"Ang sama mo talaga sakin! Walangya ka.” May pag pout pa siya.

"Ganun talaga ang buhay, parang life." Lumapit ako sa kanya saka siya binatukan.

Akmang babatukin niya rin ako ng biglang —

"Oop! No no, bad yan!" Nginitian ko siya ng parang baliw

**

[JESSA's POV]

"Gutom na ako, pwede ba? Bilisan niyo na nga dyan!" Pagmamaktol ni Kath.

Ang bagal kasing kumilos neto nila Aki at Melody, pupunta lang kaming kusina eh mag re-retouch pa? Sa totoo lang gutom na rin kasi ako. Hehe, kain muna tayo cheese stick mga kapatid!

"Oh ito cheese stick." Inabot ko naman sa kanya ang isang cheese stick na ginawa ng mama ko.

"Cheese stick na naman?!" Patay, gutom na nga talaga si Kath.

"Ay taray, choosy mo ha! Okay sige kakainin ko nalang 'to." Bulalas ko.

"Okay, tapos na kami. Let's go!" Tumakbo na agad si Melody papuntang kusina.

Sinundan naman agad namin siya.

Kusina.

"Ipagluto nalang natin sila para sa lunch!" Boluntaryong wika ko.

"Sige ba! Assistant chef mo kami!" ani ni Melody na kumikinang pa ang mga mata.

"Ah guys, nakalimutan ko phone ko sa kwarto e, kunin ko muna ha?" Pagpapaalam ni Aki na nasa may pintuan na.

"Okay, sabihin mo na rin sa mga kaklase natin na magluluto na kami rito at mag ready na kamo sila para sa lunch." Utos ni Kath dito.

"Aba't- president niyo 'ko. Hindi P.I.O okay?" Pabiro niyang taray.

"Sige na go! Wag nang maarte oki?" Tinarayan ko rin siya pabiro habang naka cross arms pa.

Tumango nalang siya at nilisan na ang kusina.

"Okay, anong lulutuin natin?" Tanong ko sa dalawang naiwan.

After 1 hour.

Natapos na namin. Mag-luto at mag-arrange ng lamesa.

Tinigan ko ang aking relo

"Ang tagal naman ata ni Aki?" Tanong ko sa kanila.

"You know baka nag make-up? Facebook? Instagram and tmTwitter?" Sabi ni Melody habang pinaglalaruan ang kanyang mga kuko sa kamay.

"Kath! Paki puntahan nga si Aki sa kwarto, baka nandun 'yon." utos ko sa kanya.

"Eh gutom na ako eh!"

"Tatawagin mo lang naman e, duh." Pataray kong sabi rito.

"Si Melody nalang kasi!" Binaling niya naman ang tingin niya kay Melody na todo pa rin ang paglalaro sa kanyang kuko.

"OMG? Please don't bother me, 'kay?" Pagtataray nito kay Kath.

"I guess, I have no choice" Napabuntong hininga nalang si Kath.

KATHERINE's POV.

"I guess, I have no choice"

Lumabas na ako ng kusina at pinuntahan ang kwarto namin

Kung sino pa yung pinaka gutom yun pa ang inutusan, badtrip!

Room#4

Binuksan ko ang pinto, at ayun ang walangya! Natutulog lang pala.

"Aki, shuta naman! Tirik na tirik yung araw oh? Inutusan ka kanina 'di mo sinunod, tas ngayon natutulog ka pa? Aba gumising ka!!!" Bulyaw ko sa kanya.

Pero hindi pa rin ito nagigising.

"Hoy Aki, ano ba!!!" Sigaw ko ulit dito.

Di ko na natiis at lumapit na ako sa kaniya, double deck kasi yung higaan namin at nasa baba siya.

Nakaharap siya sa dingding at nakakumot.

"Aki ano ba, gutom na ako eh." Inalog alog ko siya ng inalog ng inalog ng inalog ng inalog —

Pero hindi parin siya gumigising, kaya iniharap ko siya sa akin at —







WHAT THE HECK?





Napa-upo ako sa sahig at napatakip sa aking bibig.

Unti-unti akong lumapit ulit sa kanya.

"Aki! Gumising ka!!"

Inaalog alog ko pa rin siya hanggang sa mawalan na ng lakas ang dalawa kong kamay.

"Sinong gumawa nito sayo? Dios mió!" Halos ma luha luha na ako.

May tama siya ng bala sa noo niya, sa mismong gitna. Sunog din ang kanyang pilik mata at kilay.

Kinilabutan ako sa nakita ko!

Tumakbo ako palabas ng kwarto namin para sabihin sa lahat ang nangyari. Sakto at naglalakad sina Yzel at Ianna papuntang kusina kaya sa kanila agad ako nakahingi ng tulong.


"Yzel! Ianna! si Aki!"

To be continued...

DEATH SCHOOL (Under Construction)Where stories live. Discover now