Chapter 17: Ouija Board

164 20 77
                                    

Chapter 17: Ouija Board

Anna Kirsten Layonisa's Point of View

Talaga naman.

Napipilitan lang ako sa Ouija Board na ito. Minungkahi ni Gavin ito noong nakaraang buwan nang pinag-uusapan namin si KJ. Pero..hesitant ako masyado sa loob ng isang buwan. Lagi nila ako pinipilit, ngunit ayaw ko talaga. Nagkaroon na kasi ako ng karanasan dito. Hinding hindi ko yun makakalimutan. Napakalala nito, kaya talagang apektadong apektado ako.

**FLASHBACK**

May 4, 2014

Habang kumakain kami ng hapunan nina mama at papa, may biglang naisip si papang gawin.

"Anak, anak! Anna! Pwede bang makahingi ng pabor sa iyo?" tanong ni papa.

"Ano po yun?" ang tugon ko rito, matapos kong ubusin ang meatball sa bibig.

"Gusto ko makausap ang kaluluwa ng Tito Severino mo. Gagamit tayo ng Ouija Board. Kaarawan niya na kasi ngayon. Kakamatay lang niya noong nakarang taon, di ba?"

"Sigurado ka ba..papa? Masyado itong delikado. Besides..hindi ko pa lubos na alam gamitin ang Ouija Board."

"Just spin the planchette, 'nak. Tapos call mo yung name ng spirit na gusto mong tawagin. Kailangan kita dahil sa third eye mo."

"Sige po.. Pagkakain."

Nang matapos kaming kumain, pumunta na kaming sala ni papa, habang si mama ay naghugas ng mga pinggan naming pinagkainan.

Kinuha ni papa ang Ouija Board.

Inikot ko ang planchette.

"CALLING THE SOUL OF JUN SEVERINO NARCISO LAYONISA. SHOW YOURSELF."

Naghintay kami. Wala pang lumalabas, kaya inikot ko muli ang planchette.

"CALLING THE SOUL OF JUN SEVERINO NARCISO LAYONISA. SHOW YOURSELF."

Nakita ko, isang puting katawan na parang gasolina lang. Nakilala ko naman agad..si Tito Severino. Lumabas na rin ang kaluluwa niya.

"Nandito na siya." ani ko.

"Kuya Severino, Kuya Severino! Pwede ka ba naming makausap? Maligayang kaarawan pala sa iyo!" maligayang sabi ni papa kay tito.

Kitang kita ko sa mukha ni Tito Severino. Mukhang bad spirit na siya!

Gumalaw ang planchette. Ito ang kaayusan ng mga tinuro niyang mga titik:

H A Y O P  K A  H U W A G  M O  N A  A K O N G  T A N O N G I N

P I N A B A Y A A N  N I Y O  L A N G  A K O  M A P A T A Y  N G  M G A  P U L I S

Nagtinginan kami ni papa.

"Naku po..masamang kaluluwa na talaga siya. Dali, end the session!" sabi ni papa.

"Quit session, quit session! QUITTING SESSION WITH JUN SEVERINO NARCISO LAYONISA!!!" sinubukan kong i-end session, pero walang nangyari. Lumala lang ang mga pangyayari.

Nakita ko ang galit sa mukha ni Tito Severino. Sinimulan na niya ang paglabas nito.  

Humangin bigla ng malakas. Maraming mga gamit ang nagsiliparan.

"Naku, naku! Paano na ito? Subukan mo pang i-quit session! Subukan mo pa!" utos sa akin ni papa.

"Sige po.."

Periodical Death Exam 2: HAUNTED Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu