Chapter Two

57.1K 1K 20
                                    


CHAPTER TWO

Kita mismo ng mga mata ni Regine kung paanong bumulagta sa semento si Coby at kung anong hitsura nito habang may mga dugo sa gilid ng labi nito at mata. Hindi niya alam kung saan ba siya sisiksik hanggang sa naramdaman na niya ang pagdami ng mga tao sa paligid at ang pagsaklolo ng mga pulis na nakabantay sa lugar. Nakayakap lang ang mga braso niya sa sarili at alam niyang nanginginig siya. Kanina nang may lumapit na lalaki sa kanila ay agad siyang binitiwan ni Coby ay hinarap nito ang bagong dating pero ganoon na lamang ang takot niya ng magpambuno na sa harapan niya ang dalawa. Hindi niya alam kung paano aawatin ang mga ito kaya napasiksik na lamang siya sa isang sulok.

"Reg!" Humahagos na nilapitan siya ni Flor at mabilis siyang niyakap. "Nasaktan k aba? Sinaktan k aba niya?"

Napaiyak nalang siya ng gumanti siya ng yakap dito. Hindi na niya nakayang itago ang takot na nadama niya kanina. Akala niya ay wala na siyang kawala kay Coby kanina. "U-Uwi na tayo." Aniya habang iyak siya ng iyak.

Tumango tanago naman si Flor. "Oo uuwi na tayo. Sorry kung hindi kita napansin agad kanina."

Wala namang kasalanan ang kaibigan niya. Siya ang may kasalanan. Kung hindi sana siya umalis sa tabi nito ay hindi magkakaroon ng pagkakataon si Coby na atakihin siya.

Lumapit na ang nagngangalang Lucas para awatin ang kaibigan nito maging ang mga escort at bodyguard ng alkalde. Ito ang unang pagkakataong may nagtanggol sa kanya na estranghero. At ito rin ang unang pagkakataon na matitigan niya sa malapitan ang hitsura ng lalaki.

"Job stop!" awat ng kaibigan nito dito. Ang mga nakakuyom nitong kamao ay patuloy na tumatama sa magkabilang kamao ng lalaki.

Nang sa palagay nito ay hindi na kakayanin ni Coby na bumangon ay saka ito tumayo at pinagpag ang sarili. "Make sure that he will rot in jail. Make him pay." Pagkatapos niyon ay lumingon ito sa kanya.

Hindi niya alam kung paano iiwasa sa mga matang iyon. Mga matang tila nagagalit sa kanya.

"Hindi mob a ako kilala? Hayop ka magbabayad ka!" narinig niyang sigaw ni Coby.

Bumaling ang tagapagligtas niya dito. Saka tumaas ang isnag sulok ng labi nito. "Wala akong pakialam kung sino ka at ano ka sa lugar na ito. Nambastos ka ng babae at muntik mo pang pagsamantalahan. You deserve to be punished."

Dumura si Coby sa lupa na parang wala lang dito ang mga narinig nito. Nakakayanan pa rin nitong hmarap sa lahat sa kabila ng putok nitong labi, pasa sa mukha ang pikit na mga mata. "That woman you rescued is nothing but a dirty slut."

Tumulo ang luha ni Regine dahil s ainsultong sinabi nito para sa kanyang pagkababae. "H-Hindi totoo yan!"

Hinawakan siya ni Flor at tuluyan nang inilayo doon. "Mabuti nga sa Coby na 'yon. Edi nakatikim siya ngayon ng mga bagay sa kanya."

Hindi pa rin siya makapagsalita. Natatakot siya nab aka balikan siya ng lalaki at kapag nagkataon ay hindi lang ganoon ang mangyari sa kanya. Baka mas malala pa. naramdaman ni Flor ang pananahimik niya kaya inawakan siya nito sa balikat. "Wag mo nang isipin masyado iyon. Tama lang naman ang nangyari sa kanya."

"H-Hindi sa ganoon. Maimpluwensya ang pamilya niya. Paano kung balikan niya ako?" kinakabahang tanong niya.

Kung hindi sana nakialam ang lalaki kanina at hindi nito pinuruhan si Coby ay baka hindi titindi ang galit sa kanya ng lalaki.

"Alam mo dapat lang sa lalaking iyon ang nangyari sa kanya. Kasi kung ako pa 'yon hindi lang bugbog ang aabutin niya sakin." Halata niya sa boses ni Flo rang matinding iritasyon. Naisip niya sa isnag banda ay baka may kasalanan din siya dahil kung hindi siya lumayo kay Flor at iniwan ito ay baka hindi nagkaroon ng pagkakataon si Coby na atakihin siya at pagbalakan ng masama.

GENTLEMAN SERIES 3: Job MedinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon