Chapter 33: Outbound, Part 3

Start from the beginning
                                    

"Ah..okay. Sige, ipagdadasal namin na magiging maayos na kayo agad. Sana makatulong kami sa paraan na yun. Kawawa talaga kayo, kaya mag-ingat kayo, ah. Kami na bahala muna sa bangkay ng dalawa ninyong mga kaklase. Maiiwan muna kayo kina Kuya Paolo at Kuya Kurt niyo, aayusin ko lang ang bangkay nina..Gerica at Andrei niyo, kasama si Manong Patrick sa bus. Paolo, Kurt. Ayusin niyo, alam niyo naman nang delikado ang mga buhay nila ngayon. Bawal ang torpe sa grupo natin!"  sabi ni Kuya Murkrey, at binuhat ang bangkay ni Gerica mag-isa.

"Isusunod ko mamaya ang bangkay ng isa pa. Alis na muna kayo, hindi ko muna papasukin yung 11-Australia at iba pang mga section." dagdag ni Kuya Murkrey.

"Ay, kahit tulungan ko na lang po kayo diyan." pag-boluntaryo ni Sir Tobias na buhatin ang bangkay ni Andrei.

"Sige, salamat." pasasalamat ni Kuya Murkrey.

"Okay, you heard the man, hehe. Sunod lang kayo sa amin, at sisiguraduhin naming hindi na kayo mapapahamak. We will try our best." sabi naman ni Kuya Paolo sa amin.

Sumunod na kami sa kanya gamit ang pila namin kanina, except wala na sina Gerica at Andrei.

Magkahawak lang kami ni Axle, habang sumusunod sa kanila. Nararamdaman namin ang konting putik, na konti lang, kaya walang soultaker spirit sa kanila. Buti na lang, otherwise malulungkot ako sa pagkawala ng sapatos ko. Nawala na nga sina Gerica at Andrei, itong sapatos ko pa na ito ngayon?

Nakalabas na kami ng yungib na ito.

Sunod, sa pangalawang yungib lang kami. Nagkaroon lang kami ng konting paglakad papunta sa Yungib II.

"So, naririto na tayo sa pangalawang kweba. Ito naman ay ang Hospital Cave. Dito nila ipinapagamot ang mga nasaktan na mga Katipunero. Again, tulad nang sunabi ni Heaven, ingatan niyo yung mga bato sa mga pader, kasi yung iba diyan, tumigil na ang paglaki sa paghawak ng tao rito." pagpapakilala ni Kuya Paolo sa pangalawang yungib.

Pumasok na kami.

Nakita namin yung Hospital Cave. Mapapa-'WOW' ka talaga. Nakita ko, mukha namang hospital. Hehe. Naiimagine ko tuloy na ginagamot yung mga Katipunero sa isang lugar. At yun ang pinuntahan namin, pinag-istayan muna namin ng saglit. Umupo kami ni Axle sa isang bato na sakto lang sa amin.

"Noel, Chachi, may irerecite pa kayo. Ay huwag na pala. Ibang officers naman. Ah..ano ang dalawang susunod na mga posisyon pagkatapos ng Treasurer? At sinu-sino yun?" ani Kuya Kurt.

"Auditor at Athletic Leader po. Sina KJ Cabanilla at Chantellia Yukiko po. Sila po. Si KJ po yung isa po sa dalawang mga isip-batang patawa, yung mas matangkad sa dalawa, at si Chantellia naman po yung cute na babae sa dulo na kanina pa malungkot. Yumao po kasi ang pinsan niya noong Christmas Party, nabiktima na rin." tugon ni Axle rito.

"Hahaha, kanina ka pa talaga, Axle. Iba ka talaga ngayon, cowboy, ah." sabi ni KJ kay Axle at lumakad na papunta sa mga tour guide kasama si Chantellia. Lalo ko namang nilambing si Axle.

"Our condolences, cute girl. Masakit talaga mawalan ng malapit na malapit sa iyo. Anyways, may irerecite kayo. Panalangin ito para sa Hospital Cave at sa mga Katipunero, so make it solemn." sabi ni Kuya Paolo.

Ni-recite nina KJ at Chantellia ang panalangin. Aaminin kong na-bored ako sa naririnig ko, pero I just tried to maintain the solemnity, tumahimik na lang ako.

Nakaalis na kami sa yungib na ito. Sa huling yungib na kami.

"Ito naman, Imbakan Cave, kung saan nilalagay ng mga Katipunero ang mga medisina nila, yung mga gamit. Kumbaga, storage cave. Kaya nga magkakalapit yung tatlong kweba, eh, lalo na itong pangalawa't pangatlong mga yungib." pagpapakilala ni Kuya Kurt sa Yungib Three, ang Imbakan Cave.

Periodical Death Exam 2: HAUNTED Where stories live. Discover now