Chapter 12

1.6K 49 2
                                    


Busy ang school ngayong foundation day nito. Maraming extra-curricular activity na kailangan naming salihan. Andiyan yung essay writing, jingle-making contest, sabayang pagbigkas (required ang section namin na gumawa noon, pero hindi ako sumali.), making boutiques that showcasing different literature pieces, break-through inventions, and even biographies of martyrs and well-prominent people in history. Sumali si Lei sa jingle-making contest at nanalo ng first price dahil sa piece niya kaming dalawa nagcompose. Samantalang ako ay busing-busi sa pangangandidato dahil isa ako sa mga contestant ng Mr.&Ms. Lakanduleñans 2003. kapartner ko noon si Shaine. Yung patay na patay kay Lei. Noong nalaman niya na bestfriend ko yung crush nito ay kinaibigan niya ako at kinuha pati ang number ni Lei sa akin. Di hamak na mas maganda si Cheney sa kanya, kaso lang ay mas matangkad naman si Shaine compare to her. Laman na kasi siya ng mga beauty contest kaya siya ang napili para kumatawan sa buong 3rd year.

"Please vote for me!! Mark Jacob Inocencio for Mr. Lakanduleñan!!"

Alok ko sa bawat dumadaang estudyante sabay bigay ng flyers na nakasulat ang aking pangalan.

Busy din si Cheney. Siya ang organizer ko. Siya ang nag-aayos ng schedule ko pati ang susuotin ko sa pageant. Samantalang si Lei naman ay nangangampanya kasama ang mga barkada kong sina Joseph, Jayson at Nikol para sa akin. Ang saya ko, pero andun pa din ang pressure kasi ang gagaling sumagot ng mga kalaban ko sa interview with the master teachers ng ibat-ibang year level.

"Si kuya Jacob!! Bilis!!" sabi ng isang first year na estudyante na mukhang fan ko.

Para akong artista noon. Tinitilian, nagpapapicture, nagpapa-autograph, at may fans club din! Solid J fans club. Kasi nga naman, when it comes to looks, mukhang ako ang lamang, pero ewan ko lang sa talent.

Pagkatapos ng mahaba-habang pangangampanya, agad kong ti-next sina Lei, Nikol, Joseph, Jayson at Cheney para kumain sa canteen. Nagreply sila at hintayin ko daw muna sila dun, kaya nagpasya akong pumunta mag-isa.

Nang pumunta ako ay bigla akong nagulat na parang me nagnakaw ng halik sa pisngi ko. Akala ko si Lei, iyon pala ay si Cheney. Nasa likod niya si Lei na nakayuko.

"Looks like y'all pretty tired ah? Sige, all of you, please just seat there, my treat!!" alok ko sa kanila.

Umupo sila sa dating gawi, at nagtungo ako sa bilihan kasama si Nikol at Joseph habang nag-uusap sina Jayson, Lei at Cheney. Mukhang seryoso silang nag-uusap. Ewan ko ba, lagi na lang silang ganyan. Hay naku!!

While on a queue, nakita ko din si Shaine dahil sa katangkaran nito. 5'10" siya . Naka blouse siya na shoulder-cut at nakapants. Ang ganda niya. Kamukha niya si Miriam Quiambao noon. Agad niya akong pinansin sabay kaway sa akin at niyaya na pumunta sa kanya. Sumenyas ako sa kanya para hintayin ako at pinaubaya ang pila sa dalawa kong kasama.

"Jacob, ikaw talaga, wag kang lalayo sa akin, remember. We're on tandem!" sabi ni Shaine sa akin.

"Sige.. Sabi mo eh!!"

Andaming lumapit sa amin. Mga estudyante, kahit mga teacher. Nagpa-picture at nagpa-autograph. Para kami talagang instant celebrity.. Sabi ko sa sarili ko, mukhang kami na ang mananalo! Sumilip ako sa kabila para tignan sila. Nakatingin pala sila sa amin. Nakita ko si Lei na hawak-hawak ang Bob Ong na libro. Mukhang magbabasa na naman siya. Samantalang si Cheney ay kinawayan ako at nag-flying kiss. Agad ko namang kinuha iyon, gamit ang kanang kamay ko sabay lagay sa puso ko. Bumulong siya sa akin ng "I LOVE YOU" sabay kindat.

Ngumiti naman ako at pagkatapos ay itinuon ang sarili sa mga fans naming dalawa ni Shaine.

"Jacob and Shaine!! Hoy, iboto ninyo sila ah!!" sigaw ng isa kong 4th year fan.

Ang Kwintas, Ang Snickers at Si Patrick (Boxyboy) (Completed)Where stories live. Discover now