Chapter twenty six : We love chuckie.

4K 123 3
                                    

Nandito kami nila yesh sa waiting area ng school. Hinihintay nila yung mga sundo nila.

"Bes. Nahanap na nila yung girl." Excited na pag uumpisa niya.

Di ako umimik dahil alam kong ako yun.

"Really? Anong nangyari? Did they kill her?" Tanong naman ni fianah.

"Hindi naman. Nag post pa nga si virus ng picture nung girl. Look."

Kinuha ni fianah yung phone at tiningnan. Halla? Pinic-ture nila ko?

"Ihhh! Likod lang yan yesh!"

"Wala. Yan nga lang. Pero yung uniform niya. Taga dito satin."

Kase ako yan. Gusto kong sabihin. Pero wag na. Baka patayin pa nila ko sa tanong.

"Mga bes. Hide me please. Anjan na si matthew. Dali. Im so dead."

Sumampa siya sa inuupuan namin at nag punta sa likuran namin ni yesh.

Papalapit na si math at vylan samin. Teka? Bakit ko na naman nararamdaman to?

Yung puso ko na naman tumatalon na ata? Waaah huhu (〒︿〒) what is really happening on me.

"Fianah. Wag ka na nga mag tago. Nakikita pa din kita." May konting paka irita sa tono ni math.

Agad namang tumayo si fianah at nag peace sign.

"Sorry na nga kasi. Yesh. Oy railey." Tinaasan ko ng kilay si fianah.

Ano't nadamay ako? Napatingin ako kay vylan na nag iwas agad ng tingin. Haha sus. Railey. Patawa ka? Lakas ng imahinasyon ah?

"Bakit? Ano bang sino-sorry mo kay matthew fianah?" Naka pamewang na si yesh.

"Nag set up kasi sila mom at tito ng date kagabi. Hindi ako nakapunta. Sobrang sakit kaya ng puson ko." Nakapout naman si math.

Kay cute talaga ni math.

"Edi nag text ka manlang sana. 4 hours kaya akong nag hintay." Sagot ni math.

"Pwedi ba? Ni hindi nga natin alam ang number ng isa't isa. Duh? Let's go na nga." Akmang aalis na si fianah ng sumigaw sigaw si yesh.

"Waaaah!! OMG! Omayyy! Hala! Kyaaaah." Tingin agad kami sa kaniya na nakatingin sakin.

"I-ikaw. Ikaw yung babae! Railey! Anong ginawa sayo? May masakit ba?" Kung ano anong tanong ang naitanong na ni yesh.

Yung mga kasama naman namin ayun OP na masyado.

Sakto ang dating ng pamilyar na kotse sa harapan ng waiting area.

"I'm fine. Got to go." Sumakay na ko sa kotse ni virus. Naiwan silang apat na nakatunganga.

"Mga kaibigan mo?" Tanong niya sakin habang nag da-drive.

Tumango ako. "Bakit para kang manang?" Napatingin ako sa kaniya.

Well wala naman akong paki kung anong sabihin niya sa itsura ko.

Nagkibit balikat ako. "Tsk. Ang boring mo pala kausap no? Nga pala. Ano gusto mong meryenda?"

"Kahit ano." Tipid na sagot ko.

"Aish. Mapapanisan ata ko ng laway sayong bata ka."

Dumaan lang kami sa may mina mart. Pumulot ako ng tatlong chuckie at piattos. Tapos yun. Deretsyo na kami kung saan.

Nagpark lang siya at yun. Sinundan ko lang kung saan siya magpunta.

Bahay daw to nila wiesher. Mukhang boring dito.

That Bully Loves Me (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon