Chapter thirteen : Reason

4.3K 133 2
                                    

Na punta kami sa condo. niya.

Naupo na ko sa sofa niya, pumasok siya sa kwarto at lumabas ng... ng walang damit pantaas!!!

Tinakpan ko agad ang aking precious eyes. Six pack abs ba yun? Meron siyang abs?

Nakarinig naman ako ng konteng tawa.

"Okay na." Naka ngiti niyang sabi saka umupo sa harap ko.

"So ano na?" Saad ko at tiningnan siya.

"Nakita mo yung abs ko no? Hahaha. First time?" Tinanggal ko yung black converse ko saka binato sa kaniya.

"Aww ahaha. Mukha kang kamatis. Halatang di pa nakaka-aawwww!!" Sagadin na natin kaya binato ko na pati yung natira kong sapatos.

"Haha oo, titigil na ko." Ilang minuto niyang inayos ang sarili niya saka humarap sa'kin.

"Bumalik si Daddy at si Valeen. Desperado si Daddy na ituloy ang balak niyang ipakasal ako o si Valeen sa anak ng bestfriend niya."

Tumango tango lang ako sa bawat kwento niya.

"Kami ni Valeen ang nag co-compete. Valeen is now a bitch because of that. She have many boyfriends. Pareho kaming ipit. Ayaw ni Valeen na makasal sa kung sinong lalaking gusto ni Daddy. And so do I."

Napaupo ako ng maayos at itinaas pa ang paa.

"Si Valeen ang tipo ng babaing gagawin ang lahat para makuha ang gusto. Parehong pareho kami. Kelangan ko nang babaing maipapakilala bilang girlfriend kagaya ng ginagawa ni Valeen. Para walang magagawa si Daddy tungkol sa gusto niyang kasal."

"Oh tapos? Bakit ako yung napili mo?"

"Ikaw lang naman yung kilala ko. Tsaka wala lang naman sayo yun diba?"

Tumango ako. Yeah whatever.

"Sa sabado ipapakilala namin ni Valeen sa buong angkan namin ang mga ipapakilala namin bilang... alam mo na. Birthday yun ni Papu. Birthday ng may-ari ng school. So sa sabado sasamahan mo ko sa mansion."

Sinabi niya bang... MAY-ARI NG SCHOOL?

Ibig sabihin? Wala na bang mas lalala pa dito? Ugh. Kelangan ko ng... CHUCKIE!!!

Wala sa sarili akong napatayo, i need it. I need chuckie.

"What?" Nakakunot na noo ni vylan. Tiningnan ko lang siya saka umupo ulit.

"Gutom ka? Nauuhaw? Naiihi? O baka natatae?" Mapang asar na tanong niya sakin.

Konti nalang sasamain ka na!!!

Naalala ko may isa pa kong pouch nun eh. Hinanap ko kung nasan yung bag ko.

Yung bag ko nakalimutan ko sa kotse niya.

Napabalik ako sa katinuan mula sa malalim na pag iisip ko dahil sa binato ni Vylan.

Saktong sakto kase sa mukha ko. "Baka sabihin mo ninakaw ko na kaya ka mukhang natatae." Sabi niya saka sinabayan ng tawa.

Hinayaan ko na siya saka hinalungkat ang bag ko.

"Hoy Ferrer. Wala kong kinuha jan."

Napangiti naman ako nung makita kong may isa pa kong stock sa bag ko. Nakakabaliw pakinggan lahat ng sinasabi niya.

"The heck. Kakainom mo lang kanina niyan. Baka mamatay ka sa diabetes."

Sus inggit ba o ano tong Vylan na to? Tinusok ko yung straw saka sumipsip na.

"Yung totoo Vylan ah? Ikaw yung may pakana ng dugo ek ek sa locker ko no?" Tanong ko.

Inayos niya yung nakakalat sa sahig kong sapatos at inilagay sa tabi.

"Hindi. Hindi ako. Kung ako yun di sana tumawa na ko nung makita ka palang." Tumango nalang ako at di na din siya nag salita.

"Tsaka ba't ako? Ako lang ba ang may gawa nun? Bobo neto." Inirapan ko lang siya.

Tumayo siya at nag punta kung saan man. Nilapag ko yung pinaglagyan ng chuckie ko sa may maliit na bilog na mesa.

At unti-unting sumasara ang mga mata ko. Wala ng hiya hiya, inaantok talaga ko.

♦♦Vylan's PoV♦♦

Iniwan ko si little ugly na mag-isa sa sala. Mag luluto nalang muna ko.

Hindi ko alam kung bakit dito kami napadpad ni little ugly. Ito ang pangalawang punta ng babaing to sa condo. ko.

Siya palang din ang unang babaing naka pasok dito.

I don't have any idea why did I let her enter my condo.

The fact that I'm the one who makes her life miserable everyday in that school.

At kahit na ganun ako sa kaniya.

That little ugly now is helping me with my family problem.

Ilang oras pa at nakahain na ko ng makakain.

Tatawagin ko na yung bubwit ng makakain na.

Ahh nga pala, napansin kong may pag ka violent talaga siya. Binato niya ko kanina diba?

Ang dami ko talagang hindi ini-expect na kaya niya palang magawa.

♦♦Raileys PoV♦♦

Naalimpungatan ako dahil sa pagtapik. Bumalikwas lang ako pero patuloy pa din sa pag tulog.

"Wake up."

"Hmm. Saturday." Mahina kong sabi sa kaligitnaan ng mahimbing kong pag tulog.

"Ahsgsb"

Hindi ko maintindihan dahil tulog na tulog pa ang diwa ko. "Ten minutes. Ma!"

"Hahahaha. I-Im not your mom. Haha. Gising na. Tulo laway tong bubwit na to."

Napaupo ako habang kinukusot ang mata. May naka takip na kumot sa kalahati ng katawan ko.

Nasa malambot na kama din ako at... amoy lalaki ang kwartong to.

I like that smell. Bibili ako ng gantong pabango.

"Heck! Stop doing that!" Sigaw ko sa lalaking naka lapit ang mukha sakin.

Hindi ko kase agad napansin yun dahil nga kagigising ko lang.

"Your ugly face. Oily, marks of saliva here and messy hair. Perfectly... Ugly."

Nginitian ko lang siya na parang maganda sa pandinig ang sinabi.

Umirap na lang siya at umayos ng tayo.

"Balak mo bang wag ng pumasok? Mag aala-una na kase at malamig na yung niluto ko."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Parang na-excite ako nung narinig ko ang sinabi niyang 'niluto'

Gash ang sarap ng luto niya. Tumayo ako at simpling pumunta na sa kusina niya.

Hindi ko na siya hinintay at kumain na, inirapan niya lang ako nung umupo siya sa tapat ko at kumain na din.

Pagkatapos nun nagpunta na kami sa school.

Tinanong ni Yesh kung anong sabi ni principal. Nag kibit-balikat lang ako.

Tahimik lang ako, katulad ni Vylan sa likod na tahimik at natutulog.

Wala talagang kwenta. Puro gulo at kapahamakan ang dala ng kumag sa'kin.

But I'm also thinking about what is the Boss's other side.

The half side of him.







------

That Bully Loves Me (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon