" cold nyang sabi, like her sister. 

"Nagkakatuwaan lang naman kami Miss Jana" sabi ng isang babae na nasa center of circle actually apat sila isang nakaupo at tatlong nakatayo. 

"Did you know that bullying someone is forbidden?" kalmadong tanong naman ni Jana. 

"Pag gumamit lang naman ng power yun forbidden ah" sabi pa ng isang babae. 

"When Headmistress Chiaka said that Bullying someone if forbidden she doesn't mean for using power, she doesn't even classified it. It means either of two, with or without power is forbidden"

"Bakit ba napakagoody goody mo?" mataray na sabi ng isang babae. 

I sense fear in my surroundings and this girl, she's Veron ang makakalaban namin sa team tournament. Hindi ko nga lang alam kung bakit hindi ako natatakot sa kanya yung feeling na kayang kaya ko sya pero imposible naman. 

"I'm not using my goody side here I'm reminding you miss, if you continue this you and your team will be disqualified in team tournament." 

Nakipagtitigan yung leader I mean si Veron kay Jana at saka tumitig sakin at tinaasan ko naman sya ng kilay at napangisi naman sya na parang may naisip na kung ano but too bad alam ko na agad base sa pagkakita ko sa aura nya. 

"If may gagawin ka mang hindi maganda sa pagtulog namin huwag mo na ituloy dahil panigurado nakabantay sila Head Mistress" nakangiti kong sabi at kumunot naman ang noo nya at napalitan ng inis.

"Kahit kelan wala talaga kayong ginawang maganda Chosen" at umalis na sila. 

Lumapit naman ako doon sa babaeng kanina na punong puno ng ketchap at kinuha ko ang panyo ko saka pinunasan ang mukha nya nakita ko naman ang gulat sa mukha nya at naiyak sya. 

"Shh~ you need to be strong para hindi ka na nila ganyanin." bulong ko sa kanya at binigay ko sa kanya ang panyo ko at saka tumayo "Mauna na kami nagugutom na yung isa eh" at nag nod naman sya. 

Pagdating ko sa pwesto ni Jana ay nakita ko na syang kumakain kaya naman nag order muna ako saka ako umupo sa inuupuan nya at napatingin naman sya sakin.

"Bakit?" tanong nya sakin at kumunot naman ang noo ko. 

"Anong bakit?" tanong ko rin sa kanya pabalik at napairap na naman sya "Isa pang irap susundutin ko yang mata mo"

"Whatever"

"Anong bakit nga?" tanong ko ulit sa kanya. 

"Bakit mo gustong tulungan ang babaeng yun?" tanong nya naman sakin at ngumiti ako sa kanya. 

12 Academy 3: The Next GenerationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon