Chapter 43: Dissolves

Start from the beginning
                                    

Akmang tatawagin ko na sana siya noong tumigil ito sa paghakbang ng mga paa at nagsalitang muli. "She's been waiting for you. Kanina pa ako naririndi sa kanya, actually." She laughed and looked at us again. "She kept on telling me that you'll going save her. But... how?" She smirked.

"Where is she?" galit na tanong ko sa kanya.

I heard her laughed again. "Look at me, Grayson. Ako at si Anastasia ay iisa. If you're looking for her then she's right in front of you!"

"You're not her!" sambit ni Blue na siyang ikinaarko ng isang kilay nito.

"Bakit? Sinong Anastasia ba ang hinahanap niyo? Iyong mabait? Iyon Anastasia na walang poot na nararamdaman? Think again! This is her. This is Anastasia Miller. Ito ang tunay na ako!"

I closed my eyes at took a deep breath again. "No." I gently said. "You're just a part of her. The dark part of herself." Iminulat ko ang mga mata at matamang tiningnan ito. She chuckled a bit and looked at me with her deadly stares. I sighed for the nth times and focused my full attention on her. I stepped forward but I stopped immediately when someone grabbed my arm.

"What are you doing?" mahinang tanong ni Blue sa akin.

"Saving her." I coldly answered.

Napatingin naman si Blue kay Anastasia at muling ibinalik sa akin ang atensyon niya. "That woman and Anastasia is one, Gray. If we fight her, Anastasia might get hurt," nag-aalalang sambit nito sa akin.

"Mas gugustuhin ko pang masaktan siya ngayon dahil sa sitwasyon kaysa naman mawala siya nang tuluyan sa akin," malamig na wika ko sabay bawi ng braso kong pinigilan niya kanina. If we can't defeat this Anastasia now, then the true Anastasia will be gone forever. And I won't allow that to happen!

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at nagpatuloy na sa paglalakad patungo sa kinatatayuan ni Anastasia. I summoned my wind attribute and created a wind sword. I mentally cursed when I immediately felt exhausted upon summoning my attribute. Damn this! Masyadong malakas ang dark magic sa lugar na ito! Mas mahihirapan kaming kalabanin siya sa lugar na ito dahil dito!

"So, nakapag-usap-usap na ba kayo?" I heard her asked. "And the decision was to fight against me? To finish me, huh?" Natigil ako sa pagkilos dahil sa tinuran nito. Ramdam mo ang lungkot sa bawat salitang binibitawan nito. "Kagaya lang kayo nila! Kagaya lang kayo ng mga walang kuwentang Malverine! Your only goal is to kill me! And you called yourselves as Anastasia's friend? Damn you all!" galit na wika nito sabay atake sa akin.

Mabilisan akong umiwas sa atake niya. Galit itong kumilos at muling umatake sa akin.

"Careful, Gray!" sigaw ni Myst sa kinatatayuan nito.

Agad kong sinangga ang wind sword ko sa atake ni Anastasia. Ngumisi ito at muling hinampas ang hawak na espada. Her sword... It's pure dark magic! Bahagya akong napatras dahil sa lakas ng atake niya.

"You can't kill me," mariing sambit niya. "I'll make sure you'll be dead before me."

Hindi ako nakagalaw dahil sa sinabi niya. I just stared at her eyes. Sa gilid ng mata ko ay napansin ko ang pagtaas ng isang kamay niya. Ready for her another attack. Pero bago pa niya nagawa ang nais niyang gawin ay napigilan na siya nang tatlo.

Water blades are now attacking her behind. Tumama ang isa sa mga atake ng Trio sa pisngi niya kaya naman ay mabilis itong lumayo sa akin at nagmura. "Shit!" bulalas nito sabay baling sa tatlo. She chanted something and just in a blink of an eye, may mga itim na enerhiya ang umatake sa tatlo.

Napamura muli ito at hinawakan ang sugat sa pisngi niya. And that's my cue. Nawala ang atensiyon nito sa akin kaya naman sinamantala ko na ang pagkakataong mayroon ako. I immediately place my hand on her stomach that made her froze for a moment. I mentally chanted the words and inserted my hand inside her body.

Kita ko ang gulat sa mga mata ni Anastasia. I even saw a tear escape from her. "What... are you doing?" Hindi makapaniwalang tanong nito sa akin.

Hindi ko inalis ang paningin sa kanya. "Saving her from you." I said at mas lalong binaon ang kamay ko sa tiyan niya.

"Y-you're killing... us both." She painfully said.

Umiling ako sa kanya. "No," mariin kong sambit. "You'll be gone, but Anastasia... she will live," saad ko at pinagpatuloy ang ginagawa sa kanya.

I'm dissolving every dark magic inside her body. I'm dissolving her dark magic using my special ability. This is my only way. Ito lang din ang nakitang paraan ng kapatid ko.

Walang kasiguraduhan pero sumugal ako.

For Anastasia's sake. I'll gamble this one. Masyadong delikado ngunit may tiwala ako sa kanya... She can overcome this. She can't lose against her own darkness. Cause the moment she loses; I'll be damned and will definitely punish myself for doing this to her!

Burst Into Flames [ Published Under Pop Fiction #CLOAK ]Where stories live. Discover now