Chapter Eleven : New Bully?

4.3K 138 1
                                    


Hinga Railey, relax. Calm down. Naglakad na ko pabalik sa room.

Kukunin ko sana yung libro ko kanina kaso pag bukas ko ng locker ko may bumulwak na kulay red.

I guest it's a blood. Blood of animal? Sakto sa Over sized T-shirt ko.

Friday kase kaya pweding mag sibilyan. At eto nga ang nangyari sa damit ko. Kulang nalang lamang loob puwedi ng dinuguan.

Nakatingin ang lahat sakin. Sino ba namang hindi mapapatingin kapag may nakita kang puno ng dugo ang damit na nag lalakad sa corridor.

Pag pasok ko nagulat silang lahat. As usual tatawa si Vy-

"What's that? Is that a blood? Who did that?" Naka kunot pa ang noo niya habang tuloy tuloy na sabi ni Vylan.

Napalunok tuloy ako. Tumakbo si Yesh sakin.

"Come. May sugat ka ba? Bakit ang daming dugo?" Nag aalala niyang tanong, hinawakan niya din yung kamay ko at akmang aalis.

"Galing sa locker ko to. Astig nga eh. Maang maangan effect awards goes to... Vylan." Pag bibiro ko.

"Hindi ko gawa yan." Saad niya. Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya.

"Ha-ha. Okay na ba yung dalawang tawa? Joke ka pa jan Vylan. Alam ko naman na ikaw lang to, okay lang sanay na ko."

Pag kasabi ko nun nagulat ako nung may humila sakin palabas. Teka? Ang bilis naman ni Vylan?

Oo si Vylan nga. Hawak na naman niya ko sa wrist at kinakaladkad.

"Bitaw." Kalmado kong sabi. Pero hindi siya nakinig, ugh bakit ko naman iisipin na susunod siya sakin?

Nahinto kami sa may tapat ng kotse. "Sakay." Sabi niya. Habang ako naka tayo pa din.

"I said get in!" Sigaw niya. Wala kong nagawa kundi ang sumunod. Pero sa backseat ako umupo.

"Bakit ka jan?" Nagtataka niyang tanong. Hindi ko siya pinansin. "Tsk."

Next thing I know is, I'm at his condo.
Malaki at maganda. Hindi ko nga alam kung bakit dito niya ko dinala.

Napatakip ako ng bibig... hindi kaya? Balak niya na kong patayin?

Nakaupo ako sa malambot na sofa ni Vylan, pero naisip kong baka madumihan ng dugo kaya tumayo ako.

Napa ilag ako ng maramdaman kong may ibabato siya.

"Maligo ka. Nakakadiri yang dugo." Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"Hindi mo ba narinig?" Bago pa niya ulitin nag punta na ko at naligo.

Nagugulahinan ako sa mga nangyayari. Nakapasok ako sa kotse niya, naka pasok ako sa condo niya at naka pasok ako sa cr niya.

What is really happening here? So maniniwala na ba talaga kong hindi siya ang may gawa nun sakin?

What do you think guys? Ano ba yan!.

Nasa sofa ako ngayon at nakasuot ako ng T-shirt at pajama ni Vylan.

Pina-laundry niya naman yung uniform ko. Oyy. Pinilit niya lang ako.

"So, may iba ka pa bang nakainitan sa school?" Biglang tanong ni Vylan pagka pasok niya.

Nagkibit balikat lang ako. Sa pag kaka alam ko kasi isang tao lang ang kayang gumawa ng mga ganun sakin. And it's him.

"Sigurado? Baka kase may inagaw kang lalaki? Tapos ginagantih-"

"Issue mo sakin?" Tanong ko habang nakatingin sa kaniya.

Malandi ba talaga yung pag kakakilala niya sakin? Ang kapal.

"Malay nga diba? Well. Basta wala kong alam diyan."

Tiningnan ko si Vylan, hindi ko ma gets ang eng-eng na to.

Tumayo siya at iniwan na naman ako.

Balak ko na sanang umalis. Nakakaboring dito.

"Hoy, gutom ka na? Tara." Masungit yet cool na sabi niya.

Sinundan ko lang siya, at nakarating kami sa mini kitchen niya. Shaks ang bango. Ang sarap.

Umupo na si Vylan so umupo na din ako. Bigla akong nagutom dahil sa bango ng pag kain.

"Tititigan mo lang ba? Eat." Ma-otoridad na sabi niya.

Inirapan ko lang siya saka kumain.



---
"What? It can't be! No!!! Okay." Papunta na kami uli sa school. Gamit uli namin yung magara niyang kotse.

Sino naman kaya yung kausap niya kanina? Parang sobrang tense na tense siya sa binalita sa kaniya eh.

Hinampas niya yung manebela at huminto.

"Baba!" Tiningnan ko siya. Ako? Teka? Para sa kaalaman niya, kalahati palang to papunta sa school.

"Bumaba ka! Bingi ka ba?" Sigaw niya. Bipolar ngang tunay -.-' .

Bumaba ako at sinara ng malakas ang pinto. Humarurot siya pagka babang pagka baba ko.

Pumara nalang ako ng jeep. Sobrang naiinis ako, pero wala naman akong magagawa diba? Kotse niya yun eh.

Pero at the same time, I want to punch his face and throw him at the trashbean.

May napadaan din naman agad na jeep at naihatid ako ng buo at ligtas sa school.

Mag aala-una na nga pala, kaya binilisan ko ng mag lakad.

Wala si Vylan sa room nagtaka din ako kasi wala din si Math.

Umupo na ko sa upuan at sumubsob sa mesa. Wala pang tao sa room namin.

Naisip ko nalang bigla yung nangyare sa locker room. Kung hindi si Vylan yun? Sino? Sino naman kaya yun?

May nagawan ba ko ng mali ng hindi ko alam? Alam kong maraming naiinis sakin, pero hindi naman siguro nila kayang gawin yun diba?







-----

That Bully Loves Me (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon