∞Chaptet twenty seven∞

3.2K 111 0
                                    

∞Azrael∞

Natungo lang ako at hindi tinitingnan kung ano ang mga nasa paligid, naluluha ako sa mga nangyari. Kung ako hindi nag breakdown sila Liza at Dian oo, hindi nila kinaya kaya tong si Gelo at Nathan ang nag aalalay.

Hindi na sumama si Queen ngayon bali kami na lang mga Angels, Royalties at mga Chosend ang nandito. Pupunta kami sa isang lungga kung saan nandodoon ang ibang mga Wonted at Nonentity Angels.

"Napakawalang puso" pabulong kong sabi at naiyukom ko na lang ang kamay ko pero agad din nawala.

Tiningnan ko kung sino ang humawak sa kamay ko at nakita kong si Jared, ngumiti sya sakin na parang nagsasabing magiging okay din ang lahat. Hindi ko na binawi ang kamay ko dahil napapakalma nya naman ako.

Pumukit ako at huminga ng malalim ng maramdaman kong may bagay na papalapit sa amin kaya naman agad kong itinaas ang staff ko at nagkaroon ng shield ang uluhan namin, at nagsilabasan ang mga arrow. Base sa mga aura ng masamahan ko nagulat sila.

"Sino kayo?" Sabi ng isang lalaking anghel, may itim na buhok, itim na mata, itim na pakpak at itim na aura. Walang nagsalita sa amin kaya naman nakita ko ang inis sa aura nya hindi nya rin makita ang mga itsura namin gawa ng hood ng cape namin "Kung hindi kayo magsasalita papatayin namin kayo"

"Kung kaya mo" dadag naman ni Ja.

"Umatras kayong dalawa si Dumah at Haziel na ang bahala sa kanya. Sya si Azrael" dinig kong sabi ni Miko kaya naman napaatras kami ni Jared.

Tiningnan ko ang dalawang anghel na nasa harap ko, si Dumah at si Haziel at saka ko tiningnan si Azrael, naaawa ako sa kanya, kinakikitaan ko ng paghihirap at pagsisisi ang mga mata nya kahit na blanko ito para sa iba.

"Padaanin nyo kami" walang emosyong sabi ni Haziel.

Bahagya namang nabato si Azrael dahil sa sinabi ni Haziel at alam kong nakilala nya ang boses nito.

"Hindi namin kayo sasaktan kung pararaanin nyo kami" dagdag pa ni Dumah.

I know the real Azrael isn't dead afterall lumalaban pa rin ang totoong Azrael inside his body, he still want to be with Dumah and Haziel his one and only family. But I guess the power of the royalties her is more powerful than his desire kaya ayan napasunod sya. Nakita ko kung paano mag form ng smirk sa bibig nya at nakakatakot.

"My beloved best friend and sisters, Dumah and Haziel. Nagbalik kayo sabi na nga ba at hindi nyo ako kayang iwan, halika kayo Duma and Haziel ililigtas ko kayo. Ibibigay ko kayo kay King Baal para hindi nya na kayo patayin at pakinabangan na lang"

"Anong akala mo sa amin Azrael susunod na lang sayo?"

"Wala naman kayong magagawa Dumah mahihina kayo. Umalis nga kayo sa loob ng dalawang buwan eh"

"Pero hindi nabaliwala ang pag alis namin" sabi naman ni Haziel.

Umatras si Haziel at si Dumah ang kaharap ngayon ni Azrael, nakangisi si Azrael siguro dahil sa alam nyang walang laban sa kanya ang dating Dumah. Inilabas ni Dumah ang kanyang glaive na kulay blue at parang nag uusok sa sobrang lamig.

Oo nga pala Ice ang kapangyarihan ni Dumah. Unang sumugod si Dumah at nakita ko ang gulat sa mukha ni Azrael, he doesn't know na ang weak nyang kaibigan ay malakas na. Mas malakas sa kanya. Agad din naman kaming sinugod ng mga army at nakipag laban din kami.

12 Academy 3: The Next GenerationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon