"Tulad ng sabi ni CrisMar. kanina,maari ngang nilason si Jessa,at yung iba pang mga estudyante" pahayag ni Kirsten

"Paano naman sila nalason?" takang tanong ni Bianca

"Sa kinain nila sa canteen" seryosong tugon ni Yzel

"Pero paanong malalason si Jessa,eh diba nga inutos ni Yzel na wala munang kakain" pahayag ni Archel

"Hindi!Hindi sinunod ni Jessa ang utos ni Yzel" malungkot na sabi ni Melody

"What do you mean??" - Ianna

"Kumain kasi siya ng cheesestick na ginawa namin kanina" pahayag ni Melody

"Yun lang ba talaga ang kinain niya?" Pag-uusisang tanong ni Yzel rito

"Oo" tipid nitong sagot

"Kung kayo ang gumawa nun,pano yun nagkalason??" - Kirsten

"Hindi ko alam" - Melody

"Dahil maaring ikaw lang din mismo ang naglagay nung lason" wika ni Rhane

"Hindi ko yun magagawa sa kanya!!" tumutulo na naman ang mga luha ni Melody,agad naman itong nilapitan nina Kath para patahanin

"Guilty ka?" wika ulit ni Rhane

"Imposibleng gawin yun ni Melody!alam nating lahat na bestfriends sila,kaya imposible yang sinasabi mo" pahayag ni Kath

"Pero sa killer ang lahat ng imposible kaya niyang gawing posible" maikli ngunit malalim na wika ni Rhane,nag lakad na siya paalis at iniwan ang kanyang mga kaklase.

"Baka ikaw ang killer?!" habol ni Kath sa kanya

Hindi nito pinansin ang dalaga at nagpatuloy sa paglalakad

Ng makarating na sila sa room,sakto naman at dumating na narin ang teacher nila

Tahimik ang lahat

Pero bakas sa kanilang mga mukha ang pangamba na baka sila na ang isunod ng killer

Wala parin ni isa ang may alam kung sino ang killer..

Kaya ganun nalang ang kanilang kaba.

Nang matapos na ang kanilang isang araw na klase,nagsibalikan na ito sa kanilang kanya-kanyang dormitoryo

Gabi na noon at napagpasyahan ng magkakaklase na maagang maghapunan,kaya tinungo na nila agad ang kusina para mag handa

Ang grupo nila Yzel ang naka tuka para magluto sa gabi na iyon

Simpleng hapunan lang ang kanilang inihanda,masarap ang kain ng lahat ng biglang mabilaukan si Kirsten

"Bluh!asgjl!penging blugjasdf tubig" sigaw ni Kirsten na nakahawak sa kanyang dibdib

"Rhane ikuha mo ng tubig si Kirsten,bilis!" Malapit lang kasi itong si Rhane sa may ref kaya ito ang napagutosan ni Ianna

Agad namang tumayo si Rhane,bubuksan na sana niya ang ref pero napakatigas nito

Binuksan niya ulit ito,pero ayaw

Nagpatulong siya kay Junrex na katabi niya lang sa upuan sa hapag

"Sus!pare,ang bakla mo naman!" wika ni Junrex sabay pakita ng muscles niya

"Bilisan niyo na nga jan!kitang may nabibilaukan eh!" sigaw ni Ianna sa dalawa

Pinagtulungan ng dalawa na buksan ang ref pero ayaw parin nitong bumukas,tumulong na ang ibang kalalakihan

"Pagbilang ko ng tatlo,hihilain niyo kuha?" Utos ni Lawrwnce

"Sige ito na!isa..dalawa..tatlo!"

Sabay sabay silang lahat

Pagkabukas nito ay biglang bumulaga sa kanila ang isang naglyeyelong bangkay,bigla itong nahulog sa sahig at gumulong malapit kay Rhane

Nagimbal ang lahat sa kanilang nakita,alam nilang isa iyon sa kanilang kaklase

Hindi nila gaanong makilala ang mukha nito dahil nagyeyelo na ito,wala ding ni isang may balak na hawakan ito

"Sino ang nawawala?!" sigaw ni Yzel

"Si Nana" matipid na sabi ni David at lumapit ito sa bangkay

"Sigurado akong si Nana ito" biglang umiyak si David,kinuha nito ang bangkay ni Nana at ipinatong sa kanyang hita saka humagulgol sa pag-iyak di niya alintana ang lamig nito

Alam ng lahat ang relasyon nina David at Nana kaya,malungkot sila para sa dalawa

Dahil sa nangyari itinigil na ng iba ang pagkain at tumungo na sa kanilang mga kwarto at yung iba naman nag paiwan para ligpitin ang mga pinagkainan nila.


To be continued...

DEATH SCHOOL (Under Construction)Where stories live. Discover now