Chapter 33: Outbound, Part 3

Comincia dall'inizio
                                    

"Kami na lang po. Ax, cowboy, this job is by men's power to take. Kaya?" pag-boluntaryo ni V at pag-alok na rin niya kay Axle.

"O sige, I'm ready. Dana, alis muna ako sa tabi mo, ha. Bubuhatin lang namin ni V." sabi sa akin ni Axle.

"O, sige, hihihi." tugon ko.

Binuhat nina V at Axle ang bangkay ni Gerica. Kami ni Anna ay nasa likuran lang nila.

Nasa likod namin sina Raffy at Aila na malulungkot pa rin, at pinakalikod ang dalawang mga guro. Aaminin kong nalulungkot talaga ako sa nangyari at galit din. Sawang sawa na ako sa kalokohan ng Mauleon Brothers!!! Hanggang dito pa naman? Akala namin tapos na ang kalokohan nila sa naging pananampalataya namin, pero hindi pa pala. Nakahanap nga sila ng paraan. Nakakatakot na talaga.

Nakabalik kami roon sa lugar namin kanina. Nagkasabay ang balik namin sa balik ng kabila. Binubuhat nina Noel at 4A ang bangkay ni Andrei.

"Nasaksak si Andrei sa dibdib at sa leeg. Eh si Gerica?" sabi ni AJ, na nasa likuran ng dalawang nagbubuhat na sina Noel at 4A.

"Ganon na ganon din. Kaliwang dibdib?" sabi naman ni V.

"Oo." tugon ni AJ.

"Wait, guys." ani Samuel. Napatingin kaming lahat sa kanya.

"Sino ang naunang biktima bago yung Freeze at Yasmin? Sa mga survivors last year?" tanong ni Samuel.

"Ah. Leofan? Ay wait, huwag na natin yun isama. Na-comatose lang aiya nun, eh. Yung turn niya ay pagkatapos ni Dominic. So, si Cliff at Alaiza. Mas nauna si Alaiza, nabaril noong field trip din, tapos si Cliff, nahulog sa bundok." sagot naman ni Axle.

"O, edi, sakto pala. Silang dalawa ang pumatay kina Gerica at Andrei. Dahil mas nauna si Alaiza, si Cliff yung unang sumugod, siya ang kumuha kay Gerica, tapos si Alaiza na yung umatake kay Andrei nang dumeretso siyang kanan." sabi ni Samuel, sa matalino nanaman niyang teoriya.

"Teka lang. Di ba sina Cliff at Alaiza yung mga matatalino, parang kami ni Samuel? Bakit hindi kami yung pinatay since katapat niya kami?" pagtataka ni Heaven.

"Base kasi yan sa pagbunot, eh. Saka bakit parang gusto mo na ikaw na lang yung napatay? I mean tayo?" tugon ni Samuel.

"Ahihihi, hindi naman, bigla lang ako nagtaka kasi kadalasan, ganon parang yung nangyari sa Faye versus Dominic, silang dalawa na bookworm parehas. Sa bagay, si Gavin naman, hindi pinatay ni Izzyah na katapat niya sa pagiging class musician dahil nabunot siya agad. Sila ni Hade." ani Heaven.

"Teka, sandali. May napansin ba kayo? Halos by love teams yung mga pinapatay ngayong second semester? Maliban kina Zen at Myla." pagbahagi ni Samuel ng isa pa niyang napansin.

"Baka siguro kung pwede, sinasama na nila yung kapares na kapares nila." sabi naman ni Axle.

"Okay..so hindi talaga namin alam yung pinag-uusapan ninyo. Patayan, patayan, wala na siguro kaming masasabi pa. Pero sandali, kayo ba yung section na may nababalitaan na mga pinapatay na estudyante, na sa huli ay yung guro lang pala ang may pakana at di ba, kasama na roon yung sa Bundok Pico de Loro, yung Alaiza at Cliff na sinasabi niyo?" sabi at tanong ni Kuya Murkrey.

"Opo. Ngayon naman po, nagbalik sila, minumulto kami. Ang mga multo ng biktima ay ang pumapatay. Pero kahit anong gawin namin, naririyan pa rin po sila." sagot ni AJ.

"Ah..so sinu-sino sa inyo yung mga kasali na sa section na iyon last year?" tanong pa ni Kuya Kurt.

Nagtaas ng kamay sina AJ, Yuri, Noel, Chachi, KJ, Chantellia at Axle.

"Two, four, five, six, seven. Kayong pito lang?" reaksyon ni Kuya Paolo rito.

"Opo, pero dapat po walo, kasama na yung isa po, si Faithlyn Washington na ang kauna-unahang biktima ng mga multo ngayong Round 2. Kaming walo lang talaga ang nakaligtas last year sa patayan na ginagawa ng adviser namin. The rest po sa kanila, mga new students na po." tugon naman ni Yuri.

Periodical Death Exam 2: HAUNTED Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora