Chapter Eighteen : Finding

4.1K 127 4
                                    

Friday

Pag pasok ko wala pa si Railey. Late na nga ako wala pa siya?

Bakit ko ng ba iniisip yun? Absent na naman si Matthew. Palagi nalang.

Galing kasi kami sa rumble kagabi at tiyak pinagalitan yun ni Tita.

Nakapikit ako. Kanina pa ko tinatawag ng teacher pero hindi ko siya pinapansin.

Bahagya akong sumisilip pag may dumadating na teacher, pero lintek na babae yun?

Bakit wala pa siya? Sinabihan ko siyang itext ako kahit ayaw niya.

Asan na ba yung pangit na yun? Pag itong teacher na to lumabas, hahanapin ko na talaga siya.

Pag kalabas na pag kalabas nung teacher, tumayo ako.

"Yesh, nagtext pa si Railey sayo? Papasok pa ba yun? Asan siya?" Sunod sunod na tanong ko.

Nag kibit balikat lang siya. So I decided to go to her house.

Wala ng tao dito. Malamang si Tita Amy nasa work at yung ?Kuya niya...

Bobo Vylan, may Kuya siya! Dinial ko yung number niya.

[Hello?]

"Where's Railey, Kuya?"

[Nasa school. Kasabay ko siyang pumasok.]

Pumasok? Takte! Did he know everything I did to Railey? Ughh.

Binaba ko yung phone. Asan ka na ba?

Nagpunta ko sa clinic, wala naman siya. Sa school garden, wala din.

Tinatry ko siyang tawagan, pero lintek! Hindi siya sumasagot!

Patay ka sakin pag nahanap kita Railey.

1 message recieve

From: Valeen

Hey! I told you to watch her. I heard she's in trouble. Bye.

Para ulit akong binuhusan ng malamig na coke sa text ni Valeen.

Aaah! Pag may nangyari sa ugok at pangit na yun humanda kung sino ang may pakana!

Wala sila sa field. shoot! Asan ka ba!

Hindi ko alam kung san sa school na to ako papunta. Takbo ako ng takbo.

Napahilamos ako sa mukha ko. Pagod na kong mag hanap! Shakss nasan ba kasi yun?

Napatingin ako sa tatlong estudyanteng may mga pasa at mukhang nakipag bugbugan. Galing sila sa pinaka likod ng school.

Unti-unting kumakalabog ang puso ko. Natatakot ako at kinakabahan na.

Sana naman wala siya dito. Sana wala ka dito Railey.

Anak ng teteng! Nag init ang ulo ko dahil sa nakita ko.

Naka sandal siya sa puno. She had a bruise on her lips. And blood suddenly fell down from her fist. She also have a cut in her cheek.

Wala sa sarili ko siya niyakap. Gusto ko siyang murahin dahil sa pagod ko sa kakahanap sa kaniya. Gusto ko siyang saktan dahil nag aalala ako.

Tinulak niya ko ng marahan. "Im fine." Naglakad siya paalis.

Nag dilim lalo ang paningin ko ng makita ang tagiliran niya na may dugo.

Pigil hininga ko siyang tiningnan. How can she even walk like that.

Binuhat ko siya, buhat na pang kasal. Wala naman siyang reklamo.

Dinala ko siya sa ospital. Wala siyang bali sa buto pero may saksak siya sa tagiliran. Pero hindi ganun kalalim siguro mga 1 inch lang.

Ok na siya ngayon. Tinext ko si Tita Amy at yung kuya niya. Sinabi ko kung anong nangyari.

Nakahiga siya sa hospital bed at naka-upo lang ako sa gilid niya.

"Sinong may gawa sayo niyan?" Galit na tanong ko. Kanina ko pa gustong itanong pero kase, mas natatakot ako sa isasagot niya.

"Ewan. Tatlong lalaki lang." Walang gana niyang sagot.

Eto ang pinaka ayaw ko sa babaing to. Hindi ko makita minsan kung ano talagang reaction niya.

"Dinala nila ko sa likod. Pero kahit tatlo sila, natalo ko sila. Siguradong yung isa sakanila, hindi na mag kaka anak." She laugh bitterly.

Gusto kong mag tanong pero bakit hindi ko na kayang magsalita.

"Mag isa nalang siya, at hindi ko alam na may dala siyang kutsilyo. But I still beated him."

Hinawakan ko siya sa kamay. Humanda kayo sakin. Kung maaari papatayin ko kayo.

Ako mismo ang babali sa mga buto niyo.

"Anak! What happen? Are you alright?" Tumango si Railey. Lumabas na ko.

Bumalik ako sa school. Pumunta ako agad sa grade 12 building at tinawag si Valeen.

"Is she fine? Nahanap mo na ba siya?" Tanong niya. Saka siya ngumiti.

"Yes, I know that you are thinking that it was me. But Vylan! I can't even slap a girl!" Tama siya.

Pano niya magagwa yun? Kahit ganyan si Valeen, ayaw na ayaw niyang may masasaktan na babae.

"Fine. Then who is it?" Seryoso kong sabi.

"C'mon. I think your stalker. The psycho girl." Umalis ako pumunta sa 11-B.

Ang pangalawa sa matatalinong section ng grade 11.

Nakita ako agad ni Collin kaya lumabas siya ulit.

Nakangiti siyang bumungad sakin. "Sabi ko na nga eh. Mamim-ahh awww. Vylan! What!" Hinila ko ang collar niya saka siya sinandal sa pader.

"Wh-what are you doing? Nasasaktan ako Vylan!" Napabitaw ako sa kanya at napahilamos.

Inis na inis ako. Galit na galit ako sa babaing to! Gusto ko na nga siyang saktan.

"Look Collin. I can't love you or even like you. You're a psycho. I Hate you. And don't you ever hurt my girlfriend again or else Collin. Please! GET LOST!" Madiin kong sigaw sa kaniya.

Naiiyak na siya dahil sa sinabi ko. Hindi siya ganyan eh, hindi ko talaga akalain na lalaki siya ng ganyan.

Kababata ko siya pero, hindi ko maatim na nakaya niyang gawin yun sa girlfriend ko?

Fine! Alam ko namang hindi ko talaga siya girlfriend. Still, habang na sa'kin siya, gusto ko ako ang pro-protekta sa kaniya at ako lang laging mag babantay sa pangit na yun.

Umalis na ko sa harap niya. I can't bear to see her face.








------------

That Bully Loves Me (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon