∞Chapter twenty five∞

Start from the beginning
                                    

"Naramdaman mo?" tanong ng katabi ko which is si Jared. Nag nod naman ako at di na sya nagsalita pa.

"Sorry were late. Ngayon umpisahan na muna natin. Pagdating natin sa Angels World gusto kong tumulong muna tayo sa pagligtas ng iba pang Nonentity Angels at Winted Angels pangalawa ay maghahanap tayo ng mga kakampi pa natin at ang huli ang pagsugod, mag iingat kayo sa Angel of Death na nagngangalang Azrael, he's curropted"

Pagkasabi ng Reyna nun ay agad syang tumingin sa gawi nila Dumah at Haziel kaya naman pati kami napatingin sa kanilang dalawa, nakita ko namang nakayuko lang sila at nakayukom ang mga kamay.

"Hindi ko gustong labanan ninyo sila Dumah at Haziel pero kayo lang ang may kakayahan para patayin sya" may halong lungkot at babala na sabi ng Reyna kaya naman agad napatingin ang dalawa.

"P-po?" di makapaniwalang sabi ni Dumah.

"Patayin po talaga? Mahal na Reyna di po namin kaya! Kapatid na ang turing namin sa kanya"

"Im sorry Haziel and Dumah pero wala akong magagawa para pigilan ang mangyayari sa inyo. Kung kayo inaalala sya, sya hindi nya kayo inaaalala. He's not the Azrael you used to know. Pinatay na ni King Baal ang dating Azrael"

"H-huh?" sabat naman ni Hasmel.

"May isang susi na hindi maaaring hawakan ng kahit na sinong anghel maliban na lang sa may busilak na kalooban. Kung mahawakan ito ng maling tao magkakaroon ng problema at yun ang nangyayari ngayon sa mundo nyo"

"Pero Mahal na Reyna alaman lamang po iyon"

"Hindi Af, hindi iyon alamat. Nakatago ito sa pinakailalim at tagong bahagi ng kaharian ng Im Deus" sabi ng Reyna at tumingin kay Haziel "Alam mo ba ang papunta doon?" umiling naman si Haziel.

"Ang sabi ni ina sa akin hindi ko maaaring malaman kung nasaan iyon dahil hindi naman daw ako Reyna. Otomatiko kasing nalalaman ng Reyna at Hari kung nasaan ito" paliwanag naman ni Haziel at satisfied na tumangk ang Reyna.

"Kung ganoon nga ay nasa kamay na nila ito kaya napasunod nila si Azrael na inyong mga kaibigan" sabi nya pa at tumayo ng tuwid saka tumingin sa aming Chosens ar Royalties. "You cant go there with that. I mean malalaman agad nila na galing kayong Forbidden World and also your body will be in pain kapag pumunta kayo ng hindi kayo anghel"

"Paano naman po kami magiging anghel?" tanong naman ni Dian.

"Kami na ang bahala doon" sabi ni Miss Rika at tumayo sa kinauupuan nya.

"Sumunod kayo sa amin." yaya naman sa amin ni Miss Jaja kaya naman tumayo kami.

Hindi kami lumabas ng private room dahil gumawa si Miss Maya ng isang portal at pagpasok namin wala kaming nakita kundi itim na paligid. Agad namang pumasok sa isip ko ang nangyayari sa panaginip ko magpapanic na sana ako ng makita kong hindi ako naggoglow bagkus may mga ilaw sa kinatatayuan namin.

Hindi naman kami naglakad para mag form ng bilog pero nakabilog kami ngayon, ang mga angels naman nasa kabilang dulo kasama si ate Tomo at ang tatlong protektor ng Reyna. Nasa inner circle kami samantalamg sila Miss Jaja ay nasa outer circle.

Ipinikit nila ang mga mata nila at nagkaroon ng circle spell sa paanan namin, noong una isa lang ang circle spell sakop kaming mga nasa inner circle pero naghiwa hiwalay ang mga yun at nagkaroon kami ng kanya kanyang circle spell.

Parang inaakay ako ng circle spell na pumikit kaya naman pumikit ako, I cant see until light came in front of me. I grab it and I can feel that my power is more wild than usual, nahihirapan akong kontrolin pero hindi naman ako pwedeng magpakontrol.

I can feel that the light are in my body, nababalot ng puting liwanag ang katawan ko alam ko yun. Hanggang sa mag iba ang pakiramdam ko, feeling ko may lumalabas sa likod ko.

Unti unting naramdaman ko ang lupa at ng imulat ko ang mata ko halos manlaki ang mga mata ko dahil sa suot ko.

"Waaaah bakit ganito suot ko" mangiyak ngiyak kong sabi at tumingin sa dibdib ko "Waaah so revealing" dagdag ko pa.

Agad din naman akong napatingin sa girls at nakita kong medyo ilang din sila sa suot nila.

"Pasensya na kayo yan kasi talaga ang mga suutan sa Angels World" sabi ni Naya'il.

"Ito oh" sabi ni Jared at inabutan kami ng cape.

Ngumiti ako sa kanya at nag thank you hindi ko alam kung bakit pero napatigil sya. Anong meron? Pinagsawalang bahala ko na lang ang reaksyon nya, ang cute nya kasi.

Oo na inaamin ko na, crush ko na sya no I mean, mahal ko na ata. Ewan ko ba sa puso ko kung bakit sa isang masungit na aroganteng prinsipe ako na in love pwede naman kay Miko ay wag na lang pala baka mamaya masabunutan pa ako ni Jana, kay Kenji na lang kaya? Kaso may gusto ata to kay Masha eh, si Gelo? Naah hindi din naman pwede dahil sa kay Risa na to.

"Kung ano ano pinag iisip mo" sabi ni Miko at napatingin ako sa kanya.

"Nabasa mo?" Nag nod naman sya.. "AIST NAKAKAHIYA!"

"HOY WAG KA SUMIGAW NANDITO PA ANG REYNA"

"PAPANSIN KA JARED? BAKIT BA LAGI KA NA LANG NAGPAPANSIN SAKIN?"

At ang loko natahimik, inirapan ko sya at natawa naman ang matatandang kasama namin kahit ang iba natawa din. Napapikit ako at pagdilat ko nasa Private room na ulit kami.

"Bakit mo ginawa yun?" Napakunot naman ang noo ko sa sinabi ni Miss Maya.

"Po? Ang alin po?"

"Wa-wala" sabi ni Miss Maya.

12 Academy 3: The Next GenerationWhere stories live. Discover now