∞Chapter Nineteen∞

3.8K 138 3
                                    

∞Team Tournament∞

Nandito kami ngayon sa secret place nila Miko at nakatingin kami ngayon sa mga outfit na nandito sa harapan namin ngayon.

Nakakanganga sa ganda pero hindi pa rin mawala sa puso ko ang kaba, kaba kung saan hindi namin alam kung mananalo ba kami o hindi. Sabi sakin ni Gelo posible daw talaga na manalo kami as in 100 percent kung hindi daw kasali sila Veron, ang grupo kasi nila Veron dati ng wala pa si Veron ay laging nasa last kaya ngayon hindi na alam kung one hundred percent pa ba.

"Ang ganda kaya lang kinakabahan pa rin ako" sabi ni Naomi at saka umupo ng maayos

"Ngayon lang ako kinabahan" sabi naman ni Nexi

"Kinabahan?" tanong ko sa kanila.

"Oo sa loob ng ilang taon na kasali kami sa ganito wala na sa kanila na matalo man kami o manalo pero mas sanay sila ng nananalo kami at ngayon hindi ko alam pero feeling ko may mangyayari mamaya" sagot naman nya sakin.

"Gaya ng?" tanong ni Kenji.

"Masamang mangyayari parang matatalo ganun?" sagot naman ni Masha pero hindi naman sya sigurado.

Napatingin naman kami kay Jana dahil sa bigla syang tumayo at pumunta sa armor nya, gawa ni sir Vinle ang armor na meron kami pero walang nakakaalam, sabi nila matagal na daw binigay sa kanila ni Sir Vinle ang armor na meron sila at kahit kanino hindi nila sinasabi dahil baka daw isipin ng iba bias daw si Sir.

"Ano naman kung matalo tayo? Edi natalo. We should enjoy this tournament as much as we can" sabi naman ni Jana "Hindi natin alam ang misyon na pupuntahan natin malay mo last na to" sabi naman ni Jana at ngumiti ng mapait.

"Kahit kelan ang nega mo" at binatukan naman sya ni Miko.

"Aray ah kelan ka pa natuto mangbatok?"

"Ngayon lang dahil sa mga sinabi mo."

"Baliw ka na ba? Nagsasa-"

"Hindi pa kasi to ang last game natin makakasali pa tayo next year" sabi naman ni Miko at kinuha ang armor nya saka umalis.

"Lagot ka Jana ginalit mo si Miko" pananakot at pang aasar naman ni Nexi.

"Minsan lang magkaganon si Miko lagot ka" dagdag naman ni Naomi.

"Ako tigil tigilan nyo ako ah" naiinis na sabi ni Jana.

Hindi ko na lang sila pinansin at lumapit sa kulay puting armor na binigay sakin. Nakakatuwa dahil kakulay na kakulay ng buhok ko. Kinuha ko ang armor ko at halos mapanganga ako.

"Bakit Ly? Mabigat ba?" takang tanong ni Jana.

"HIndi. Nagulat lang ako expect ko kasi na mabigat" sabi ko at natawa naman sila "Anong nakakatawa?"

"Yung mukha mo kanina hahahaha" napailing na lang ako sa sinabi ni Masha at kinuha ko ang armor.

"Mauna na ako magbihis ha?" sabi ko naman at nag nod sila.

Pumunta ako sa CR sa loob ng room na to, magkahiwalay ang CR ng girls at boys dito sa private room ng Chosen nakakatuwa kasi sobrang linis nito. Nilapag ko ang armor ko sa maliit na table na nasa loob ng CR at saka ako nagsimula maghubad at sinuot ang armor saka ako tumingin sa salamin, astig.

Paglabas ko ng CR ay napanganga naman sila, bakit hindi ba sakin bagay?

"Bakit ganyan ang mukha nyo? Hindi ba bagay?" tanong ko sa kanila.

12 Academy 3: The Next GenerationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon