Chapter 27

1.1K 40 1
                                    


 

Dali-dali kong binuksan ang violet notebook hanggang...

"Jay, si Lei, si Lei, tumawag dito! Kinakamusta ka niya?!"

Si mommy, narinig ko ang boses ni mommy. Hindi na daw nagtatampo sa akin si Lei. Sana tama ang naririnig ko.

Agad kong kinuha ang telepono sa baba at kinausap si Lei.

"Oh, baby bro ko, bakit ka napatawag?"

"Kuya! Nami—"

"Oh bakit?!"

"Nami-miss kita! Tandaan mo kuya, I'll do this just for you! I want you to find the true happiness in your heart, sana maintindihan mo ako. Mahal na mahal kita!"

"Baby bro, don't say that! Your big bro really loves you more than anything! Teka kinausap mo ako ngayon, so it means we're now Ok?"

"......"

"Baby Bro?! Are you still in line?"

"Ku—... Ku—.. Kuya, mahal kita!!"

Yun ang last call niya sa akin pagkatapos. Bigla akong

naguluhan na naman sa sinabi sa akin ni Lei.

Pumanik ako sa itaas at binalikan ang violet notebook na kinuha ko kay Jan. Habang nakatingin sa notebook ay biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko. Bigla akong kinabahan, pero sa puntong yun, may kasamang excitement at bewilderment. Mukhang luma na at napaglipasan na ng panahon ang notebook. Nakita ko rin na nagpe-fade na yung kulay ng notebook siguro dahil sa mga patak na parang natuluan ng tubig. Agad kong hinawakan ang notebook. May nakita akong date sa harapan, from January-December, 1997. Mukhang annual diary ito.

Unti-unti kong binubuksan ang notebook, may dedication at nakalagay ang pangalan ko na parang sulat ng bata.

"Jacob, this is for you! I still do love you!"

Nang binaba ko ang tingin sa baba ng notebook ay may nakita akong ikinagulat ng buong pagkatao ko.

"- Patrick"

Si Patrick! Siya ang nagsulat nito. Napansin ko ang circular shape na patak ng tubig na natuyo sa mga pahina niya. Hindi na ako nagtumpik na buksan pa yun. Tinignan ko isa-isa ang page. Puro iisa lang ang message.

"Sorry Jacob!! I still do love you!! Sorry Jacob!! I still do love you!!

Sorry Jacob!! I still do love you!!"

Yun lang! Nakakaasar, pero napansin ko na iba-iba ang kulay ng ballpen every month. Merong kulay black, blue, red at violet. Luma na ang bawat page ng notebook at napansin ko na sa bawat page niya ay may nakikita akong faded na particles ng tubig na dahilan para mabura ang mga nakasulat sa notebook. Minsan marami, minsan konti.

Hanggang sa naalala ko ang mga pira-pirasong mga napulot ko nung una sa bahay ni Lei, pangalawa sa starbucks habang kumakain kami ni Jan at nitong huli, sa quantum habang kumakanta kami nung first day of school.

Kinuha kong lahat yun. Nang nakita ay tinignan ko ang mga date. Yung isa, August 15, yung isa naman, August 17 at ang panghuli, ay August 18. Agad kong hinanap sa notebook ang mga date na yun at laking gulat ko na nadiskubre ko. Punit at wala ang mga page nun! Kaagad kong dinugtong ang bawat isa sa notebook at talagang sumakto ito.

"Si Patrick!! Siya ang gumawa nito?!

Ang bewilderment ko ay mas lalong lumalim. Si Patrick na minahal ko ng buong buhay ko ang gumawa nito? Agad kong tinignan isa-isa ang mga page kung mayroon siyang sulat sa akin pero wala talaga, hanggang sa nakita ko ang date ng September. 14, 1997.

Ang Kwintas, Ang Snickers at Si Patrick (Boxyboy) (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora