Chapter 20

1.4K 41 2
                                    


"What?! Are you happy?! Are you happy now that you already scream your feelings in front of many people here?! Lei wag mong sarilinin ang problema! Don't be too narcissistic!! Your problem with Cheney is not yours, but it's MINE too!! You have no right to be frantic on that way!! Pinapahiya mo lang siya!!" sinabi ko pagkatapos kong sampa

lin siya ng napakalas.

Biglang napahinto siya sa pagwawala. Mukhang nakalma sa ginawa kong pagsampal ko sa kanya. Napansin ko na namula ang kaliwang pisngi nito dahil sa sampal na ginawa ko. Bigla siyang napayuko. Kinuha ang salamin niya sa mata, sabay hipo sa nasampal kong mukha. Inoobserbahan ko ang bawat galaw niya pagkatapos. Umupo siya pero nakayuko pa din. Pagkatapos ay tumingin siya sa akin na parang may gustong sabihin. Ang gwapo niyang mukha ang nagpaamo sa nagwawala kong galit sa kanya.

Habang tinititigan ko siya ay biglang naiipon sa mala-hazel brown na balintataw ang mga luha niya. Luha na eventually ay dumaloy sa maputi at mamula-mula niyang mga pisngi. Naawa ako. Agad akong pumunta sa harapan niya at sabay kinuha ko ang ulo nito at tinapat sa may parte ng tiyan ko.

"Kuya!! Dahil sa akin kaya nagiging ganyan si Cheney! Dapat hindi ko na lang siya niyayang sumama sa akin! Sana nasa bahay siya ngayon at nagpapahinga!!" sigaw ni Lei habang umiiyak sa may parte ng tiyan ko.

Naawa ako. Sa sobrang awa ko ay napaiyak ako. Tumulo ang luha sa mga mata ko. Isang indikasyon na ramdam ko ang hinagpis ng baby bro ko sa nangyari kay Cheney.

Kung tutuusin, kasalanan naming dalawa kaya sumama ang kundisyon ni Cheney eh! Ang tanging dasal ko lang ay gumaling ang isa sa mga minahal ko bukod kay Lei at sa pamilya ko.

Umiiyak pa din si Lei. Parang bata kung tutuusin. Bigla kong naalala ang snickers na binibigay ko sa kanya kapag nalulungkot ito, kaya naisipan kong iwan muna siya at bumili ng snickers sa me canteen ng hospital.

Pagkabalik ko ay kaagad kong kinamusta ang parents ni Cheney at si Lei. Bumili na din ako ng instant noodles na nasa cup para mahimasmasan ang kanilang loob tungkol kay Cheney. Tumabi ako kay Lei at ibinigay sa kanya ang noodles. Kinuha niya at sabay tinikman. Ngumiti siya sa akin sabay kuha sa kanyang salamin sa mata at pagkuwa'y sinuot niya ito. Hinimas ko ang likuran nito sabay tanong ng "Ok ka na?".

"Big bro, thank you ah!! Salamat dahil nawala yung sakit sa puso ko!!" sinabi ni Lei habang hinihimasmasan ko ang likod nito.

Agad na ibinigay ko ang snickers ng nakangiti sa kanya. Ang kanyang malungkot na mukha ay napalitan ng maayos at gwapo niyang kaanyuan. Kinuha niya ang snickers sabay hati sa dalawa. Ibinigay niya sa akin yung isa at agad naming pinagsaluhan iyon.

Iyon ang isa sa mga pinakamalungkot na nangyari sa buhay ko, sumunod sa pagkawala sa akin ni Patrick. Mahal na mahal ko si Cheney at kailangan kong maging matatag para sa kanya. Nandun pa din ang pag-asa ko na sana, gumaling siya at ipinapangakong kakalimutan si Patrick sa buhay ko kapalit lang ng buhay niya.

------------------

Apat na araw pagkatapos ng pagko-confine ni Cheney sa hospital. Nasa tabi niya ako. Medyo mahirap para sa akin na tignan ang kundisyon ni Cheney. Naka-swero siya at nagpapahinga sa loob ng isang private room sa loob ng hospital. Medyo malamig ang loob nito. Buti na lang at may TV sa itaas ng kwarto. Wala akong magawa nun kaya napagdesisyunan ko na maglibang. Nilabas ko ang mp3 sa bulsa at inilagay ang headset sa tenga ko. Sakto ang tugtog ng kanta sa saliw ni Beyoncè Knowles ka-collaborate si Jay-Z na asawa na niya ngayon na pinamagatang "Crazy in Love".

Napaindak ako. Iyon ang hit song ni Beyoncè pagkatapos buwagin ang Destiny's Child. First time ko lang napakinggan iyon, at kaka-download ko lang yun sa Limewire.com. dati.

Ang Kwintas, Ang Snickers at Si Patrick (Boxyboy) (Completed)Where stories live. Discover now