Chapter 33: Outbound, Part 3

113 16 18
                                    

Chapter 33: Outbound, Part 3

Diana Alice "Dana" Grey's Point of View

Nagulat na lang kami at biglang nagtakbuhan paalis sina Aila at Raffy sa kaliwang direksyon, at si Andrei sa kanan.

"Hoy! Si Perez, bigla na lang tumakbo! Ano na gagawin natin?" tanong ni Sir Tobias, ang unang nakapansin sa biglang pagtakbo ni Andrei.

"Narinig ko yata, hahanapin daw muna niya si 'Gerica,' so bale dalawa sila ni Quebral na nawawala. Marapat lang na habulin natin, at baka kung ano pa ang mangyari sa kanila." sagot naman ni Sir Darius.

"Nakita ko rin, sina Pangilinan at Hancher, magkasamang tumakbo sa kaliwa. Ano masasabi mo, Ariane?" sabi naman ni Ma'am Angelica.

"Ang masasabi ko ay dapat tayo maghiwalay upang hanapin sila. Kami ni Angelica sa kaliwa, kayong dalawa sa kanan. Pwedeng sumama ang ilang mga estudyante kung gusto nila, basta huwag lahat." pagpapasya ni Ma'am Ariane.

"Ge! Tara na, Darius!" sabi ni Sir Tobias, at tumakbo na sila ni Sir Darius patungong kanan. Sina Ma'am Ariane at Ma'am Angelica naman ay sa kaliwa dumeretso.

"O, narinig niyo yung mga guro, ah? Pwedeng sumama ang iilan sa inyo para hanapin ang inyong mga kaklase. Kaming mga tour guide, rito lang." ani Kuya Murkrey.

"Guys, wait. Iba ito. Alam niyo ang mga posibleng pangyayari. They might be back. Sino gusto maiwan ditto?" sabi sa amin ni AJ.

"Kami ni Cane siguro." pagpapasya ni Chachi.

"Kami rin nina Jerome at baby Chant." dagdag ni KJ.

"At kami rin ni Heaven." dagdag din ni Samuel.

"Sige. Kayo bahala kung aling direksyon kayo pupunta, sa mga pupunta." sai ni AJ.

"Ax, where should we go?" tanong ko kay Axle habang nakahawak pa rin sa kanya sa isa kong kamay na walang flashlight.

"I say to the left. AJ, Yuri, Noel and 4A headed right. Sina V at Anna lang ang kumaliwa." sagot naman ni Axle.

"Ah..sige. Hihihihi." tugon ko na medyo pabebe.

Sinundan na naming sina V at Anna sa kaliwa. Magkahawak kami ni Axle ng kamay.

Nakarinig kami ng parang iyakan.

"Naku..I have a bad feeling about this." sabi ko.

"Ano yun, Dana?" tanong ni V.

"We'll see later." sagot ni Dana.

"Ako rin, eh. Tara!" ani Anna, at nanguna sa pagtakbo.

Sinundan namin siya at lalong lumakas ang pag-iyak na naririnig naming. Hanggang sa makita naming, isang bangkay ng isang babaeng matangkad at mahaba ang buhok. Makikita mo ang katawan niya na 'sexy' mula sa malayo. Nakita rin namin sina Raffy at Aila, naiiyak, Lalo na si Aila. Magkayakap na lang sila. Nakilala ko naman ang babae sa bangkay. Tinatahan naman sila nina Ma'am Ariane at Ma'am Angelica.

"OH MY GOSH..IS THAT......" agad kong reaksyon.

"GERICA." pagpapatuloy ni Axle, at napahawak sa sombrero niya ng makita ang dugong bangkay ni Gerica.

"Mukhang nasaksak siya.  Dalawang beses. Sa leeg, at sa dibdib. Nasundan nila tayo rito. Nagbaik na sila. Anna, may nakita ka ba kanina?" ani V.

"Wala..baka sadyang nagging abala lang ako sa imahinasyon ko noong oras na inutusan tayong gamitin ito at hindi naisip yun..siguro parang ninja yung kumuha kay Gerica bigla, hindi ko napansin." tugon ni Anna.

"So ibigsabihin lang niyan, si Andrei ay inatake na rin." sabi ni Ma'am Ariane.

"Tara. Buhatin na natin siya papunta roon." ani Ma'am Angelica.

Periodical Death Exam 2: HAUNTED Where stories live. Discover now