Im Not The Only One

213 17 16
                                    

I'M NOT THE ONLY ONE~

Note: EDITED. (9/21/18)
-----------------------
HIS' POINT OF VIEW

Matagal na kami ng girlfriend ko. 2 years ang age gap namin. Nung una masaya, exciting ang relationship. Okay naman siya, masayahin, sobrang kulit, naaabnormal, pero maalagain, matalino at mabait. Understanding pa.

Oo, kuntento na ako sa kanya.

Pero..

Pero yun yung akala ko.
Nang grumaduate ako at hindi na kami parehas ng school, nagbago ang lahat.

Mas naging busy siya at ganun din ako.

Pero siya, humahanap pa rin ng oras para sakin. At ako naman ay unti-unting nauumay sa kanya.

Naging gago ako. Oo , gago talaga.

Isang araw, nagising na lang ako na wala na yung feelings ko sa kanya. Nagsawa ako.

Dahil dun, nanlamig ako sa kanya. Araw-araw, tinetext/chat niya ako ng sweet messages, kinakamusta, tinatanong from time to time kung kumain na ba 'ko, and so on. Pero ako, binabalewala 'ko. Puro cold at short replies lang.

Hinihintay 'ko na lang siyang makiramdam sa akin.

Nagpatuloy ang pagiging gago ko noon. Hanggang sa mas lumala, humanap ako ng kalandian. Wala e. Di ako nakuntento.

Naging tanga't gago ako, paasa at lahat na. Paasa dahil alam kong wala na akong nararamdaman sa kanya pero di ko sinasabi. In short, ginagawa ko siyang tanga.

Hanggang sa isang araw, tinamaan ako ng mataas na lagnat. Nasa bahay ako that time, talagang sobrang init ko tapos wala pang mag-aalaga sakin. Yung kalandian ko that time di ko matext kasi di talaga ako makatayo sa sobrang hilo para magawa pang kunin yung phone ko para magtext.

Habang nasa lagay ako ng ganon, nagulat ako nung biglang bumukas yung pinto ng kwarto at iniluwa nun si Irish.

Pawis na pawis siya. May dala siyang backpack na parang ang bigat bigat tapos pagpasok niya diretso siya sakin, nilapag niya yung backpack sa sahig tapos niyakap ako ng mahigpit.

Hanggang sa humikbi na siya. Sabi niya "Sorry, sorry, ngayon lang nakadating si Irish"

Pagkatapos nun, kinapa niya yung noo ko tas mas lalo siyang umiyak kasi na realize niya siguro na sobrang init ko. Binuksan niya yung backpack niya at nagulat ako na sobrang kalat.

Alam niyang ayaw ko sa burara kaya agad siyang tumingin sakin.

Sabi niya ulit, "Sorry nataranta kasi ako kaya tinambak ko na yung mga gamit sa bag."

Tapos ,  nilabas niya yung kung anu-anong laman non. May lamang lalagyan ng Milo, (favorite ko yun), supot ng soup ng sinigang at sopas, with tuyo kasi yun favorite ko.

Meron pang basin tapos towel, nagdala pa siya ng tubig tapos nilagay niya yun sa basin tapos nagpiga piga siya dun. Maya maya, pinunas niya na yun sakin habang umiiyak.

That time, siya nag-alaga sakin. Buong hapon niya akong binantayan at inalagaan. Nung medyo okay okay na ako, tumabi siya sakin sa kama at ginalaw-galaw yung buhok ko (favorite ko rin yun na ginagawa niya e).

Hinihintay ko kung anong gagawin niya sunod. Hanggang sa narinig ko siyang kumanta.

"You and me we made a vow , for better or for worst...~"

Napakalamig ng boses niya. Nakakaantok. Pinikit ko yung mga mata ko at pinakinggan siyang kumanta. Malapit na ko makatulog nun, kaso narinig kong nag crack yung boses niya nung chorus na.

I'm Not The Only One [One-shot]Where stories live. Discover now