"Mga brad, ano na plano natin ngayon?" Tanong ni Archel sa'min.

Kakatapos lang kasi naming ayusin ang mga gamit at ngayon hindi namin alam kung ano susunod naming gagawin.

"Punta tayong kusina, baka naghahanda na ang mga girls do'n, tulungan natin!" Wika ni Lawrence.

"Para maka points ka?" Singit naman ni Junrex.

"Pwede ba? Tumahimik ka na nga lang jan!" Sabi ni Lawrence.

"Asus!" Singit ni Archel

"Tama na yan! Sige na, punta na tayo sa kusina." Wika ko at lumabas na ng kwarto.

Sumunod naman silang tatlo sakin,

Habang naglalakad kami..

Bigla 'kong naramdam na may yumakap sakin mula sa likod.

"Huhuhu." Isang babaeng umiiyak, kilala ko kung kaninong boses' yon, pero hindi ko siya nilingon.

"Kath? Anong problema?" Tanong ni Junrex.

"Si Aki.. patay na siya huhu."

"Ano?! Sino? Paano?" Sunod-sunod na tanong ni Archel.

"Hindi *sniff* ko alam."

Mas hinigpitan pa niya ang pagyakap sa'kin.

"Hindi mo naman kailangan yakapin pa ako." Inalis ko ang mga braso niya sa pagkakayakap sakin.

"Rhane?" Sabi ni Lawrence.

"Ayoko nang niyayakap ako, tss."

"Hindi ka ba apektado?" Usisa ni Lawrence.

"Girlfriend mo yun! Siraulo." Sabi ni Archel sa'kin.

Alam kung galit siya, mahal niya kasi yung Aki na yun

"Hindi!" Diretso kong sagot sa kanya.

"Tarantado ka pala eh!" Akmang susuntukin niya na ako pero agad itong pinigilan nila Junrex.

Inayos ko muna ang aking buhok bago magsalita.

"Wala ka kasing alam, kaya tumahimik ka nalang!"

Una na akong umalis at tinungo ang Room nila Melody.

Na bwiset ako bigla, wala naman siyang alam.

Yung Aki na yun, walang kami at lalong wala akong gusto sa kanya.

Ang akala ng lahat mag-on kami, hindi naman talaga. Kaming dalawa ni Aki ang Mr. & Ms. HVHU, madalas kaming magkasama kaya akala ng lahat e dating kami nung panahon na 'yon. Hanggang sa kumalat ang balitang kami na, kinausap ko si Aki about do'n kasi gusto ko sana sabihin sa lahat ang totoo na hindi talaga kami. Pero ayaw ni Aki, sabi niya baka raw masira ang pangalan niya sa HVHU, pero alam ko namang may gusto siya sa'kin. Binantaan pa niya ako na magpapakamatay siya kung sasabihin ko ang totoo. Walang may alam, tanging kami lang dalawa.

Yung si Kath, ex ko siya.
Loyal ako ron pero puta lang lumandi sa iba kaya ayoko na sa kanya.

Pagkapsok ko sa kwarto halos nandun na lahat, ilang minuto lang ang lumipas dumating na ang lahat, yung iba nasa labas lang ng kwarto.

Tahimik lang ang lahat sa loob.

"Ano nang gagawin natin?" Pagbabasag ni Kirsten sa katahimikan.

"I-report na natin." Wika ni James.

"Eh kung itago nalang natin?" Singit naman ni Bianca.

"Saan naman aber?" Binara ni Lawrence ang suggestion ni Bianca dahilan para mapa-ismid ito.

"I-rereport natin 'to, kung itatago natin ang bangkay ni Aki mabubulok lang ito." Suhestiyon ni Yzel na kanina pa mukhang seryoso.

"Ikaw Rhane, wala ka bang sasabihin?" Tanong sakin ni ChrisMar.

"Wala." Tipid kong sagot.

"Walang kwentang boyfriend!" Mahinang sambit ni Archel pero rinig na rinig ng dalawa kong tenga.

"Uulitin ko pare, wala kang alam. Kalalaki mong tao napaka pakialamero mo, kung umasta ka parang alam mo na ang lahat!" Bulyaw ko rito.

"Rhanedhale shut up!" Tiningnan naman ako ng masama ng kapatid kong si Ianna.

"DI KO SIYA GUSTO! WALANG KAMI!BWISET. OKAY NGAYON, ALAM NIYO NA!"

Hindi ko na nakaya ang aking emosyon at tuluyan ng nilisan ang kwarto.

Tinungo ko ang malaking garden sa likod ng building ng dormitory ng Gr.10 para magpahangin.

Hindi ko agad napansin na may tumabi pala sakin.

"Rhanedhale?"

To be continued...

DEATH SCHOOL (Under Construction)Where stories live. Discover now