∞Chapter sixteen∞

3.5K 133 1
                                    

∞Sorry & examination∞

Nagrereview ako para sa exam namin bukas, oo exam bamin bukas at two weeks after nun team battle na at kahit malayo layo pa marami na ang kinakabahan at isa na ako doon. Pero sa ngayon hindi na muna yun ang kailangan kong gawin.

Sa paghahanap ng magandang place para magreview pero dito ako dinala ng paa ko, sa lavander field. At kung minamalas ka nga naman talaga oo nandito pa talaga ang isang to at sakto pa nagkatitigan kami dahil pagdilat nya agad nya akong nakita.

"Ah sorry hahanap na lang ako ng ibang place"

"Saan ka pupunta?"

"Kakasabi ko lang di ba?"

"Tinatanong kita ng maayos"

"Whatever"

"Dito ka"

Halos mapanganga ako sa ginawa nya. Seryoso kailangan ba talaga sapilitan? Ginamit ba naman kasi ang apoy nya para mapalapit ako sa kanya.

"Bakit kailangan mo pang lagyan ng apoy sa dadaanan ko?" Inis na sabi ko at mas lalo akong nainis ng ngumisi sya.

"Kasi alam kong hindi ka makikinig sakin kapag sinabi ko sayong mag stay ka sa dito sa tabi ko"

"Huh? Ano yun?"

"Wala"

Ayan na naman sya napaka bipolar talaga ng lalaking to di ko tuloy alam kung straight ba to o ano. Jusko ang hirap naman nya intindihin. Teka nga bakit ko ba sya iintindihin ako ba iniintindi nya?

"Hahanapin mo ba sya?" Napalingon naman ako sa kanya. "Hahanapin mo ba ang papa mo?"

Napayuko naman ako, ano nga ba? Hahanapin ko nga ba?

"Ewan. Siguro. Pero hindi ko naman alam kung nasaan sya o kung buhay ba talaga sya. I cant take a risk, sayang sa oras"

"So wala kang balak?" Tiningnan ko sya at ngumiti.

"Hindi naman sa wala akong balak hanapin sya. The right time will come, maybe this isn't the right time to find him. The time will come soon enough when Im ready I guess" sabi ko at tumingin sa lavander field.

My hair are now waving by warm I look at the lavender field. Its really look amazing, sunset. Wait. Sunset? Nanlaki ang mata ko at napatingin kay Jared.

"The time here isn't the same like what we used in the academy. Mas mabilis ang takbo ng oras dito. Mauna na ko... Sorry nga pala"

Tapos nasala na lang sya bigla. Iwan ba daw ako? Teka. Ano daw sorry? Marunong pala ako nun? Ewan. Napabuntong hininga na lang ako at tumingin sa lavender field.

"Hahanapin mo ba ang papa mo?"

Hahanapin ko ba? Hahanapin ba kita? Bakit mo kasi kami iniwan? Ni pangalan mo hindi mo man lang sinabi kay mommy, alam mo bang mahirap ang naging buhay namin? Alam mo bang nahihirapan ako dahil laging napapaaway si mommy dahil sakin?

12 Academy 3: The Next GenerationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon